Congratulations

2126 Words
“Aahhh!!!!” Kung may makakakita siguro sa akin dito na nagsisisigaw ng walang tunog ay hindi magdadalawang isip na sabihan ako ng nasisiraan na ng bait. Oo! Nasisiraan na nga yata talaga ako ng bait dahil sa nangyari kanina! Kung special para sa karamihan ang mga events na katulad nito, para sa akin, gusto ko na lang na hilingin na sana hindi na lang nangyari ang araw na ‘to! Kung alam ko lang na uutusan ni Kira ang Kuya n’ya na magdala ng regalo sa akin ay parang gusto ko na lang tapusin ang friendship namin! Hindi n’ya alam kung anong pinagdaanan ko buong araw dahil sa ginawa n’ya! “Shiiit! Bakit mo ba kasi sinabi ‘yon? Bakit si Gelo pa, sa dami ng crushes mo bakit si Gelo pa?!” bulong ko habang kinakagat ang kumot at nagpapagulong-gulong sa kama! Gusto ko na lang talagang mahulog dito at mabagok ang ulo at ‘wag nang mag-agaw buhay. Diretso tigok na para wala ng hassle!!!!! Few hours ago… “Mitz, may nakalimutan yatang sabihin ‘yong boyfriend mo sa labas. Nandoon pa rin, hindi pa umaalis,” sabi ni Ate Mira sa akin pagpasok n’ya sa kusina. Hindi ko na kasi hinatid si Gelo sa labas pagkatapos ng mga sinabi ng mga kaibigan ko sa kanya! As in wala na akong mukhang ihaharap! Kung pwede lang magpalit ng mukha, baka kahit sa langgam, nakipagpalit na ako! Para akong mahihimatay sa mga titig n’ya sa akin kanina. Busog na busog tuloy ako sa juice dahil wala akong ginawa kung hindi ang uminom kanina habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko sa kanya! Kulang na lang ay laklakin ko na pati pitsel ng juice dahil kung hindi ko gagawin ‘yon ay baka matuyuan ako sa sobrang tensyon na nararamdaman! At ang mas nakakaloka ay iyong mga response n’ya! Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ‘yon dahil magaling s’yang magpanggap o ikakanginig ng buong kalamnan ko dahil halos isang oras s’yang nakahawak sa kamay ko!!!!!! Agad na nag-init ang mga pisngi ko at wala sa sariling napapaypay sa mukha gamit ang mga palad. Agad na napapikit ako nang tumama ang mga bula ng dishwashing liquid sa mukha ko. Naghuhugas nga pala ako ng plato! Ito ang ginawa kong alibi para makatakas kay Gelo!!!! Parang mahihimatay ako kanina dahil dikit na dikit ang mga braso namin. Halos malanghap ko na lahat ng bango n’ya dahil sa sobrang lapit n’ya sa akin. Lumilingon pa s’ya sa tuwing manunukso ang mga kaibigan ko at bubulong na parang katapusan ko na dahil sa ginawa kong pagsisinungaling!!!!! Habang ang mga kaibigan ko ay kilig na kilig sa amin, ako naman ay parang hinahatulan ng buhay sa tabi ng Gelo na ‘yon! Hindi ko na yata kailangang mamatay dahil mukhang naranasan ko nang unti-unting gisahin sa impyerno dahil sa mga titig n’ya na hindi ko maintindihan! Sa buong buhay ko ay kanina lang may lalaking nakalapit sa akin ng sobra at gano’n katagal! Literal na para akong malalagutan ng hininga sa tuwing tatawagin n’ya ako ng ‘Babe’ sa harapan nila! “Ay! Ano ba ‘yan, Mitz?! May balak ka bang mag bubble bath sa lababo?!” komento ni Ate Mira kaya agad na napapunas ako sa mukha. “Ako na d’yan. Labasin mo na muna ‘yon at mukhang malayo pa ang uuwian,” sabi n’ya at saka tinulak ako para makalabas doon. Gusto ko sanang tumanggi pa kaya lang ay nang lumabas ako ay nakita kong nandoon pa nga ang kotse ni Gelo sa labas ng gate! “Diyos ko… hindi pa po ba natatapos ang parusa ko? May continuation pa?” parang timang na bulong ko habang kumukubli sa pinto para hindi ako makita ni Gelo. Agad na kinalma ko ang sarili katulad sa ginawa ko kanina. Alam kong naitawid ko naman ng maayos ang poker face mode ko kanina. Kunwari, walang epekto sa akin ang paglalapit namin ng todo. Kahit na deep inside ay pakiramdam ko kaluluwang ligaw na lang ako na nakikihalubilo sa mga buhay na tao! Isang hingang malalim at nagpoker face ako habang lumalapit sa kotse n’ya. Agad na napalunok ako nang unti-unting bumukas ang salamin ng kotse n’ya. Medyo mahangin na dahil nagsisimula ng gumabi. Kitang-kita ko tuloy ang pagsayaw ng buhok n’ya nang matamaan ng hangin. Mahina lang naman ‘yon pero mukhang sa sobrang gaan at lambot ng buhok n’ya ay nadala pa rin ng hangin. Shiiittt! Parang hindi man lang pinagpapawisan ang isang ‘to! Sa sobrang init kanina, dapat sana ay haggard ang itsura n’ya at nanlalagkit! Pero hindi… fresh na fresh pa rin! Ang lakas talaga maka-fresh ng maputi at makinis na balat! Nakasuot pa s’ya ng black polo na nakarolyo hanggang sa siko. Kaya lutang na lutang talaga ang kulay n’ya! “S-sorry!” mabilis na sabi ko at agad na yumuko. Hindi ko na kayang salubungin ang tingin n’ya kaya agad na yumuko ako at pumikit ng mariin. “Sorry?” narinig kong ulit n’ya sa sinabi ko kaya sunod-sunod na tumango ako habang nananatiling nakayuko at nakapikit. “Oo… S-sorry. Sana… ‘wag mo akong isumbong kay Kira…” kabado at hinging paumanhin ko. Baka kasi sa sobrang disappointment n’ya ay banggitin n’ya ‘yon kay Kira. Hindi pa naman alam ni Kira ang pinaggagawa kong paggamit sa Kuya n’ya para lang ipakita kay Jules na wala talaga akong gusto sa kanya. Gusto ko namang isalba ang pride ko kahit papaano! “You didn’t mean that?” muling tanong n’ya kaya napadilat na ako at sinalubong ang tingin n’ya. Ano bang sinasabi nito? Medyo nag-loading pa ang isip ko kung tungkol saan ang sinasabi n’ya. “Ha?” litong tanong ko. “Anong ibig mong sabihin?” “You didn’t mean everything you say to your friends?” tanong n’ya ulit. Napakurap-kurap ako at napatulala sa kanya. “Gus…gusto mo bang totohanin… ko?” litong-lito at hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko talaga makuha kung ano ang sinasabi n’ya. Nakakaloka! Nalasing pa yata ako sa amoy n’yang halos dumikit na sa balat ko kanina. Tumawa s’ya at agad na kinagat ang ibabang labi para matigil kaagad kaya lalo akong napatanga sa mukha n’ya. Shiiit! Dapat lang pala talagang ipagdamot nito ang ngiti n’ya kasi… maraming magbubuhol-buhol ang kasalanan kung sakali! “Can you do that?” tanong n’ya na medyo halata pa rin sa boses na natatawa! Napalunok ako at inisip pa kung ano na nga iyong pinag-uusapan namin. Nakalimutan ko na sa sobrang pagkatulala sa ngiti n’ya! “Ha?” “Kaya mong pangatawanan maging boyfriend ako?” tanong n’ya na parang pinilit lang talaga na magsalita ng tagalog! “Oo naman! Hindi naman nila alam na hindi totoo…” sagot ko at pinagsalikop ang dalawang palad. “Sorry talaga, Kuya Gelo. Patawarin mo ako. Wala na kasi akong ibang naisip at si Kira lang ang pinaka malapit sa akin na hindi nila kilala kaya ikaw ang… naisip ko. Sorry…” hinging paumanhin ko pa. “Now you are calling me Kuya,” sabi n’ya at kumunot ang noo. Napalunok ako at agad na umiling. Oo nga naman! Bakit ko naman s’ya tatawaging Kuya eh hindi naman kami magkapatid! Ang layo-layo ng agwat ng status namin! Wala akong karapatan kahit na ang tawagin lang s’yang Kuya! “S-sorry, Sir…” sabi ko.Tumaas ang kilay n’ya at tinigilid ang ulo habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Ayaw ba n’ya ng Sir? “Uhmm… Boss?” tanong ko dahil naisip kong dahil anak s’ya ni Chairman Lopez ay magiging Boss ko na rin s’ya. Kumunot ulit ang noo n’ya at hindi pa rin nagsalita. Napakamot ako sa pisngi. “Engineer Lopez?” tanong ko ulit. Humalukipkip s’ya at mukhang hindi pa rin gusto iyon. Ano ba kasing itatawag ko?! “Just call me Gelo,” sabi n’ya nang wala na akong maisip na pwedeng itawag sa kanya. Tumango ako. “Okay, G-gelo…” sambit ko. “Or you can call me ‘Babe’ perhaps…” habol n’ya pa kaya hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. “In front of your friends,” habol n’ya kaya napa ‘Ahh…’ ako at tumango. “‘Wag kang mag-alala kasi last naman na ‘yon. Hindi na kami magkikita-kita na madalas kaya… hindi na nila ako kukulitin tungkol sa’yo,” paliwanag ko. Tumaas ang kilay n’ya at mukhang hindi kombinsido sa sinabi ko. “You’re not really sure if they wouldn’t ask about me or about us anymore,” sabi n’ya kaya agad na napaisip ako. Hindi ko maimagine na mag-iisip pa rin sila ng gano’n. At kung mangyayari man ‘yon, hindi na ako magdadalawang isip na sabihin sa kanila na break na kami dahil nawalan ako ng time dahil sa trabaho. Basta! Kayang-kaya ko na sigurong lusutan- “You cannot really say that we broke up ‘coz that would be off,” sabi n’ya na parang nabasa kung ano ang nasa isip ko. “Especially to that guy you are trying to make jealous of,” dagdag pa n’ya kaya napasapo na ako sa bibig habang namimilog ang mga mata. “A-anong ibig mong sabihin-” “The guy in the red shirt. I think he likes you,” sagot n’ya. Agad na umiling ako at hindi na naiwasang tumawa. “Imposible ‘yan! Kaya nga ako nagpanggap na boyfriend kita dahil sa kanya-” napatigil ako sa pagsasalita nang marealized kung ano ang sinasabi ko. Umangat ang kilay n’ya sa akin. Nag-init agad ang pisngi ko. “Did you get dumped?” magkasalubong ang kilay na tanong n’ya. Hindi ako nakapagsalita. Shiittt naman! Mindreader pa yata ang isang ‘to! Magsasalita na sana ako pero umiling s’ya at nagsalita na ulit. “By the way, did you create another f*******: account?” tanong n’ya na ikinabigla ko. “Hindi ah! Bakit naman ako magpapalit pa ng account?” wala sa loob na sagot ko at agad na napasinghap nang maalala kong s’ya nga pala ang dahilan kung bakit hindi na ako nagfacebook! “So, you were just avoiding me after you sent those-” Agad na umiling ako at halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang dumapo ang palad ko sa bibig n’ya. Agad na tinanggal ko ‘yon nang ma-realized ang ginawa ko!!! “Ano kasi! Kalimutan mo na ‘yon! Lasing lang ako at akala ko si Kira ka…” kagat ang ibabang labi na paliwanag ko nang maalala ang nakakahiyang gabi na ‘yon! First time kong uminom dahil first time kong makatagpo ng mga barkada kaya sa sobrang tuwa ko ay noong pinainom nila ako, uminom ako! At nalasing ako! Nagpicture ako ng wacky at ipapakita ko sana iyon kay Kira pero dahil halos pareho sila ng spelling ng pangalan ay sa kanya ko naisend ang mga ‘yon! Pagkagising ko kinaumagahan ay na-seen n’ya lahat ng ‘yon pero hindi s’ya nagreply! Mabuti na lang at hindi s’ya nagreply dahil kung nagreply pa s’ya ay baka ibinaon ko na lang ang ulo ko sa lupa! “How can I possibly forget about that?” sabi n’ya na hindi naman nakatawa pero halata sa boses na natatawa kaya agad na nag-init ang pisngi ko! “Anyway, if that’s the reason why you aren’t active on social media, then forget about it,” sabi n’ya kaya napakurap-kurap ako. “And… reply to my chats. How can your friends believe that we’re together if you aren’t even liking my pictures?” dagdag n’ya pa at saka inilagay ang mga kamay sa manibela. Napalunok ako at hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nagtagal kaming gano’n hanggang sa tumikhim s’ya ay nagsalita ulit! “I’ll be back in England next week,” sabi n’ya at tumingin sa akin. “I’m just telling you just in case your friends would ask…” dagdag n’ya pa na parang nagpapaliwanag kung bakit n’ya ‘yon sinasabi sa akin! Wala sa sariling napatango na lang ako. “O-okay…” simpleng sagot ko. Binuhay na n’ya ang makina ng sasakyan at saka muling hinarap ulit ako. Parang nagdalawang isip pa s’ya bago lumingon sa likod ng sasakyan at may inabot doon. Nagulat ako nang may i-abot s’ya sa akin na maliit na pahabang box. “I heard you are going to work in LEF starting next week?” sabi n’ya kaya napamaang ako. “Congratulations on your graduation and good luck on your new job,” sabi n’ya bago tuluyang pinaandar ang kotse. Naiwan akong tulala doon at ilang sandali pa bago tuluyang nakagalaw bago napatingin sa box na iniabot n’ya. Nang buksan ko ‘yon ay nakita kong isa iyong fountain pen na may naka-engraved pa na pangalan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD