Mina's POV NAGTUNGO sila sa kusina. Hindi na niya ginising si Lexa dahil ayaw na rin ni Kenobi. Hayaan na raw munang magpahinga ito. Pumayag naman siya kahit miss na miss na niya ang anak at kahit gustong-gusto na niya itong makausap. "A-Ang mabuti pa u-umuwi na muna ako. Babalik na lang ako bukas ng umaga--" "Magluluto ako ng pesto. Paborito mo iyon hindi ba?" Nakangiting nilingon siya nito. Nasa harap ito ng ref at isa-isang nilalabas ang mga gagamitin nito sa pagluluto. Bumuntong-hininga siya. Alam niya kung ano ang ginagawa nito. Gusto nitong mas magtagal pa siya dito sa penthouse. Nais niya rin naman para mamulatan siya ng anak ang kaso iniisip niya ang Daddy. Hahanapin siya nito panigurado. Sinabi niya naman kung saan siya pupunta pero hindi niya na sabi na hindi siya uuwi n