Mina HANGGANG ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinagtapat sa kanya ni Jessa. Nagtungo sila sa isang coffee shop malapit sa University nila. Hindi nila halos ginagalaw ang cake at ice coffee na inorder nilang pareho. Para kasing nawala ang nararamdaman niyang gutom sa mga nalaman. Akala niya malaki na ang problema niya pero mas malaki pala ang dinadala nitong problema. "Bakit di mo sa'kin sinabi na nagkakaproblema ka pala finacially? Alam mo naman na tutulungan kita kahit anong mangyari," nagtatampong sabi niya dito. Kahit naman paano may naiipon siyang pera mula sa mga allowance niya na hindi niya nagagalaw. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Nakokonsensya siya. Si Jessa ang nag-iisang kumaibigan sa kanya sa University. Ito lang ang nagtyatyagang samahan siya kahit mad