THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS
Mayor Alder Kalantri Evora
Chapter 6
BUMALIK si Freya sa loob ng pinagdadausan ng recital concert at nagpanggap na parang walang nangyari. Na parang hindi niya narinig na kausap ni Archimedes si Annalise na naging dahilan para kumirot ang dibdib niya.
A few minutes later, Archimedes also went back varied from what she expected that he'd left without a word. Hindi man niya ito makitaan ng ngiti subalit bakas ang excitement sa mga mata nito.
“I suppose it was a call from your work. Wasn't it, Archi?” Freya smiled and mustered to sound lively although deep inside, she actually felt dejected and betrayed.
“Oh yes, Frey.” Bumuntong-hininga si Archimedes at kinuha ang kanyang kamay.
Kung sa ibang pagkakataon iyon ay baka nangisay na sa kilig si Freya dahil hinawakan nito ang kanyang kamay but after hearing him talking with—no! He was actually begging for Annalise—it seemed like all the excitement in her nerves suddenly disappeared at napalitan ng matinding pagkadismaya.
“It was my Boss who called me.”
You're a big liar! Lalong sumama ang mood ni Freya sa harap-harapang pagsisinungaling nito. She realized Archimedes is a person she couldn't trust.
“He gave me a rush assignment tonight, Frey. Out of the town so I need to—”
“Leave?” Dugtong ni Freya nang animo’y hindi makuhang tapus-tapusin ni Archimedes ang sasabihin. O mas maiging sabihin na hindi nito maituloy ang pagsisinungaling nito.
Archimedes lightly squeezed her hand and gazed at her like he was asking for her understanding. She tried her darnest not to slap away his hand.
“I’m sorry, Frey. Trabaho lang kasi. I don’t know if how will I explain this to you but in my field of work, they owned my time, Frey.”
Yeah. Katulad din sa dinner date nila na walang kaabug-abog din siya nitong iniwan. It hurt her ego terribly na ganoon lang kadali para rito na layasan s’ya.
Sobra-sobra ang ginagawang pagtitimpi ni Freya para lamang hindi sumungaw sa kanyang mukha ang totoong nararamdaman. Na hindi lamang siya dismayado. Sobrang frustration din ang namamayani ngayon sa loob-loob niya dahil imbes na makapag-relax siya sa panonood ng recital concert, ito at nadagdagan pa tuloy ang stress n’ya.
Ngumuso si Freya at itinuro ang stage. “Hindi ba puwedeng patapusin muna natin ang concert, Archi? Pretty please.”
She needed to convince him to stay. Kung mararapatin ay ayaw niya itong umalis. Pipigilan niya itong makipagkita kay Annalise katulad sa narinig niyang usapan ng dalawa kani-kanina lang.
Just by thinking he'd be seeing Annalise, it was already breaking her heart. Hindi lang siya nasasaktan para sa kanyang sarili, pati na rin sa kuya n’yang si Osiris. Mahal niya ang nobya nitong si Annalise na parang isang tunay na kapatid pero hindi niya maiwasan na isipin na kaya nitong pagtaksilan si Osiris.
Parang nabibigyan na ng linaw ang matagal nang palaisipan sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay mailap si Annalise sa usapang kasal nila ni Osiris. Mahal pa rin nito si Archimedes. Iyon marahil ang dahilan.
Archimedes eyes dulcified apologetically. “Pasensiya na talaga, Freya. Kailangan ako sa trabaho. Babawi na lang ako saiyo sa susunod.”
Dahan-dahan na binitawan ni Archimedes ang kanyang kamay.
“Mag-iingat ka sa—” Patayo na sana ang binata mula sa kanyang upuan but he suddenly got worried. “Frey, hey. Are you alright? Your heart?”
Naaligaga si Archimedes nang mapansin na tila naninikip ang dibdib ni Freya. Hinahagod nito ang sariling dibdib.
“Archi, I. . .You need to bring me to the hospital.”
“Oh God!”
The concert was interrupted for a short period of time dahil naalarma na rin ang ibang manonood sa nangyari kay Freya. The management was quick to call an ambulance.
Mabilis na inasikaso si Freya sa pinagdalhang ospital sa kanya. Her sudden chest pain and shortness of breath were not that strange to her anymore. In fact, she was living with it since she was a toddler.
Bata pa lamang ay mayroon nang komplikasyon sa puso si Freya Grace. She undergone a major heart surgery abroad kaya nadugtungan ang kanyang buhay. Iyon ang dahilan kung bakit overprotective si Osiris sa kanya. Na kahit isang mali lang na pagkain ang maisubo niya ay pagtatalunan na nila iyon ng malala.
“I should call your brother to let him know that you are here.”
“Please no! No, Archi. Nasa bakasyon sina Kuya at Annalise. Minsan lang sila nagkakaroon ng time to be with each other and to relax. I don't want to disturb them and make them worried. This will go shortly, I assure you.” Maagap na pigil ni Freya sa tangka ni Archimedes na tawagan ang kanyang kuya.
“Please don't call any of them, Archi.” Nagsumamo na ang dalaga. She had said that for two reasons; ayaw niyang maistorbo ang bakasyon ni Osiris at ni Annalise at pangalawa ay haharangin niya ang planong pakikipagkita ni Archimedes kay Annalise. Malaking gulo ang naghihintay para sa kanila oras na mangyari iyon at malaman ng kanyang Kuya Osiris.
Matapos ang sinapit na sintomas ng mild heart attack ay hindi komontra si Freya sa payo ng doktor na manatili muna siya sa ospital para maobserbahan pa siya.
Archimedes got her a private room. Nang dadalhin na sana siya roon ay nakita niyang napahinto si Archimedes nang may palapit ditong dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng purong itim mula sombrero hanggang sa sapatos ng mga ito.
Halos mabali ang leeg ni Freya kakalingon kay Archimedes sa pasilyo. Seryoso ang mukha ng dalawang lalaki na ngayon ay kausap na ni Archimedes.
Few minutes after, Archimedes followed her to the private room where she'd stay while she will undergo a further observation.
“Frey, I should really leave. Sinundo na ako ng mga kasama ko. I'm really really sorry. You don't need to worry about anything. I'll cover every penny on your hospital bill.”
Wala nang nagawa si Freya kundi ang mahinang tumango. Kailangan na niyang magising sa kanyang ilusyon na mamahalin siya ni Archimedes. Kahit yata mamatay pa siya sa ospital na ‘yon ay hindi nito magagawang samahan siya. Simple lang kung bakit, dahil hindi siya mahalaga sa binata.
A lone tear rolled in her cheek when Archimedes closed the door after he went out.
It was the moment Freya hated the most. That moment that she felt like she's alone.
Ipinasa ang kaso ni Freya sa isang interventional cardiologist.
“I’m Doctor Krause but please do call me Tarique. That's my first name. How are you feeling now, missy?”
Kumpara sa doctor na unang nag-asikaso kay Freya, Doctor Tarique Spencer is way too young and not intimidating. Hula ni Freya ay mas bata ito ng dalawa o tatlong taon sa kapatid niyang si Osiris.
And God! This doctor is smoking hot and handsome as fúck. May facial features ito na maihahalintulad niya sa kilalang Hollywood actor na si Keanu Reeves noong bata-bata pa ang aktor. Kuhang-kuha nito ang smirk ni Keanu Reeves pati na ang pagiging tisoy.
“Hi, Doc. I actually feel better na. Ang pogi mo po, Doc Tarique.” Hindi mapigilan ni Freya na purihin ang doktor.
The doctor playfully grinned at her. “Thanks for the compliment, missy. I no longer feel tired. Well, just a little.”
Sumailalim sa ECG test at panibagong blood test si Freya sa araw na iyon. Those examinations didn't spot any ongoing heart damage inside her na lubos niyang ipinagpasalamat.
Inamin ni Freya sa doktor na sumuri sa kanya na masyadong madami lang siyang problema na iniisip sa mga nagdaang araw. And that she was exposed to stress.
“Well, that risk factor can be controlled, Miss Jadraque. Alam kong hindi na ito bago saiyo based on my brief run down about your health history, pero ipapayo ko pa rin sa’yo na iwasan mo ang stress. Improve your mental health. Kapag alam mong may lumalason sa mental health mo, get rid of it.” Litanya ng doktor. “Who’s that asshóle who gives you heartbreak? Gigilitan ko lang sa leeg.”
Mahabang sandali na napamaang si Freya kay Doctor Tarique.
“P—paano mo nalaman na brokenhearted ako dahil sa isang lalaki, Doc? Am I that obvious?” Nakangiwi na saad ni Freya. Ikinahihiya niya ang pambibisto sa kanya ng guwapong doktor.
“It’s just that I didn't see any of the three key risk factor for your mild heart attack. I'm certain you don't do cigarettes as well. So I assume that a pathetic boy might be the reason of your stress.” Suwabeng pahayag pa ng maangas na doktor. Nakapamulsa ito at parang tinatamad na nakatayo sa gilid ng kanyang hospital bed. Ang nurse na assistant nito sa likod ay nakahalukipkip subalit kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi.
“Huwag na nating pag-usapan iyong guy, Doc. Makakalabas na ba ako today?” Freya asked instead.
Sasagot na sana ang doktor nang biglang tumunog ang cellphone nito. “Working hour, fúcker. Don't disturb me!”
Nagulat si Freya sa pag-asik ng doktor sa kausap nito sa cellphone. “Bahala ka. Nandito ako sa one-o-nine private ward.” Napa-tsk na lang ang doktor nang binabaan ito ng linya ng kausap nito.
“I’m sorry. May asungot lang na tumawag. By the way, where were we, ma'am?” anito kay Freya nang ibinalik nito ang atensiyon sa kanya. The way he called her ma'am was like he treated her like a vulnerable little girl.
“I was asking about my dischargement, Doc. Uuwi pa po kasi akong province e.” Kampante si Freya na kaya na niyang umuwi. Mas mababawasan ang iniisip niya kung naroon siya sa bahay nila. Wala man siyang kasama roon at least marami siyang halaman na puwede niyang makausap doon.
“Province? Where is it exactly?”
“Sa Canvertudez ho, Doc.”
“Woah. Really? Malapit ‘yon sa bayan ng Laredo.”
It was Freya’s turned to get surprised. “Nuevo Laredo you mean, Doc? Don't tell me tagaroon ka? Hay naku, Doc Tarique. I'm sure kilala mo ang Mayor sa bayan na ‘yon. Iyong saksakan ng yabang na akala mo kung sinong guwapo. I hate that brazen Mayor to the core. Gosh! Lakas ng hangin ng antipatikong ‘yon. Nakakainis siya. Nurse, check mo nga BP ko please. Naiisip ko palang kasi ang hambog na unggoy na ‘yon, tumataas na ang blood pressure ko.” Eksaherada niyang satsat.
Isa talaga sa main reason ng stress niya ang alkalde na iyon. Hindi malaman ni Freya kung gaano kalaki ang sira sa ulo ni Mayor Evora at nagpadala pa ito ng bulaklak sa kanya. He's a married man for fúck’s sake! Bakit ayaw siyang tantanan ng kumag na iyon?
Tila nabuhay ang dugo ng doktor sa narinig na rant mula sa pasiyente nito. Naglaro ang makahulugang ngisi sa mga labi nito. “You hate that Mayor? This is interesting, ma'am. Why so?”
Umikot ang mga mata ni Freya sa eksaheradong paraan to make her annoyance towards that arrogant Mayor more prominent to the Doctor's knowledge. Kahit wala sa paligid ang presens'ya ng naturang Alkalde ay kaya pa rin nitong painitin ang ulo ni Freya.
“Based on your reaction, parang tama ang hinala ko na kilala mo nga ang saksakan ng kaantipatikuhang Mayor Alder Kalantri Evora na ‘yon, Doc?” Paghihingi ng confirmation ni Freya sa doktor.
The doctor's grin turned wider as he nodded his head. “Evora is actually my—”
Doctor Tarique was about to tell her something when they were interrupted by a baritone voice of a certain man who kept hunting her thoughts.
“Antipatiko at mayabang? Such cruel words your tongue got against me, little one.”
Freya was astonished beyond astonishment when she finally got a full glimpse of the brazen mayor’s presence.
“Nasobrahan na sa talas ‘yang dila mo, Miss Jadraque. I think we should do something to lessen its sharpness. You think so?”