Parang gusto ko ring kwestiyunin ang sarili kong katinuan nang walang pag-aalinlangan akong sumunod kay Vlad para sa naisip niyang ideya. Hindi normal iyong mental state niya kaya dapat ay ako iyong mas nakakaalam ng tama sa aming dalawa pero ang nangyari ay ako itong napapasunod niya. "This is crazy." Kanina ko pa paulit-ulit ang sinabi ang linyang iyan. Paano ba naman kasi, pumayag pa talaga akong samahan siya sa loob ng men's comfort room. Pareho naming alam kung ano ang gagawin niya rito sa loob pero ang nakakaluka ay sinama niya pa ako. Ngayon tuloy ay naisip ko na baka kailangan niya ng audience upang mabilis na labasan. Sabi ko nga bang hindi talaga mapagkakatiwalaan ang ideya niya! "Papanoorin ba kita?" hindi ko na napigilang itanong nang huminto kami sa harapan ng isa sa mg