VILLA JANETTE Kitang kita ang mga letrang iyon kahit na nasa may kalayuan sila ni Harry sa naturang bahay. At hindi siya maaring magkamali ng nakikita niya. Pero naisip niya baka nagkataon lang na iyon ang nakapangalan sa naturang bahay. Imposible naman kasing may ganito siyang bahay kasi alam niya mahirap lang siya. "Did you like it?" Doon lang niya naalala na kasama nga pala niya si Harry ngayon. Kung hindi pa ito nagsalita hindi pa niya ito maalalang kasama nga pala niya ito. Manghang mangha kasi siya sa nakikita niya ngayon na bahay bakasyunan. "Ha?"tanong niya dito. "I said did you like it? The rest house did you like it?"anito. Lalong nanlaki ang mata niya sa sinabi nito sa kanya. "Anong ibig mong sabihin Harry?"gulat na tanong niya. "The rest house is yours...did you l