Pagkatapos ng tagpong iyon hindi na mapakali si Dominique. Nahihiya siya na ewan.
Tanghaling tapat nagawa nila ni Caleb iyon? Hanggang ngayon pakiramdam niya namumula siya sa kahihiyan.
Ang masaklap panay ang ungol niya.
"s**t!" biglang sambit niya nang maalala ulit.
Hanggang ngayon naiinis pa rin siya. O baka, naiinis siya dahil inaasahan niyang higit pa doon ang gagawin nila ng binata.
Isang linggo na ang nakalipas pero para sa kanya, kanina lang ito nangyari. Hanggang ngayon ramdam niya ang init.
Napatingin siya sa document na nakabukas. Siguradong masisiyahan ang mga mambabasa niya dahil puro tag-init ang sunod-sunod na chapter na naisulat niya.
Akala niya sa gabi lang niya pwedeng maramdaman iyon. Pero bakit pati sa umaga't hapon na?
Napatingin siya sa cellphone niya ng mag beep iyon.
Tiningnan niya kung sino ang nagtext.
Napangiti siya nang mabasa ang pangalan ni Caleb. Mabilis na binuksan niya ito.
'Busy?' tanong nito.
Isang lingg niyang hindi nirereplyan ang binata. Kahit tawag nito ay hindi niya sinasagot. Nakailang text pa ito, tinatanong ang Facebo*k account niya pero hindi pa rin niya ito pinapansin.
Basta masaya siya, binata ang unang nagte-text sa kan'ya.
Kakalapag lang niya ng cellphone nang magring iyon. Tiningnan niya ang screen.
Kaagad na sinagot niya ng makitang si Keana ang tumatawag.
"Buti naalala mo pa ako," may himig na tampo na bungad niya sa kaibigan.
"Gaga, busy lang nitong mga nakaraan. Sa Wednesday ang uwi ko, punta ka sa bahay at marami akong katanungan sayong babaita ka!" halos pasigaw na sabi nito.
Ah, baka tungkol sa manuscript ang mga katanungan nito.
"Aww, bakit na naman? 'Wag kang mag-alala bukas ise-send ko na!" tukoy niya sa manus.
"Hindi ito tungkol sa manuscript. Ah, basta pumunta ka na nga lang sa condo ko sa miyerkules!" anito at biglang pinatay ang tawag.
Naguguluhang binaba naman niya ang cellphone.
Ilang segundo pa lang ang nakalipas ay narinig niyang may nagtext.
'Sinong kausap mo? Tumatawag ako!' anito. sa text.
Napangiti siya. Hindi pa rin niya ito nireplyan. Pero napapitlag siya nang mag-ring iyon.
Nag-isip muna siya ng sampu, este nag-isip muna siya ng matino kung sasagutin iyon. Pero sa huli ay sinagot iyon.
"At last, sinagot mo din! For Pete's sake, Sweetheart, hindi mo ako pinapatulog ng maayos!" bungad agad nito sa kanya.
"Ha?" tanging sagot niya. Parang kinilig naman siya ata do'n.
"Anong, ha? Isang linggo mo akong iniiwasan, Dominique! Tapos ha lang isasagot mo?" halata sa boses nito ang pagkainis.
"Bakit ka ba napatawag?" pag-iiba niya parang naiinis lalo ito.
"f**k!" narinig niyang mura nito.
Pero napatingin siya sa screen nang marinig ang pagtutot. Mukhang pinatayan na siya. Sabagay, hindi kasi matino mga sagot niya.
Agad na nagtipa siya ng mensahe.
Don't inis, mahal ang patis! aniya.
Natawa siya habang pinipindot ang send button. Narinig niya lang iyon minsan sa court nila kapag nag-aasaran ang mga bata kaya naisipan niyang sabihin.
Agad namang nagreply ito.
Caleb: What?
Dominique: Sabi ko ang pogi mo, bungol nga lang.
Caleb: Stop calling me bungol kasi hindi ako bingi. See you later, ginagalit mo ako, eh. Expect your punishment for ignoring me.
Bigla siyang natigilan sa huling sinabi nito. Kinabahan siya sa sinabi nitong punishment kaya agad na pinindot niya ang call button.
Shit!
Sa mga sinusulat niya gano'n ang laging sinasabi ng lalaki sa babae kapag naiinis kunyari. Tapos in the end mag me-make love sila.
Hindi nagtagal ay sinagot naman nito ang tawag niya.
"What? Stop pissing-" hindi na nito tinuloy dahil sumingit na siya.
"Sorry na. Hindi ka pa naman uuwi diba? May isang linggo ka pa?" medyo malambing niyang sabi.
Hindi siya eksperto sa mga galawang ganito kaya sana tumalab. Takot niya lang baka totohaning umuwi nga agad ito.
"Bakit parang nag-iba yata ang ihip ng hangin, Dominique," nang-aasar na tinig nito.
"Nag-iba ba? Parating na kasi ang summer kaya ganon siguro," palusot niya.
Natawa naman ito sa kabilang linya.
"Expect me within-"
"No!" biglang agaw niya sa sasabihin nito.
Lalong lumakas ang tawa nito.
"Why?" anitong natatawa pa rin.
"Oo na, tetext na kita lagi. Send ko din F*B account ko para ma-add mo, promise!"
"Good. Masunurin ka naman pala, eh. I miss you so much, Sweetheart!" malambing na sabi nito kaya natigilan siya.
"Okay. Send ko na ngayon, boss." sabi niya at mabilis na pinatay ang tawag.
Bahala na. Hindi niya alam kung ano sasabihin sa 'I miss you' nito kaya pinutol na lang niya.
Panay ang video call nito sa kanya simula ng maging friend sila nito sa Faceb*ok.
Hindi niya alam ang status nilang dalawa. Parang sila, pero hindi naman. Basta nagkakaintindihan sila. Ang hindi niya tinutugon dito kapag sinasabi nito sa kan'ya na 'I miss you' at 'I like you'.
Kasalukuyang hinihintay niya ang paglabas ni Keana mula sa kuwarto nito nang tumawag si Caleb. Kaagad na sinagot niya iyon ng mabilis at nagpaalam na din agad dahil baka biglang lumabas si Keana.
"Si Caleb, 'yon?"
Nagulat siya ng biglang may nagsalita sa tabi niya.
Paano niya nalaman? Kanina pa siya nakikinig?
Narinig niyang bumuntong hininga ito bago umupo sa harap.
Seryoso ang mukha nito. Ngayon niya lang ito nakita ng gano'n.
"Dominique,"
Para siyang kinabahan sa paraan ng pagsambit nito ng pangalan.
"Parang hindi ko gusto ang pagtawag mo ng pangalan ko, Kea," kinakabahang sambit niya.
"Iwasan mo si Caleb, Dom," derektang sabi nito
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Alam mo na magkakilala kami?" siya.
Tumango naman ito.
"Habang maaga pa, iwasan mo na siya. Ayoko lang masaktan ka sa huli,"
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan siya. "Kung tungkol ito sa asawa ni Caleb. Alam ko naman 'yon," mahinang sabi niya.
Pumikit muna siya bago nagsalita.
"He knows you, Dom," seryosong sabi nito.
Napakunot-noo siya.
"Of course, kilala niya ako,"
"What I mean is, he knows you as Eve." Natulala siya sa sinabi ng kaibigan.
Para siyang pinagbagksakan ng langit.
Kaya pala...
Kaya pala ganoon na lang ito kung mag-take advantage sa kanya.
All this time alam ni Caleb. Kaya ba nawawala ang isang libro niya nung nakaraan?
Biglang pumasok sa isipan niya ang lalaking nakabunggo noon sa ground floor ng building nila Keana. Narinig niyang tinawag nito noon pero hindi niya nilingon. Noong araw ding iyon nawala ang isa mga libro niya. Siya kaya yun?
Napapikit siya dahil sa karupukan niya. Kahihiyan na din. Dalawang beses na ring muntik nang may nangyari sa kanila.
Sinusubukan lang ba siya nito? Kaya ba pinipigilan nito ang sarili sa kan'ya? Para ano? Para patunayan na kung gaano karupok si Eve, ganon din sa personal? Ibig sabihin hindi rin totoo ang pinapakita nito sa kan'ya? Na palabas lang ang lahat? Kung gano'n palabas lang din parusang sinasabi sa kanya tungkol sa sasakyan nito? Na pwede naman sigurong pera ang ibabayad niya. Para ba magkalapit din silang dalawa? Para magawa din nito ang makamundong pakay nito sa kan'ya? Kaya ba ni katiting na respeto o paalam sa kan'ya bago siya halikan, hindi nito magagawa dahil alam nitong bibigay din siya agad?
Parang may kung anong bikig na namuo sa lalamunan niya maging sa dibdib niya. Nagbabadya na rin ang mga luha sa mga mata niya.
Wala sa sariling tumayo siya at naglakad palabas ng condo ng kaibigan. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kan'ya pero hindi na ito pinansin.
Hanggang sa makarating siya sa ground floor ay tulala siya. Kamuntikan pa siyang masagasaan sa katangahan niya pagdating sa kalsada.
"Miss beautiful, sayang ang ganda mo kung magpapakamatay ka!" nakangising sabi ng driver.
Tiningnan niya lang ito ng derecho.
Mayamaya ay pinara niya ang taxi'ng papalapit. Mabilis na sumakay siya at sinabi sa driver ang address niya.
Pagdating sa apartment ay saka lamang bumuhos ang kanina pa pinipigilang mga luha. Masakit para sa kanya. Akala niya totoo ang lahat na pinapakita nito sa kanya. Patunay lamang ang sinabi nito sa biyenan no'ng nakaraang linggo. Wala talaga ni sino man talaga ang makakapalit sa asawa nito, nakaukit na 'yon sa puso nito.
Biglang naalala niya si Hailey. Hinanap niya ang number nito at tinawagan. Sinagot naman nito agad tawag niya.
"Hi!" aniyang pilit na ngumiti.
"Oh! Hello, Dom. Napatawag ka?"
"Ah, tanong ko lang. Anong ginagawa pala ni boss sa Davao?" pilit niyang pinapakalma ang kanyang damdamin.
"Ay, di ko ba nabanggit sayo na wedding anniversary ni Sir at ni Maam? Doon kasi nakalibing ang asawa niya," sabi nito sa kabilang linya.
Ah lang yata ang nasagot niya at nagpaalam na dito.
Lalo siyang nalungkot sa sinabi ni Hailey.
Ilang araw din siyang nawalan ng gana sa pagsusulat kaya nilibang niya ang sarili sa pamamasyal. Sa isang araw tatlong pasyalan ang napupuntahan niya. Talagang pinapagod niya ang sarili para pag-uwi tulog agad.
Wala na ring tumatawag sa kanya dahil nagpalit siya ng Sim Card at ini-unfriend si Caleb sa Faceb*ok.
Bahala na kung ano isipin nito basta iiwas na siya hangga't maaga pa.
Linggo noon nang yayain siya ni Keana na kumain sa labas kasama ang mga kaibigan nito, sumama siya . Ayaw niyang ipahalata kay Keana na naapektuhan siya sa rebelasyon nito tungkol nalalaman ni Caleb sa kan'ya.
Habang naghihintay sila sa ibang kasama ay inannounce ni Keana na enggage na ito sa bagong boyfriend nito. Hindi niya alam saan nagkakilala ang mga ito.
"Sana all, Kea," naiingit na sabi ni Arriane.
"Sus, itanan mo na kasi si JJ," biro naman nito kay Arriane.
"Kung pwede nga lang," natatawang sabi nito at nginuso ang lalaking kanina pa nakatingin sa kanila.
"Bodyguard mo?" tanong ni Dominique dito.
Tumango naman si Arriane.
Nang malaman na body guard ni Arriane ay agad na lumipat siya ng upuan patalikod dito. Nakita niya kasing kinukuhaan sila nito malamang ise-send kay Caleb 'yan.
"Tingin niyo 'pag tinanan ko si JJ walang magwawala?" tanong nito na natatawa.
"Napaka-overprotective kasi ng Kuya mo," ani Shine na katabi niya.
"I think you should convince your brother to get a wife. Sa sobrang lonely niya pati ikaw dinadamay," papalatak na sabi ni Jana.
Napansin niyang bumaling si Keana sa kan'ya. Natahimik siya kasi si Caleb ang pinag-uusapan nito.
Mayamaya ay may dumating na kalalakihan. Halatang galing din mga ito sa mayayamang pamilya.
Isa-isang pinakilala ng mga ito sa kanya. Si JJ, Liam at Kyle ay pamilyar sa kaniya. Kung hindi siya nagkakamali kasama nila ito noon sa resort nila Arriane. Si Noah at Asher ay ngayon niya lang nakilala. Lima din ang mga ito kaya akala mo, eh group date.
Si JJ ay tumabi kay Arriane, si Liam kay Shine, si Kyle at Jana at si Noah ay kay Keana naman. No choice, katabi niya si Asher.
Mukha namang harmless. Pero natigilan siya nang mamukhaan niya ito. Ito ang lalaking muntik ng makasagasa sa kan'ya.
Gusto niyang magsisi dahil ang labas group date nga talaga ito. Single daw si Asher.
O, ano naman ngayon?
Tiningnan na lang niya ng masama si Keana na noo'y pangiti-ngiti na.
"Hey, don't you like the food? May gusto ka bang kainin na iba? I can-" napatingin siya kay Asher at pinigil ng kutsara ang bibig nito.
"Kumain ka na lang pwede. Nagdadasal pa ako," aniya at kunwa'y pumikit at dumilat din agad. Hindi pa pala niya tinatanggal ang kutsara na nakalapat sa bibig nito.
Natawa naman ang mga kasama niya.
"Oh, I'm sorry,"
Hinging paumanhin nito sa kanya ng tanggalin niya ang kutsara.
Akmang kukunin na nito ang kutsara nito nang unahan niya sa pag-abot at pinagpalit iyon. Naalala niyang idinikit niya pala ang kan'yang kutsara sa bibig nito.
Natawa ito sa ginawa niya. Mabilis na nakapalagayan niya ng loob si Asher. May sense of humor din, gaya niya.
Sa totoo niyan, hindi naman siya nabusog kasi Italian restaurant ang kinainan nila hindi siya pamilyar sa mga nakahain.
Mas gusto niya pa kanin at gulay na lang.
Sa Iced tea lang yata siya nabusog kaya bago sila natapos ay nagpaalam siyang magbanyo.
Ngayon kailangan na niyang ilabas ang nga nainom na Ice Tea.
Pabalik na sana siya ng mahagip ng mata niya ang papasok na lalaki.
Lakad pa lang kilala na niya ito. Tinanggal nito ang suot na sunglasses. Kaya, kita niya ang inis sa mga mata nito. Kaagad na nagtago siya malapit sa kusina ng restaurant.
"Where's Dominique?" kaagad na tanong ng binata sa mga kasama niya.
Halatang nagulat si Arriane sa tanong ng kapatid. Marahil nagtataka ito bakit siya hinahanap.
"Kuya, anong ginagawa mo dito at bakit mo hinahanap si Dominique?" si Arriane.
"Nasaan siya?" si Caleb na hindi pinansin ang tanong ng kapatid at luminga linga pa.
Luminga din si Keana pagkuwan nagsalita.
"Baka umuwi na. Bakit mo siya hinahanap, Caleb? May kailangan ka ba?" pagsisinungaling ni Keana.
"I know she's here, Keana," matigas na sabi nito.
"Di ba nag CR si Dominique?" narinig niyang sabi ni Asher na ikinainis niya.
Sa sinabi nito ay naupo si Caleb sa pwesto niya at mukhang hinihintay siya nito.
Nakatalikod ang binata mula sa pinagtataguan niya.
Mayamaya ay nakita siya ni Keana. Tinaas niya ang cellphone. Nahulaan naman nito ang ibig niyang iparating. Tinext niya si Keana na tulungan siyang makalabas.
Ilang sandali pa ay napansin niya ang pag-alis ng body guard ni Arriane. Tinext niyang libangin ang binata dahil tatakbuhin niya ang pinto palabas.
Nagpalinga-linga siya. May nakita siyang exit sign malayo sa pwesto nila Caleb. kaagad na tinanong niya ang crew kung bukas iyon. Sarado daw, pang emergency lang daw.
Laking pasalamat niya nang tulungan siya ng babaeng napagtanungan niya. Doon siya dumaan sa likod ng kainang iyon kung saan labas pasok ang mga employee.
Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan ng makalabas. Inabutan niya ng pera ang babae pero hindi nito tinanggap. Kaya nagpasalamat siya ng paulit-ulit dito.