DOON na sila nagpalipas ng gabi ni Harry, nakakapanibago lang dahil silang dalawa lang ang nandoon ngayon. Sa halos dalawang buwan niya sa bahay ni Harry hindi na siya sanay na walang nakabuntot sa kanilang tagasilbi o kaya naman kasama sa bahay. "Harry, bilis tikman mo"tawag niya sa binata. Excited siya kasi ngayon ang unang beses na siya ang nagluto ng kakainin nila. Feeling house wife lang ang role niya ngayong gabi. Lumapit naman sa kanya si Harry, kinilig pa nga siya ng hawakan nito ang bewang niya habang isinusubo niya ang ipinapatikim niyang niluto. Simple lang naman ang niluto niya, adobong manok lang naman. Hindi naman kasi siya ganoon kagaling magluto, kaya iyong madali lang ang naisip niyang lutuin. "Hmmm...good"sagot naman nito. Inirapan naman niya ito, good lang kasi ang