Chapter 55

1024 Words

Mina's POV BINUKDAN niya ang closet. Nakita ang mga damit doon ni Kenobi. Nakaramdam siya ng lungkot. Siya ang taga-ayos at tagatupi ng mga damit nito noon kahit may mga katulong naman. Nag-eenjoy kasi siyang gawin iyon. It was fulfilling. Napabuntong-hininga na lang siya. Humugot siya ng isang puting t-shirt na medyo maliit ang size. Hinubad niya ang basa t-shirt para magpalit ng biglang bumukas ang pintuan. "Hindi na kayo sasama," bungad ni Kenobi pagkapasok nito sa kuwarto. Bigla naman siyang napatili dahil sa gulat. Mabilis na itinakip niya ang hinubad na damit sa kanyang dibdib para takpan ang kahubdan. Saglit namang natigilan si Kenobi pagkuwan ay nag-iwas nang tingin. "I'm sorry," anito pero hindi naman lumabas nanatili itong nakatayo sa pintuan at nakabiling ang mukha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD