Pagkatapos mag-lunch ay hindi na yata ako mapakali dahil sa kakaisip sa mga sinabi ni Gelo kanina. Napapadalas tuloy ang sulyap ko sa gawi n’ya at sa tuwing mahuhuli n’ya ang titig ko ay nag-iinit ang mga pisngi ko dahil pakiramdam ko ay ngumingiti ang mga mata n’ya sa akin kahit na hindi naman s’ya nakangiti! Tumikhim ako nang muling mahuli n’ya ang tingin ko at agad na binaling ang atensyon sa ginagawa kahit na hindi ko na masundan ang ine-encode ko dahil masyado akong distracted sa presensya n’ya. Sa lahat ng mga araw na nanood ako ng basketball ay walang pagkakataon na hindi ako naging maingay! Iniisip ko pa lang kung paano n’ya ako panoorin habang nagchicheer sa mga kaibigan n’ya ay nag-iinit na ang buong mukha ko dahil sa hiya! Wala pa naman akong pakialam sa paligid kapag nasa git