Kenobi's POV "And they live happily ever after..." pagtatapos ni Kenobi sa kuwentong pambatang binabasa niya kay Lexa. Binalingan niya ang anak na nakaunan sa kanyang braso. Namimigat na ang talukap ng mga mata nito. Napangiti siya at hinila ang kumot saka ikinumot dito. "Goodnight, baby..." masuyong aniya saka ito hinalikat sa noo. "Daddy..." "Hmmm?" "Paggising ko po ba bukas nandito na si Axel at Mommy?" inaantok na tanong ng ni Lexa. Natigilan siya. Saglit na hindi niya malaman kung paano sasagutin ang tanong ng anak. "Not yet, sweety..." may bikig sa lalamunang sagot niya. "Kailangan pa munang manatili ni Axel sa hospital pero bukas isasama kita roon. Nami-miss ka na ni Axel." "Talaga po?" "Yes, my little princess." "Si Mommy po? Makikita ko na rin po ba siya bukas? B