''Nay, kumain na po kayo nakapag-luto na po ako ng tanghalian niyo. Papasok na po ako at baka malate ako sa trabaho''paalam niya sa kanyang ina.
Wala naman siyang natanggap na anumang tugon mula sa ina niyang abala sa pagma-madjong kasama ang mga amiga nito na kapitbahay nila.
''Oy, Janette buti nalang nandyan ka pa. Bigyan mo nga aq ng pera may bibilhin lang ako''pigil sa kanya ng kapatid.
Mas nakakatanda siya dito ng dalawang taon pero ni minsan hindi niya naranasan na tawagin nitong ate. Siguro dahil magkapatid lang sila sa ina.
Anak kasi siya sa pagkadalaga ng ina, ang sabi ng kanya ina. Ginahasa lang daw ang nanay niya noon kaya siya nabuo. Kaya naman malayo ang loob ng nanay niya sa kanya maging ang dalawa pa niyang kapatid.
Pero kahit magkaganon mahal na mahal niya ang mga ito dahil ito nalang ang mga kamag anak na meron siya.
''Heto oh''inabutan niya ito ng isang daan.
''Ito lang, kulang ito''reklamo naman nito.
''Hindi pa kasi ako nakakasahod Ricky''alangan na sagot niya sa kapatid.
Pero mukhang hindi nakinig sa kanya ang kapatid at walang paalam na kinuha nito ang wallet niya at walang pakundangan na hinalughog ito. Nakuha nito ang limang daan na laman nito at ibinulsa.
''Ricky iyan nalang ang pera ko sa makalawa pa ako sasahod''pagmamakaawa niya.
''Sasahod ka naman na pala kaya akin na ito''nakangising sabi nito bago siya iniwanan at tumakbo na palabas.
Naiiyak na pinulot niya ang wallet niyang basta nalang ibinalibag ng kapatid ng makuha ang gusto niya.
''Hoy! Janette kailangan ko ng pangbili ng bagong damit. Narinig ko sasahod ka na sa makalawa, bigyan mo ako ng limang libo at magsha-shopping kami ng mga kaibigan ko''mataray pang bilin ng bunso niyang kapatid.
''Rica kasi nakabudget ang sasahurin ko ngayong akinse. Baka pwedeng sa katapusan nalang''
''Hindi pwede. Baka gusto mong isumbong kita kay mama''banta pa nito sa kanya.
Walang magawa na napatangu nalang siya dito bilang sagot. Lulugo-lugong nagpatuloy na siya sa paglakad palabas ng bahay nila. Nilakad nalang niya ang pagpasok sa pinagtatrabahuhan niyang call center.
Wala na kasing natirang kahit sampong piso sa wallet niya dahil kinuha na iyon ng kapatid niya.
''Naglakad ka na naman ano''sita sa kanya ni Kim.
Kaibigan niya since noong highschool pa siya na ngayon ay katrabaho na din niya. Alam nito lahat ng nangyayari sa buhay niya kaya wala siyang maitatago dito.
Pilit na ngiti ang isinagot niya dito bago siya naupo sa tapat ng desk niya. Mula sa drawer niyang disusi inilabas niya ang isa pa niyang wallet doon at dumukot ng isang daan para sa panggastos niya sa buong maghapon.
Natuto na kasi siya, alam niyang mangyayari ito kaya nag iiwan siya ng pera niya sa opisina para naman kapag kinuha na ng nanay, amain, at dalawang kapatid niya ang pera niya meron pa siyang matitira para sa sarili niya.
''Sabi ko naman kasi sayo mag-asawa ka na para makaalis ka na dyan sa puder ng nanay mo''sermon na naman sa kanya ni Kim.
''Kim alam mo naman diba, hindi ako pwedeng umalis sa kanila paano ang pamilya ko kung iiwanan ko sila'' mahinahon na sagot niya dito.
Iiling iling na iniwanan nalang siya nito at nagtungo na sarili nitong desk at nagsimula ng magtrabaho.
Maging siya nagsimula na din na magtrabaho.