Five HINDI na natuloy ang lakad nila ng binata, nagkulong nalang siya sa kwarto. Isa pa hindi naman siya makakalabas kahit gusto niyang umalis na sa lugar na iyon. Alam niya kasi na nandoon pa din sa labas ng kwarto niya ang dalawang bantay niya. "Young Lady, heto na po ang inyong hapunan"sabi ng isang tagasilbing nagdala ng pagkain niya. Napansin niyang hindi si Mindy ang nagdala ng pagkain niya maging kaninang tanghali. Hindi na siya nagtanong pa kasi alam naman niyang hindi siya sasagutin ng kasama niya ngayon. "Young Lady, hindi niyo po ba gusto ang pagkain niyo?"nag-aalalang tanong sa kanya ng dalaga. Tiningnan niya ito, nakita niyang nakatitig ito sa pagkain na nasa tray. Iyon ang dinala nito kaninang tanghali pero hindi niya ginalaw ito. wala siyang ganang kumain dahil sa nan