Chapter 65

895 Words

Mina's POV IKINULONG ni Kenobi ang mukha ni Mina sa palad nito. "That's more than enough for me," anito. "Sana kagaya mo ma-process din ni Dad ang lahat ng nagawa ko at mapatawad niya rin ako," malungkot na dagdag nito. "Siyempre naman," pag-aalo niya dito. Naghinang ang mga mata nila. Nakita niyang ilang beses na napalunok si Kenobi habang nakatingin sa mga labi niya. Unti-unti bumaba ang mga labi nito sa labi niya. Nang malapit ng maglapat ang mga labi nila ay biglang sumagi sa isip niya si Jade. Mabilis na nag-iwas siya ng mukha kaya sa gilid ng labi niya lumapat ang labi ni Kenobi. "Ahm... About Jade," aniya. Napapikit naman si Kenobi. Inilapat nito ang noo sa noo siya. Ramdam niya ang mabibigat na paghinga nito. "Do you want me to fire her?" nakapikit na tanong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD