Kinabukasan ay wala pa si Gelo sa opisina nang dumating ako. Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag dahil kanina pa ako kabadong-kabado at parang ayaw ko s’ya harapin ngayong araw dahil sa nangyari kagabi! Malakas na napapaypay ako sa pisngi gamit ang mga palad nang maisip na naman ‘yon. Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip sa mga nakita n’ya sa kwarto ko. Masyado pa naman akong careless dahil alam kong wala namang ibang makakakita no’n kung hindi si Ate lang o si Mama! Sa sobrang pagmamadali ko kahapon ay hindi ko na naisip ‘yon nang hayaan ko s’yang mamahinga sa kwarto ko. Isa pa, matagal na ang bulletin na ‘yon at buong fangirling life ko ay nakasulat doon! Sa sobrang daming magandang kuha ni Gelo sa akin ay isa nga lang ang inilagay ko doon. Balak ko pa naman sana noon na idiki