Kristoff Parang may mga bolang bakal na nakakadena sa mga paa niya habang naglalakad siya patungo sa libingan ni Mina. Tatlong araw ang naging burol nito Pero Hindi sila hinayaan ng mga De'Marco na makalapit kay Mina. Kahit naglumuhod siya at nagmakaawa pero hindi natinag ang mga ito. Wala siyang nagawa kundi manatili sa kotse niya at tanawin ang liwanag na nagmumula sa mansion ng mga De'Marco. Nanatili siyang nakatanaw habang inaalala ang mga sandaling hinayaan niya ang sarili na mahalin ito. Noong mga panahong nagtatalo pa ang puso niya kung mamahalin o paghihigantihan ito. Noong mga panahong totoong naging masaya siya sa piling nito. Kaya lang hanggang ala-ala na lang ang lahat. Hindi na niya maibabalik sa dati, hindi na niya maibabalik ang bubay ni Mina. Kahit anong gawin niya,