Four

2069 Words
Four HINDI siya makatingin ng deretso sa lalaking kaharap niya ngayon maging sa doctor na kausap nito ngayon. Nasa loob lang naman sila ng kwarto niya pero super duper awkward ng sitwasyon niya ngayon. Ikaw ba naman ang pinag-uusapan ng mga kaharap niya ngayon ay ang nangyari kagabi sakanila ng magaling nalalaking kaharap niya ngayon. "Master, there's nothing to worry. Nasa safe period pa ang young lady ngayon kaya malayong mangyaring may mabuo kayo after what happen last night"seryosong paliwanag ng doctor na sumuri sa kanya. Laking pasalamat nalang niya at babae ang doctor niya kung nagkataon na lalaki din baka himatayin na siya sa kahihiyan. Pero napakunot ang noo niya, kasi naman maging ang doctor na kaharap nila ngayon MASTER pa din ang tawag sa lalaking kaharap niya. "Just make it sure, or else you know what will gonna happen to you, if you fail to do your job"banta nito. "Yes Master"sabi pa ng Doctor bago ito yumuko sa harapan ng lalaking tinatawag na Master. "Then, what are you waiting for. Do your job now"utos nito bago preskong tumayo at iniwanan sila ng doctor. Sinundan niya ng tingin ang lalaking ngayon ay papalabas na sa kwarto kung nasaan sila ngayon. Napapitlag nalang siya ng bigla nalang may humawak sa braso niya. "Young Lady, bibigyan kita ng shot ng contraceptive like what Master want me to do. May konting side effect ito like hindi ka dadatnan ng menstration mo for four months. After that babalik ka sakin para naman ang ilagay ko sayo ay ang inplant. This is just a precaution para hindi ka mabuntis ni Master ng wala sa plano"paliwanag ng doctor sa kanya. Hindi pa man siya nakakapayag naturukan na siya ngayon ng gamot na sinasabi nito sa kanya. "If ever na may maramdaman kang kakaiba Young Lady magsabi ka lang po sa mga kasama niyo dito sa mansion para naman po agad ko kayong mapuntahan"magalang pang bilin nito sa kanya. Naspeechless na siya sa lahat ng nangyari, wala na siyang say para sa sarili niyang buhay. Kasi naman wala namang kumunsulta sa kanya kung payag siya sa nangyayari sa buhay niya ngayon. Tahimik na iniwanan nalang siya ng doctor niya. nanghihina na napahiga siya sa kama niya at napatitig sa kisame ng kwarto niya. "Hay naku Janette, ano ba itong pinasok mo?"kausap niya sa sarili niya. "Get up woman"napapitlag pa siya ng marinig niya ang boses na iyon. Pero hindi siya basta tumayo ng marinig niya itong magsalita, sadyang nagulat lang siya kasi naman bigla nalang itong dumating. Ang alam pa naman niya mag-isa na lang siya sa kwarto dahil nakita niyang umalis ito. "I said get up!"mataas ang boses n autos nito. Inirapan niya ito saka siya tumayo para sundin ito sa utos nito. pero hindi siya tuluyan na tumayo, naupo lang siya sa gilid ng kama at pinikatitigan ito. "Ang kulit"bulong nito pero rinig naman niya. "Narinig ko iyon"singit naman niya. Tiningnan siya nito ng masama. "Narinig mo naman pala bakit hindi ka pa tumayo dyan. Magbihis ka may pupuntahan tayo"iyon lang ang sinabi nito bago siya iwanan. Bakit ba ang hilig nitong mag-utos tapos aalis bigla. Napakabossy nito, sa loob lang ng dalawang araw na makilala niya ito iyon na agad ang napansin niya. "Tse!"habol niya sa lalaki sabay irap. Naghintay naman siya ng ilang minuto, baka kasi biglang may pumasok na naman na mga babaeng magbibihis sa kanya. pero mukhang wala ng mag-aayos sa kanya. "Nasanay ka naman kasi agad Janette. Ala ka ng ipagmamalaki ngayon nakuha na niya eh"bulong niya habang pumapasok sa loob ng banyo doon. Pero nagulat pa din siya ng makitang may taga-ayos na nandoon na sa loob ng kwarto niya at hinihintay siyang matapos na maligo. Nakaayos na din ang isusuot niyang damit. "Young Lady, iniutos po ni Master na ayusan kayo ngayon"nakayuko pa ang babae habang nagsasalita. "Saan daw ba kami pupunta?"takang tanong niya. Nakatingin kasi siya sa damit na ipapasuot sa kanya ng mga ito mukhang party kasi ang pupuntahan niya sa sobrang gara ng damit na ipapasuot sa kanya. "Hindi po kasi nabanggit ni Master, Young Lady"magalang na sagot sa kanya ng babae. Napabuntong hininga naman siya, hanggang ngayon kasi hindi siya masanay-sanay sa tawag sa kanya ng mga tao sa bahay na ito, ay mali pala sa mansion na ito. "Okay"nawawalan ng pag-asa na sagot niya. Inayusan siya ng mga ito, hindi pa nga siya makapaniwala ng matapos siyang ayusan na siya ang nakikita niya sa salamin. Kung hindi lang niya nakita kung paano siya ayusan ng mga ito hindi siya maniniwalang sya ang nakikita niya ngayon sa salamin. Hindi naman kasi siya palaayos na tao, tama sa kanya ang pulbos at lip gloss. Iyon lang ang katuwang niya sa araw-araw kapag lumalabas siya sa bahay. Simpleng jeans, shirt at doll shoe o kaya naman rubber shoes ang suot niya kapag pumapasok sa trabaho. Kaya sa nakikita niya ngayon feeling niya talaga hindi na siya ang nakikita niya sa salamin. "Naghihintay na po si Master sa labas, young lady"sabi sa kanya ng nag-ayos sa kanya. "Hayaan mo siyang maghintay...anong pangalan mo?"tanong niya dito. Nakita niyang natigilan ang kausap niya maging ang mga kasama nito ngayon na nag-ayos sa kanya. nagkatingin pa nga ang mga ito bago yumuko na mukhang nahiya sa inasal ng mga ito. "M-margie po, young lady"mahinang sagot ni Margie sa kanya. "Margie, ako si Janette."pagpapakilala niya dito. Inaabot pa nga niya ang kamay niya dito tanda ng pakikipagkilala dito. Nag-alangan pa si Margie na tanggapin ang kamay niya pero hindi naman siya napahiya. "Salamat pala sa pag-aayos sakin. Kaya lang may hindi lang ako nagustuhan"sagot niya. Nanlaki naman ang mata niya ng biglang lumuhod sa harapan niya ang mga babaeng kasama ni Margie maging si Margie nakaluhod sa harapan niya. "T-teka bakit kayo nakaluhod?...tumayo kayo"natataranta niyang utos sa mga ito. "Young lady..."walang lumalabas sa bibig ng mga ito kundi young lady lang pero ramdam niya may mali. "Tumayo na kayo dyan."desperadong utos niya sa mga ito. Hindi talaga tumayo ang mga ito kinakabahan na siya sa mga pinapakita ng mga ito sa kanya. ilang sandali pa biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya, pumasok doon ang binatang hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang pangalan na may kasamang limang lalaki. "Get all this women and beat them all"maawtoridad na utos nito sa mga lalaking kasama nito. Nanlaki ang mga mata niya ng walang awa na hinablot ng mga lalaki ang tatlong babaeng nakaluhod lang kanina sa kanyang harapan. Nagmamakaawa ang mga ito na wag sasaktan ang mga ito pero parang walang marinig ang binata sa pagmamakaawa ng mga ito. "S-sandali..."halos kapusin siya ng boses sa pagsasalita. Pero walang nakapansin sa kanya, kasi naman lahat ng mga tao doon nakatuon ang atensyon sa mga babaeng nagmamakaawa. "SANDALI!!!"sigaw niya. Lahat ng tao doon ay napatigil sa ginagawa at napatingin sa kanya. maging ang binata ay nakatingin na din sa kanya na hindi makapaniwalang sumigaw siya. "Saan niyo sila dadalin?"galit na tanong niya sa mga ito. Pero ni isa sa mga lalaking kinakausap niya ay walang nagsasalita, hindi din tumitingin sa kanya ang mga ito. kaya ang binalingan niya ang ay ang magaling pa sa magaling na lalaking ngayon ay nakatitig pa din sa kanya. "Ikaw, kanina ka pa. Ano bang ginawa nila at paparusahan mo sila ng ganito? At bakit takot na takot sila?"galit nag alit niyang tanong sa binata. Kitang kita niya ang pagsinghap ng mga babaeng kanina lang nagmamakaawa na wag sasaktan. Gulong gulo na talaga siya sa mga nangyayari, nasaan ba siya bakit ganito ang trato sa kanya ng mga tao. Bakit kung itrato din ng mga tao sa paligid niya ang lalaking ito ay kala mo ito ang batas. "OUT!!!"sigaw ng lalaki sa mga kasama nila. Dali dali naman lumabas ang mga ito habang kinakaladkad ang mga kababaihan. "Subukan niyo lang na saktan ang mga iyan, makakatikim kayo ng mag-asawang sampal galing sakin"banta niya sa mga ito bago makalabas. "I SAID GET OUT!"muling sigaw na naman ng binata. Nakipagtagisan siya ng titigan dito, hindi na siya makakapayag na magpabossy bossy ito sa kanya ngayon. Hindi porket nakuha na nito ang lahat sa kanya at mukhang ito nga ang bumili sa kanya eh gaganituhin nalang siya nito. Hindi na siya natatakot, kung patayin man siya nito ngayon wala na siyang pakialam kasi alam niya wala ng nakaatang na obligasyon ngayon sa mga balikat niya. na hindi na siya kailangan ng pamilya niya. "You don't have any right to order my men what will they do"sabi nito ng makalabas na ang mga tauhan nito. Tinaasan niya ito ng noo at kilay kasabay ng pagcross arm niya sa may dibdib niya. napansin niyang napatingin ito sa may bandang dibdib niya kaya naman sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. Lalo naman nanlaki ang mata niya kasabay ang pagkalaglag ng panga niya sa pagkabigla ng makitang kitang-kita pala ang cleavage niya at iyon ang tinitingnan nito ngayon. "Hoy bastos na ito. sa mukha ang tingin"asik niya dito. Nakita niyang napangisi naman ito bago siya tingnan sa mata. Nawala naman siya sa focus ngayon dahil sa ginawa nitong pamboboso sa kanya. kung kanina halos iniipit niya ang boobs niya ngayon naman'y tinatakpan na niya ito. "You don't have to cover it, I already saw it, mind as well touched it"naka-smirk na sabi pa nito. "Aba't"inirapan niya ito. Matagal namang namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa bago niya naalala ang dahilan ng pagtatalo nila ngayon. "Hoy ikaw, ano bang nagawa nila Margie sayo ay paparusahan mo sila"dinuro pa niya ito para intense ang pagalit niya. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. "I don't like what they done to you."simpleng sagot nito. Kung kanina pa nanlaki ang mata niya mas lalo pa itong nanlaki sa sinagot nito. maging pagnganga ng bibig niya wakas na din. "Napakababaw mo"naiinis niyang sagot dito. Kunumot naman ang noo nito habang nakatitig sa kanya. "Hindi lang ako ang may hindi nagustuhan, I heard you say something na hindi mo din nagustuhan sa ginawa nila."pirmis na nakakunot ang noo nito sa kanya. Pilit naman niyang inisip kung ano ang sinasabi nitong hindi niya nagustuhan. Tapos bigla niyang naalala ang sinabi niya kila Margie kanina na hindi niya nagustuhan ang isang bagay tapos nagsiluhod na ang mga ito sa harapan niya. "Teka!...iyon lang...iyong lang ang dahilan mo kaya mo sila paparusahan."mas matindi ang galit niya ngayon sa binata. Pero para namang hindi ito affected sa pinapakita niyang inis at galit dito. Cool na cool pa nga itong nakatitig sa kanya. "So now, pwede ko na bang ituloy ang pagpaparusa sa mga iyon?"pinakadiin pa nito ang salitang parusa. "NO!, paparusahan mo sila kasi hindi ko nagustuhan na tawagin nila akong young lady. Ayoko non, naiinis na ako sa lahat ng tao dito ah"frustrated na sagot niya dito. "Then I'll fire every one here"pacool pa din na sagot nito. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito. naalala niyang bigla ang ginawa nitong pagpapatalsik sa ibang tauhan nito kahapon ng dahil sa tinakbuhan niya ang mga ito. "Ang sama mo"iyon nalang ang nasagot niya. "Thank you"nakangiti pa ito ng sabihin iyon. Nanghihina ang tuhod niyang napaupo siyang muli sa inuupuan niya kanina ng inaayusan siya nila Margie. Pero agad ding napatayo at nagmamadaling tinungo ang pintuan ng kwarto, hinabol naman siya ng binata at ngayon ngay pigil pigil na siya nito sa kanyang bewang. "What are you doing?" Tiningnan niya ito nga masama. "Aalis na ako sa lugar na ito, nakuha mo naman na ang kailangan mo di ba. Kaya wala na akong halaga dito kaya aalis na ako bago pa may ibang tao na namang madamay sa kahibangan mo"matigas niyang turan iyon. Napangisi naman ito sa sobrang inis sa kanya, pero magkaganon pa man mukha pa din gwapo ito kahit na mukhang naiinis na. "Sa tingin mo nakuha ko na lahat. At sa tingin mo nasulit ko na ang binayaran ko because your a virgin. Think again, I paid 10 million pesos for your dignity and all about you, kaya dito ka lang sa tabi ko hangga't hindi ako nagsasawa sayo. So bear that in you mind, na saakin ka lang at walang kang magagawa kundi ang sundin ang lahat ng iuutus ko sayo. NAIINTINDIHAN mo"aniya bago siya nito padaskol na iniwanan. Nang hina naman bigla ang tuhod niya sa narinig niya. ganoong kalaking halaga siya naibenta ng kanyang ina. Kaya pala wala na siyang halaga ngayon sa mga ito dahil napakalaking halaga naman pala ang naging kapalit niya sa mga ito. Hindi na niya inintindi pa ang make-up niya na masisira basta umiyak nalang siya ng umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD