One

1599 Words
One MAAGA palang nasa kalye na siya para maghanap ng bagong pagkakakitaan. Paano ba naman nakakulong na naman ang kapatid niyang lalaki. Ilang beses ng nakulong ang kapatid niyang iyon ng dahil sa pagnanakaw o kaya naman ay nagsnatch sa side walk. Buti na nga lang at puro ganon lang ang kaso ng kapatid niya kaya pang piyansahan. Paano nalang kaya kapag nahuli ito sa salang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Kapag ganon na ang nangyari hindi na niya alam kung kanino siya lalapit kapag nagkataon. ''Janette'' tawag sa kanya ng isang lalaki. Paglingon niya nakita lang naman niya ang kaibigan ng kinikilala ama niya. ''Mang Kanor''alanganin na bati niya dito. Matagal na kasi itong nagpapalipad hangin sa kanya. Buti sana kung bata bata pa ito ang kaso lang mas matanda pa sa tatay Lando niya. Tantya niya nasa 60 na ito, lolong lolo na ang dating dahil maputi na ang buhok. ''Nasaan ang tatay Lando mo?'' Nakangising tanong nito sa kanya. Napataas ang kilay niya sa tanong nito sa kanya. Halata namang nasa labasan sila ng iskinita nila ngayon. Ibig sabihin hindi niya kasama ang tatay tatayan niya. Nagpapapansin na naman ang matandang ito. ''Baka po nasa bahay''magalang na sagot niya dito. Akmang lalagpasan niya ito ng harangan nito ang dadaanan niya. ''Balita ko nakulong na naman si Ricky boy.''anito. Kiming tumango siya bilang sagot, umakma siyang hahakbang para muling lagpasan ito pero agad din humarang ito sa dadaanan niya. ''May pang piyansa ka na ba?''muling tanong nito sa kanya habang hinahagod ng tingin nito ang katawan niya. ''Maghahanap pa lang po kami''ginagalang pa din naman niya ito kahit hindi ito kagalang galang. ''Gusto mo tulungan kita, sumama ka lang sakin ngayong gabi bukas mailalabas mo na ang kapatid mo'' ngiting aso pa ito habang nagsasalita. Kinilabutan naman siya sa sinabi ng matandang kaharap pero pinili pa din niyang maging magalang kahit na nabastos na siya nito. ''Mang Kanor, iginagalang ko po kayo kasi kaibigan po kayo ng tatay Lando ko. Kaya sana po isipin niyo muna ang mga binibitawan niyong salita.'' Magalang na sagot niya dito bago umalis sa harapan nito. Narinig niya ang galit na sigaw nito pero hindi naman na niya pinansin pa madami siyang intindihin sa buhay para dumagdag pa ito. Sa buong maghapon niyang paglalakad lalakad hanggang sa makapasok siya sa trabaho niya hindi man lang siya nakakita ng mapagkakakitaan niya. lahat ng alam niyang pwede niyang pasukan na part time walang bakante. "Mukhang problemado ka na naman"puna sa kanya ni Kim. Nakacoffee break sila ngayon kaya nasa pantry sila ngayon para magkape. Kaya malaya silang magkwentuhan. "Si Ricky kasi"tipid na sagot niya dito. "Naku, wag mo ng tulungan ng magtanda."sermon nito sa kanya. Alam na nito ang problema niya kahit pa hindi niya ito sabihin sa kaibigan dahil kilalang-kilala na siya nito. "Pwede mo ba akong pautangin Kim?"lakas loob niyang tanong dito. Inirapan lang siya nito habang umiinom ng kape. Alam naman niyang hindi din sya matitiis nito, ito lang ang natatangi niyang kaibigan na pwede niyang lapitan sa ganitong sitwasyon. "Naku kung hindi lang kita kaibigan, nungkang tulungan kita para lang diyan sa kapatid mong balasubas"sermon nito pero dinudukot na nito ang wallet sa bag nito. "Magkano ba ang piyansa niya ngayon?"mataray na tanong nito. "Twenty nalang ang kailangan ko may thirty na kasi akong ipon"sagot niya. "Naku namumuro na talaga sakin iyang si Ricky na iyan. Baka makaipon ka ng isang milyon sa kakapiyansa mo sa kanya ha"sermon na naman nito habang inaabot ang pera sa kanya. "Salamat best friend"tuwang tuwang niyakap niya ang kaibigan para magpasalamat. "Minsan naman Janette mag-isip isip ka na din ng para sa sarili mo hindi puro mga kamag-anak mong hindi ka man lang pinahahalagahan"muling sermon nito sa kanya. Nag-iisip naman siya ng para sa sarili niya kaso lang naman, mas kailangan ng pamilya niya ang tulong niya kaysa sa sarili niya ngayon. Okay pa naman kasi siya kaya pa naman niyang magsurvive kahit sa simpleng pamumuhay lang. ­­­­­____________________ Kinaumagahan after ng shift niya dumeretso na siya sa prisinto kung saan nakakulong ang kapatid niya pero laking gulat niya ng wala na pala doon ang kapatid niya. "Sir, sino pong nagpiyansa kay Ricky Ferrer?"tanong niya sa pulis na kausap niya. "Iyong nanay niya"sagot nitong nakatitig sa kanya. Gulat man sa nalaman hindi nalang niya ito pinakita sa kaharap. Magalang siyang nagpaalam sa mga pulis na nandoon, na halos kilala na niya ang iba dahil na din sa kapatid niya. "Janette"tawag sa kanya ni Steve isa sa mga pulis na naging kaclose na niya doon. "Sir Steve"masayang bati niya dito. "Ito naman maka-sir wagas. Steve nalang"napapakamot pa ito sa batok habang nagsasalita. Ngiti lang naisagot niya dito, nahihiya din naman kasi siyang tawagin ito sa pangalan lang. Sa totoo lang crush niya ito, ang gwapo na mabait pa sa kanya. minsan nga naiimagine niyang may gusto din ito sa kanya kaya mabait sa kanya. pero naisip din niya sino ba naman siya para magkagusto ito sa kanya. isang hamak na call center agent lang naman siya, two year course lang kinuha niya hindi pa niya natapos. Samantalang ito pulis, at balita pa niya may kaya ang pamilya nito. "Nga pala, mukhang umaasenso ang pamilya mo. Nagpunta kasi dito ang nanay mo nakasasakyan mukhang bago pa tapos siya ang nagpiyansa sa kapatid mo inunahan ka ngayon ah"simula nito. Napaisip naman siya sa sinabi nito sa kanya. saan naman kaya kukuha ng pera ang nanay niya samantalang kahapon lang ng malaman nilang nakakulong ang kapatid niya halos mabugbug siya sa sobrang paggagalaiti ng nanay niya ng sabihin niyang wala siyang pera. "Baka nakahiram lang siya Sir"alangan na sagot niya dito. "Sir na naman, Steve nalang Janette felling ko tumatanda ako sayo. Magkaedad lang naman tayo"nakangiting sagot nito sa kanya. Bumilis naman ang t***k ng puso niya sa pagkakangiti nito sa kanya. lalo lang niyang hinangahan ang binata sa paraan ng pagngiti nito. "Sige S-steve mauna na ako"paalam niya dito. "There, mas magandang pakinggan"sabi pa nito. Hindi na siya nagsalita pa at tuluyan ng nagpaalam sa binata, nakakailang hakbang palang siya ng tawagin na naman siya nito. "Hatid na kita Janette"pagpiprisinta pa nito. Dala ng hiya tinanggihan niya ito, baka ano kasi isipin ng mga kapitbahay nila kung nagkataon. Mga tsismosa pa naman ang mga iyon, isa pa ayaw niyang madungisan ang pangalan nito kung nagkataon. Pagdating niya sa kanto papasok sa bahay nila, napansin niyang may mga taong nakatingin sa kanya na para bang ngayon lang siya nakita ng mga ito samantalang mga kapitbahay na niya ang mga ito noong pa man. Hindi nalang niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay nila. Pagdating niya sa tapat ng bahay nila mayroong limang itim na sasakyan ang nakaparada doon na mukhang mayaman ang may ari nito. Kinabahan naman siya, naisip niya nab aka may kalokohan na naman ang isa sa mga kapatid niya. siya din naman kasi talaga ang mamroblema kapag nagkataon. "Oh Janette nandyan ka na pala"nakangising bungad sa kanya ng kapatid na si Rica. Nasa labas ito ng bahay nila at mukhang hinhintay siyang talaga. Kasama nito ang ilang mga kalalakihan na nakaitim na kasuotan na kagaya ng Men in Black na pelikula. "Anong meron Rica?"takang tanong niya sa kapatid. "Pumasok ka nalang sa loob"mataray na hinila siya nito papasok sa loob. "Mama, nandito na si Janette"anunsyo naman nito ng makapasok na sila sa loob. Doon nakita niya ang ina at ama-amahan pati na din si Ricky na may kausap na mga lalaki. gaya sa labas may mga Men in Black din sa loob apat sila. "Oh heto na pala ang anak ko"nakangiting bati sa kanya ng ina. Nangilid naman ang luha niya ito kasi ang unang beses na tinawag siya nitong anak simula ng magkaisip siya. Ang sarap pala sa pandinig na tawagin na anak ng sarili mong ina. "Nay"naluluha niyang tawag dito. Hindi na nga niya pinansin pa ang mga lalaking nasa tabi nila ngayon at nakatingin sa kanila. "Nakaayos na ang mga gamit niya pwede niyo na siyang dalin. Pakisabi kay boss na salamat sa lahat, pero sana naman dagdagan na ni boss ang bayad niya kapag nakuha na niya ang gusto niya dito"nakangiting baling ng ina sa lalaking nakaitim. Naguguluhan na nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga kahapan nila at sa ina. Lalo pa ng walang Sali-saling hinila siya ng isang lalaki palabas ng bahay nila. At ang tatlo namang lalaki ay bitbit ang isang malaking bag na mukhang naglalaman ng gamit niya. "Nay, anong ibig sabihin nito?"tanong niya sa ina. "Basta sumama ka nalang sa kanila"iyon lang ang sinabi ng ina niya bago siya nito tinalikuran. "Sandali, hindi ako sasama sa inyo."nagpumiglas siya sa lalaking nakahawak sa kanya. Pero bakal yata ang kamay nito sa sobrang higpit ng kapit sa kanya hindi niya magawang tanggalin ang kamay nito. nilingon niya ang bahay nila, nakita niya ang mga kapatid na nakangisi nakatingin sa kanya. Hindi man lang siya tulungan ng mga ito, hindi ba natatakot ang mga ito na mawawala siya sa buhay ng mga ito samantalang siya ang bumubuhay sa mga ito. "Ricky tulungan mo ako"hingi niya ng tulong sa kapatid. "Bakit kita tutulungan? Edi nawala pa ang isang milyon ko kapag hindi ka nila nakuha"nakangising sagot nito sa kanya. Nawindang naman siya sa sinagot ng kapatid niya, parang nawalan na siya ng lakas na lumaban sa sinabi nito sa kanya. hindi na nga niya namalayan na nakasakay na pala siya ngayon sa sasakyan ng mga lalaking kumuha sa kanya at ngayon ay nasa biyahe na sila patungo sa lugar kung saan hindi niya alam. Basta ang nakatatak sa isip niya ang mga sinabi ng kapatid niya. binenta ba siya ng mga ito? Dahil sa isipin na iyon napaiyak nalang siya ng tuluyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD