Kenobi's POV NAGPUNTA siya sa library. Agad na nilapitan niya ang alak na nasa mesa. Nagsalin siya sa baso at tumanaw sa bintana. Tinungga niya ang alak. Hindi niya mapigilang masaktan at matakot. Paano kung unti-unti na pa lang bumabalik ang mga ala-ala ni Mina? Hindi pa siya mahal ni Mina. Paano na siya? Paano kung iwan siya nito? "Hindi puwede... Akin ka lang, Mina. Akin ka lang," nakatiim bagang na usal niya sa kawalan. Hindi siya papayag, gagawa siya ng paraan para kahit makaalala na si Mina may panghahawakan siya dito. Kailangan niya ng isang bagay na magbubuklod sa kanila habang buhay. Napangisi siya sa naisip. Alam niyang may tiyansa na kamuhian siya ni Mina balang araw pero kailangan niyang sumugal kaysa panoorin na lang si Mina na dumudulas sa kamay niya. "Aaah