GLAIZA "O Tsong kape. Anyare? Maaga naman tayong umuwi kagabi diba? Bakit parang wala ka atang tulog? May shoot ka pa ba after nung sa RK last night?" tanong sa akin ni Chynna after nito maiabot yung kape sa akin. Umiling lang ako dito habang hihikab-hikab na tinanggap yung coffee na inabot nito. Bakit nga ba ako puyat? Well, after kasi namin tumambay sa RK, umuwi na rin kami kasi nga umaga yung taping namin ngayon. Pero yun nga, pagdating ko sa bahay, biglang may nareceive akong tawag at halos 5am na ata kami natapos mag-usap. Kaya eto, sobrang antok na antok pa rin ako. Ikaw ba naman yung halos dalawang oras lang yung tulog diba? "So, bakit nga?" pangungulit pa nito. Wala talaga akong energy para sumagot sa kanya kaya pumikit na lang ako. Mamaya ko na lang ikkwento sa kanya lahat-l