Mina's POV
FEELING NIYA PARA siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng tumapat sa kanya ang bote.
Kagat labi at dahan dahan-dahan siyang lumingon kay Kenobi. Parang gusto niyang umiyak.
Kung si Elizabeth nga ipinahiya nito siya pa kaya? Natatakot siya sa maaari nitong ipagawa o itanong sa kanya. At ano ang pipiliin niya? Dare ba? Kaya niya bang gawin kung ano man ang ipagawa nito, dahil paniguradong pahihirapan siya nito.
Yun ang libangan nito e, ang pahirapan siya. Simula pa nung unang magtagpo ang mga mata nila pinahirapan na siya nito. Ipinahiya at sinaktan ng physical.
Ngayon alam niya na ang pairamdam ng mga nasa silya elektrika. Pakiramdam niya ngayon hahatulan na siya ni Kenobi base sa pagkakangisi nito.
Sa mata niya, sungay na lang ang kulang nito papasa na talagang demonyito.
"Truth or dare?" tanong nito sa kanya.
Lalong bumaon ang ngipin niya sa ibabang labi niya sa tanong nito.
"T-Truth..." mahinang bulong niya
Ngumiti ito na tila tuwang-tuwa sa kanya.
"Are you sure ayaw mo ng dare?" inilapit pa nito ang mukha sa tenga niya saka siya binulungan.
Mabilis siyang umiling.
"Okay. ." kibit-bakikat na anito. Naghanda siya sa itatanong nito. Kahit kinakabahan nanatili siyang naghintay sa sasabihin nito. "Have you ever been... Kissed?" tanong nito na nakatuon ang tingin sa mga labi niya.
Nangunot ang noo niya. Hindi niya kasi sigurado kung tama ba ang narinig niyang itinanong nito.
"A-ano?" takang tanong niya.
"Nevermind let's just find out." Yun lang at kinabig na nito ang batok niya at hinalikan siya.
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito.
Nakarinig siya ng pagsinghap at pagkatapos ay malakas na katyawan.
Natatarantang itinukod niya ang dalawang kamay sa dibdib nito para itulak ito pero parang bato ang katawan nito, hindi niya man lang maitulak kahit kaunti.
"Ummph--" protesta niya habang ginagalugad ng labi nito ang labi niya.
Maya-maya pa ay may biglang humila dito palayo sa kanya. Nang tumingala siya ay nakita niya si Kristoff na galit na hinila patayo si Kenobi at itinulak.
Bago pa tuluyang magpang-abot ang magkapatid agad na inawat na ang mga ito nila Gareth at Xyrius pati ng ibang teammates ni Kristoff.
"Ayos ka lang ba, Mina?" tanong sa kanya ni Jessa na nakalapit na pala sa kanya "Tara na habang nagkakagulo pa sila, umalis na tayo," mahinang bulong nito sa kanya saka siya inalalayang makatayo.
Kahit nanginginig ang mga tuhod niya sa nangyari pinilit niyang makalakad ng diretso. Nagmamadali silang tumalilis doon ni Jessa.
Nakahinga lang sila ng maluwag nang makapunta sila sa parking lot at makasakay sa kotse nito.
"Woooh! s**t nakatakas din," sabi ni Jessa na malakas na napabuga ng hangin.
Hindi siya umimik. Ang bilis ng t***k ng puso niya sa sobrang kaba. "U-uwi na tayo," halos utal na sabi niya sa kaibigan.
Napalingon ito sa kanya at naaawang tinapik ang balikat niya. "Uuwi na talaga tayo," nakakaunawang sabi nito saka pinaandar na ang makina ng kotse.
Wala silang imikan habang nasa byahe. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana. Andaming gumugulo sa isip niya. Idagdag pa ang ginawang panghahalik sa kanya ni Kenobi. Wala sa loob na nahawakan niya ang mga labi niya. Naiinis na pinahid niya iyon.
Hinatid siya Jessa sa bahay nila kahit pa mas mauunang madaanan ang bahay ng mga ito pagkagaling sa mansion ng mga Sandoval.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jessa.
"Oo, naman. Sige na uwi ka na. Mag-iingat ka ha." Pinilit niyang ngumiti dito .
Ngumiti ito at tumango sa kanya bago ibinaba ang bintana ng kotse nito at umalis na.
Siya naman ay pumasok na sa loob ng mansion. Gustong-gusto na niyang makaakyat sa kwarto niya at mahiga sa kama niya. Sobrang nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw.
Paakyat na siya sa hagdan nang makita niya ang daddy niya na pababa ng hagdan. Nakasuot ito ng pajama na pinatungan ng robe.
"How's the party hija?" nakangiting salubong nito sa kanya.
Bineso niya ito, "Good evening, dad."
"It's almost ten pa lang, tapos na agad ang party?" tanong nito sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti dito "Hindi pa, dad. Nag-aya na lang po akong umuwi dahil inaantok na ako," pagsisinungaling niya. Hindi siya makatingin ng tuwid sa daddy niya dahil baka malaman nitong nagsisinungaling siya.
Ang saya pa naman nito ng magpaalam siya ditong aattend siya sa isang party. Noon pa kasi siya nito inuudyukan na i-enjoy ang teenage life niya. Na makipagkaibigan sa iba bukod kay Jessa, na makihalubilo at mabuhay ng normal kagaya ng ibang kaidaran niya.
Alam niyang nag-aalala ito dahil aloof pa rin siya sa ibang tao. Gusto nitong mabuhay siya ng normal kaya naman pinipilit niyang itago ang lahat ng nangyayari sa kanya sa school para ipakita lang dito na normal na siya, na okay na siya... na wala itong dapat ipag-alala sa kanya.
"Ganon ba... O, cge na pumanhik ka na sa kwarto mo at magpahinga." Yumuko ito at hinalikan siya sa noo.
"Good night, dad."
"Good night, sweety."
Humakbang na siya paakyat at ang daddy naman niya ay humakbang na rin pababa ng lingunin niya ito.
"Dad..." tawag niya dito.
Nagtatakang nilingon siya nito. "Yes, sweety?"
Bumuka ang bibig niya pero hindi niya magawang itanong ang gusto niyang itanong dito. Umiling na lang siya at kinagat ang ibabang labi. Gusto sana niyang itanong kung may alam ba ito sa kaugnayan ng mga Sandoval sa Mommy niya, pero parang nauumid ang dila niya.
"Nothing... I-I love you, dad," sabi niya na lang dito.
Nginitian siya nito at umakyat uli. Nang nasa harapan niya na ito ay niyakap siya nito.
"I love you too, anak... Always remember that," bulong nito sa kanya. "Now, go to your room and sleep or you want me to read you a book?"
Natawa siya sa sinabi nito. "I'm a big girl now, dad."
Natawa rin ito at bumitiw na sa kanya. "I know... And you grow so fast, you all grow so fast that scare me... Ilang taon na lang magkakaron na kayo ng sari-sarili niyong pamilya."
Bumuntong-hininga ito at masuyong hinaplos ang ulo niya. "Basta piliin niyo ang lalaking kaya kayong alagaan at hindi kayo sasaktan. Masaya na si daddy kapag ganoon, mapapanatag na ang loob ko."
Napangiti siya dito. Sana nga makahanap siya ng taong magmamahal at mag-aalaga sa kanya katulad ng daddy niya. Saksi siya kung paano nito mahalin at alagaan ang Tita Melody niya.
NAKAKARAMDAM NA siya ng pagkailang sa mga matang nakatingin sa kanya. Kanina pa lang sa gate ng University ay sinusundan na siya ng tingin ng mga nadadaanan at nakakasalubong niya saka magbubulungan ang mga ito at magtatawanan.
Yumuko na lang siya at hindi na lang pinansin ang mga ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa madaanan niya ang bullitien board na pinagkukumpulan ng ilang mga estudyante. Lumapit siya doon dahil parang may humihila sa lanya para silipin kung ano ang mayroon sa bullitien board. Nang mapansin siya ng mga umuusyo doon ay binigyan siya ng makahulugang tingin ng mga ito, ang iba ay tila kinukutya pa siya.
Kinagat niya ang ibabang labi niya at pinilit isiniksik ang sarili sa mga taong naroroon para makarating sa unahan ng bulletien board.
Nang tuluyang makalapit ay gano'n na lang ang lakas ng pagsinghap niya nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante doon.
Mga pictures kuha sa isang hotel room at nakahiga sa isang queen size bed si Jessa wearing nothing but a small black lingerie. Bahagyang nakaliyad si Jessa at senswal na bahagyang nakabuka ang mga labi nito at nakapikit ng mariin ang mga mata. Iba-ibang anggulo ang kuha pero iisang lugar at tao lang ang nasa larawan. May nakasulat na 'w***e for a nigth, rent her' at nakalagay doon ang pangalan ni Jessa at numero nito.
Sa nanginginig na kamay ay agad siyang kumilos para pagtatanggalin ang mga litrato. wala siyang itinira kahit isa, nilamukos niya ang lahat ng iyon saka isinilid sa bag niya. Nagmamadali siyang tumalikod para sana makalayo doon ng harangan siya ng mga kalalakihang umuosyoso kanina.
"Bakit mo naman tinanggal?" sabi ng isang lalaki na may katabaan. base sa lace ng I.D. nito ay napag-alaman niyang isa itong engineering student.
Siniko ito ng katabi nito. "Ano ka ba, dude, kaibigan yan nung pokpok na nasa mga picture," bahagya pa itong dumukwang sa kasama at bumulong na narinig din naman niya. "Baka nga pokpok din yan," sabi nito na may mala demonyong ngisi sa mga labi at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng kilabot dahil sa ginawa nitong iyon.
"Anong baka? I'm sure katulad din siya nung kaibigan niyang pokpok. I saw her last night at Kristoff party, she tried to hooked up with different guys including the Sandoval's," singit naman ng isang babae. Namumukhaan niya ito, isa ito sa mga kaibigan ni Elizabeth.
Napatiim bagang siya at naikuyom niya ang nga kamao. "Hindi totoo yan!" mariing sabi niya saka mabilis na nilagpasan ang mga ito.
Malalaki ang mga hakbang na lumayo siya sa mga ito. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at dinial ang number ni Jessa, pero hindi ito sumasagot. Ilang beses niya pang dinial ang number nito pero ring lang nang ring hanggang sa tuluyan niya ng hindi nakontak ang number nito.
Napabuntong-hininga na lang siya. Nag-aalala siya para kay Jessa. Sino kaya ang walang puso na gumawa ng ganitong kalokohan sa kaibigan niya? Hindi siya naniniwala sa mga chismis tungkol sa kaibigan kilala niya ito. Mataas ang respeto nito sa sarili at hindi ito gagawa ng anumang ikasisira nito.
Naglakad siya patungo sa locker. iniwasan niya na lang mapadaan sa mga estudyanteng nagkukumpulan. Nasasaktan kasi siya kapag may hindi magandang naririnig tungkol sa kaibigan.
Pinili niya na lang hindi pansinin ang mga ito at yumuko na lang habang naglalakad hangang sa makarating siya sa locker niya. Kinuha niya ang susi ng locker niya sa bag at sinusian ang locker niya. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ng locker niya sumabog sa mukha niya ang napakaraming puting pulbos. Napakarami niyon, nagkanda ubo-ubo siya dahil nalanghap niya ang pulbos na kung hindi siya nagkakamali ay harina. Hindi niya rin maimulat ang mga mata niya at halos maluha na siya dahil napuwing siya.
Hindi pa siya nakakabawi sa nangyari ng napa-igik siya nang maramdaman niyang may tumama sa likod niya at naramdaman niyang nabasa ang likod niya. Ilang segundo pa ay nakarinig siya ng halakhakan saka ang sunod-sunod na pagbato sa kanya. Napalupasay siya sa sahig at pilit isinisiksik ang sarili sa katabing locker na para bang mapoprotektahan siya niyon.
Bawat tama sa katawan niya ay may hatid na sakit sa balat niya. Wala siyang nagawa kundi cover-an ang ulo niya. Hindi niya magawang lumaban ni hindi niya magawang itingala ang mukha niya para tignan kung sino-sino ang mga bumabato sa kanya dahil sa takot na matamaan siya sa mukha.
Bawat bato sa kanya ay nakakaramdam siya ng pamilyar na kirot.
"T-Tama n-na..." tanging naiusal niya.
'T-Tama n-na p-po! tama n-na p-po!' - Narinig niyang sigaw ng isang bata sa kanyang isip. Puno ng pagmamakaawa ang tinig na iyon na may halong sakit sa bawat pagbigkas ng salita.
"Tama na..." impit niyang daing.
'T-tama n-na poooo...'
"Tama na..."
Hindi niya alam kung alin ba ang gusto niyang patigilin. Kung ang pangbabato ba sa kanya o ang pag-agos ng mga alaala sa isip niya.
Tinakpan niya ang kanyang tenga dahil paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang sigaw ng pagmamakaawa na iyon. Parang pinupunit no'n ang puso niya. Umagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng batang iyon, parang pinipiga ang puso niya habang pinapanood sa isip ang isang eksenang nagpapa durog sa kanya.
Halos isiksik na ng patpating bata ang katawan sa ilalim ng lamesa habang patuloy siyang hinahampas ng kanyang ina gamit ang hawakan ng walis tambong kahoy.
Pilit siyang nagmamakaawa, umaasang kahit kaunti ay maantig sa kanya ang kanyang ina.
'Aaaahhh!!' Muling sigaw niya ng hampasin nito ang binti niya. Hinila niya gamit ang kamay niya ang nasaktang binti pero muli siyang hinampas at tumama iyon sa braso niya. Malakas na napasigaw siya dahil sa sakit. 'T-tama n-na pooo... A-ayoko n-na poo!'
Masakit na ang bawat himaymay ng katawan niya, halos dugo na ang nakikita niya dahil sa umaagos na dugo mula sa pumutok niyang ulo.
Ilang hampas pa ang natamo niya mula sa ina bago siya nito tinigilan.
Nagmumumurang lumayo ito sa kanya. Pero hindi niya magawang umalis sa kinaroroon niya.
Umiiyak siya pero wala na ang mga luha niya, siguro'y natuyot na dahil kanina pa siya iyak nang iyak. Iniiyakan niya ang pananakit ng sarili niyang ina dahil lang sa kinain niya ang tirang pagkain ng mga ito na itinabi pala nito para sa alaga nitong aso.
Gutom, pagod sa maghapong trabaho at bugbog mula sa ina ang siyang nag gupo sa kanya mula sa kawalan. Gusto nang sumuko ng bata niyang katawan. Sa idad na walo lahat na ata ng pananakit ay naranasan na niya. Mula sa gawing ashtray ang likod niya kapag nag-iinuman ang kanyang amain at mga kumpare nito, hanggang sa sampal, sabunot, tadyak kapag nagkakamali siya mula sa amain. Isama na ang pang bubugbog ng kanyang sariling ina sa kanya kahit minsan ay wala namang dahilan.
Gusto na niyang sumuko... Pero hindi niya magawa... Gusto niyang makabalik sa piling ng daddy niya... Maramdamang muli ang yakap nito, ang masusuyo nitong halik sa noo niya. Gusto niya uling marinig ang boses nito. Pero paano? Paano siya makakabalik sa daddy niya kung nakakulong siya sa impyernong buhay kasama ang Mommy niya at ang Stepfather niya?
Paano siya babalik sa daddy niya kung hindi niya alam ang daan papunta dito?
'D-Dada...' impit niyang iyak. Bago siya tuluyang mawalan ng malay.
To be continued..