Mukhang totoo nga ang sinabi ni Gelo na madalas sila rito dahil kitang-kita ko ang rekognisyon sa mukha ng may-ari ng karinderya nang makita si Gelo. “Sir, dito na lang po…” sabi ng isang lalaki na nag-aassist sa amin doon. Hinawi n’ya ang kurtina at dinala kami sa medyo loob ng karinderya kung saan walang ibang kumakain. Mukhang ginawa talaga ‘yon para sa mga ayaw na humalo sa maraming tao. “We’re okay outside,” narinig ko pang tanggi ni Gelo pero umiling na ‘yong lalaki at saka inayos na ang table. “Dito na po. Wala namang kumakain dito,” sabi ng lalaki bago kami iniwanan doon. Nilingon ako ni Gelo at saka hinila na ulit palapit sa table. Pinaghila n’ya pa ako ng monoblock chair kaya hindi sinasadyang nagkahawakan pa ulit kami ng kamay nang agawin ko sa kanya ‘yon para ako na ang humi