Mina's POV NAALIMPUNGATAN si Mina sa tunog ng doorbell. Nasa sala siya at nakatulugan niya na ang panonood ng TV habang naghihintay kay Kenobi. Dinampot niya ang remote at pinatay ang TV na. Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Napatingin pa siya sa wallclock na nadaanan niya. Alas dos na ng madaling araw. Nangunot nag noo niya. Hindi naman kasi inaabot ng ganoon katagal si Kenobi. Halos lahat naman ng transaction nito sa negosyo ay pinatatakbo nito thru online kagaya ng ginagawa nito sa Isla. Binuksan niya ang pintuan at napatda siya ng makita si Kenobi na nakaakbay kay Nurse Jade. Saglit na pinasadahan niya ang dalawa. Gulo-gulo ang buhok ni Kenobi pero maayos naman ang suot nito. Napataas naman ang kilay niya kay nurse Jade. Hindi ito mukhang nurse sa ayos nito. Mas nag