- Mina - "A-anong g-ginagawa mo dito?" Tumaas ang kilay nito at mas lalong ngumisi nang nakakaloko. Napatingin siya sa mga labi nito. Bahagya pa iyong namumula. Wala sa loob na napahawak siya sa sarili niyang labi. "This is my room. Am I not allowed here now? In my own f*****g room?" Tumalim ang tingin niya dito. Ito ang nagsabi na dito ang kwarto ni Kristoff tapos magmamaang-maangan pa ito? "Sabi mo ito ang kuwarto ni Kristoff. You lead me here!" Naningkit ang mga mata nito. "Ang sabi ko kaliwang pasilyo, dulong kuwarto kaliwang side. You turn on the wrong side, babe." Naginit ang mukha niya dahil sa endearment nito sa kanya. Pahiya siya. Hindi niya masyadong inintindi ang sinabi nito kanina. Tapos ito pa ang sinisi niya. Pareho silang napalingon sa pinto ng may kumatok. Nanl