Nang makapasok na ang bwisita ng boss, narinig niya ang malakas na paghinga ni Hailey. Napahawak siya sa panga niya. Medyo masakit. Napailing na bumaling siya kay Hailey. "Ba't di pa sumunod 'yon sa anak?" naiinis na sabi niya kay Hailey. Natawa naman ito sa sinabi niya. "Malakas yata sa taas, eh!" biro din nito sa kanya. "Mabait ba ang asawa ni boss?" curious na tanong niya. "Hmmm, sabi. 'Di ko naman siya laging nakikita. Pero iba din tumingin minsan, eh parang may something. Tsaka bihira 'yon pumunta dito dahil laging may sakit. Kaya hindi namin siya gaanong kilala," "Ah. Pero maganda?" tanong niya ulit. "Oo din naman, kaso bihira lang ako nagagandahan sa babae, eh. Tinitingnan ko din kasi ang kalooban nito bago ako mag-judge ng tao. Kaya 50/50 ang sagot ko talaga sa tanon