THE MAYOR VIRGIN MISTRESS
Mayor Alder Kalantri Evora
Chapter 7
Ilang segundo na lumipad ang katinuan ng dalagang si Freya dahil sa pagdating ng hindi inaasahang tao sa loob ng kanyang ward.
Ang taong sinisiraan niya sa kanyang doktor ay naroon. And he heard what she had said against him!
“Now cat got your tongue? Kanina lang ay halos makalimutan mo nang huminga kakasalita ng masasama tungkol sa ‘kin. Why hush now?” Mayor Alder taunted her while she was lost of words.
Humakbang si Alder at gumawa ng tahimik na yabag ang sapatos nito sa tiled floor. His solemn footsteps seemed to create a cyclone inside her system. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit nayayanig siya sa presensiya ng alkalde.
“A—and what in the hell are you doing here?” May kabagsikan na tanong ni Freya kay Alder nang mahanap nito ang boses at tapang.
“I came here to discuss an important matter with my cousin. Don't assume things suchlike I'm here to see you, Miss Jadraque,” malamig na saad ni Mayor Alder. Naroon sa likod ng isip ng alkalde ang kuryusidad sa kung ano ang dahilan at bakit naroon sa ospital ang dalaga.
Nagsalpukan ang kilay ni Freya dahil hindi niya nagustuhan ang katagang binitawan ni Alder.
“Assume? Are you insane? Yuck! Iisipin ko pa lang na narito ka, kinikilabutan na nga ako. My Gosh! Ako pa talaga ang inakusahan mong assuming.” Freya dramatically rubbed her forearm like she felt an imaginary shiver sprawling against her skin.
Kung magpalitan sila ng salita’y tila ba wala silang ibang kasama sa private ward na iyon na nakakasaksi sa alitan nila.
Hindi napansin ng dalaga ang pagtagis ng bagang ni Alder dala ng agarang pag-aalala na baka mahila ang dextrose na nakakabit kay Freya. This woman looked careless and it was upsetting him!
Ipinilig ni Alder ang ulo nito at kalmanteng sinalo ang matalim na titig ni Freya sa kanya.
“Seriously I have no idea why you're giving so much annoyance towards me, Miss Jadraque. Or is it hate you have in your heart for me? I don't understand you. As far as I'm concerned, I didn't do wrong to you.”
Alder tauntingly arched a brow. “Unless you considered—”
“Shut up!” Freya was too quick to snapped at him. Tila nababasa kaagad ni Freya ang salitang nais sabihin ni Alder.
Oh God! Please don't remind me that one sinful night, you fúcking brazen Mayor!
Freya stared harder at him, unintentionally taking in his serious features. His dashingly chiseled face and intense brown eyes made her forget for awhile that he is an enemy.
Yes! For her, he is an enemy. A source of her bad luck. He's no good for her sanity. His shadow alone baffled her.
“Atsaka sino ka ba sa akala mo para pag-aksayahan ko ng emosyon? Excuse me lang ha, Mayor Evora. Kasasabi lang ni Doc Tarique na bawal akong ma-stress kaya please lang, leave this room now. Go. Get out. Leave.”
“Itataboy mo ako tapos mamaya ay itutuloy mo ang paninira sa pangalan ko. Really, Miss Jadraque? Ganiyan ka ba kaisip-bata? You choose to rant at my back instead of talking our issue out over a proper conversation?” Bahagyang dumilim ang mukha ni Alder.
He didn't mean to annoy her alright. Ang totoo’y mas matimbang sa kalooban niya ang makausap ng kalmado ang dalaga at malaman kung bakit nandoon ito sa ospital.
Kaya pala tahimik ang tahanan ng mga Jadraque dahil wala rin doon si Freya. He was wondering if Attorney Osiris knows that his brat for a sister was confined in that hospital owned by their family. Alder was aware that Freya’s brother is out of town.
If so, it only means that she's alone. Sa ideyang iyon ay tila biglang bumigat ang dibdib ni Alder.
“Answer me. What happened to you? Have you been in an accident or what?” he staidly asked. He could no longer hold that question at the back of his mind.
Umikot ang mata ng dalaga na parang hindi nito gustong sagutin ang tanong ng alkalde. “W—why would I answer you? Kamag-anak ba kita?” Inirapan nitong muli si Alder bago tumagilid ng higa para matapos ang sagutan nila.
“Relax there, Mayor. Huwag mo namang sesermunan ng ganiyan ang pasiyente ko,” kunwa’y suway ni Doctor Tarique sa bagong dating subalit mababanaag sa kislap ng mata nito ang panunudyo.
“Magpahinga ka muna, Freya. You'll have another blood test in two hours. And about your dischargement, I think you still need to admit here for another two days. I need to monitor your health.”
“Sige ho, Doc,” mahinang tugon ni Freya na nakatalikod pa rin para maiwasan na makaharap ang kinaiinisan nitong alkalde.
Doctor Tarique tapped Alder's arm to tell him they need to leave the patient alone.
Iginiya ni Doctor Tarique palabas ng private room ni Freya si Alder. Sumunod din ang nurse na kasamang nag-roving ng naturang doktor.
“You can go back to your station now,” ika ng doktor sa nurse.
“Yes, Doc.” Magalang na tumango ang nurse na kapansin-pansin pa ang pamumula ng pisngi.
Subalit bago pa ito nakatalikod ay hiningi ni Alder ang clipboard na hawak nito.
Habang nakasunod si Alder kay Doc Tarique patungo sa opisina nito ay pinapasadahan ni Alder ng basa ang lamang medikal na impormasyon ni Miss Jadraque na nakasaad doon.
“Symptoms of mild heart attack? What the fúck...” malalim na anas ni Alder.
Kung tutuusin ay madali para kay Alder ang intindihin ang mga medical records na nababasa niya mula sa clipboard dahil katulad ng pinsan niyang si Doc Tarique ay medisina rin ang natapos ni Alder. But unlike Tarique, Alder only had a three years in the field of medicine abroad dahil kinailangan niyang magbalik sa bayan ng Nuevo Laredo para tuparin ang pangako niya sa namayapang ama na susunod siya sa yapak nito bilang pulitiko.
Hindi biro ang pinagdaanan ni Alder sa bayan ng Nuevo Laredo para lamang makuha ang tiwala ng taumbayan. Naging marumi ang imahen nila sa mga taga-Nuevo Laredo dahil sa graft and corruption na nakadikit sa pangalan ng kanyang ama na si Gibson Evora. His father was also known for his cruelty and lavish scandals.
Kung tutuusin ay maaari nang hindi bumalik si Alder sa bayan na kinalakhan niya. He was doing good in United States as a surgeon. Pero mas matimbang ang kagustuhan niya na linisin ang pangalan ng pamilya niya sa bayan ng Laredo. Wala man siyang pamilya na binalikan sa bayang iyon pero mayroon pa ring natitirang mga tao na naniwala sa kanya.
Nang nakaraang halalan ay naipanalo niya ang Mayorial race sa bayan ng Laredo, gawa na rin sa nakuha niya ang suporta ng ilang malalaki at makapangyarihang angkan doon kabilang na ang pamilya Alvarado.
But in exchanged of their support ay nagkaroon ng kasunduan na kailangan na pakasalan ni Alder ang isang anak ng mga Alvarado na si Everly.
Nang nasa swivel chair na si Tarique ay may kinuha pa itong ibang papeles at inilapag sa lamesa nito.
“I asked one of my men to get all her previous records and I got that from the hospitals where she is admitted before.” Nagpakawala ng buntong-hininga si Tarique. “Her previous condition is no joke. Nakakaalarma na nagkaroon siya ng sintomas ng mild heart attack five years after her heart transplantation although it is considered noncardiac. Kailangan niya pa ring mag-ingat.”
Muling binalikan ni Alder ang mga impormasyon at dinahan-dahan na binasa na tila ba bago sa kanya ang mga data na naroon. Parang humina ang hulog ng utak niya dahil pinangunahan siya ng kakaibang damdamin na ngayon lamang niya naramdaman.
Northwestern Memorial Hospital in Chicago, doon isinagawa ang heart transplantation. Recipient is named Freya Grace Jadraque na 21 years old ng mga panahon na iyon. She had her refractory end-stage heart failure at twenty.
Then down to the heart donor's data. Blanko ang pangalan sa papel. Unknown. Ang tanging nakatala sa data ng heart donor ay ang kasarian nito, edad na 22 years old based on the ossification test also known as biological age test. Stated din ang ilang facial features nito such as the color of her eyes at doon palang ay sumama na ang pakiramdam ni Alder. The donor’s blood type was A positive and the organ donor’s tissue type na closely matched ng sa recipient. Sa mga data roon ay wala man lamang ni isang impormasyon na nagpapatungkol sa sino mang kamag-anak ng organ donor. It was fishy.
“Iyan ang sadya ko kaya pinapunta kita rito, Alder. As I dug more information about the anonymous heart donor of Miss Jadraque, kinutuban ako ng malala.”
Biglang kinapusan ng hininga si Alder nang makuha niya kung ano ang pinupunto ng usapan nilang iyon ni Doktor Tarique.
“I found out that the donor was allegedly came from Lisbon. The agent had gotten a picture of this anonymous donor when she is brought to Northwestern Memorial Hospital and they got the address of her at kapareho sila ng apartment kung saan huling nakita ng agents natin si Altheda. Few people in that town confirmed that it was Atalanta Deus na siyang ginagamit na identity ni Altheda—”
“Pútangina, Tarique! Imposible!” Mabagsik na anas ni Alder at kapagkuwan ay nabitawan ang clipboard na tila napapaso. Nakaramdam ng matinding panghihina si Alder sa kanyang upuan.
“Alder, hindi ko sinasabi na dahil sa impormasyon na ito ay puwede na nating itigil ang paghahanap sa kapatid mo although we haven't had any leads for the past five years. Kahit sa time frame, nakakaduda na. Ang akin lang...” huminto si Tarique at nakikisimpatyang tumingin kay Alder. Maging si Tarique ay nahihirapan na itawid ang mga posibilidad na nakalap tungkol kay Altheda.
“Fúck it, Tarique! It could have been Freya who has my sister's heart.” Nagtagis ang bagang ni Alder at mariin nitong kinuyom ang mga palad.
Nag-uumpisang sumulak ang pighati sa kalooban niya sa kaisipang posible nga na mangyari iyon. His long lost sister Altheda, maaaring patay na nga ito at ang puso nito ay ipinagkaloob kay Freya. Sa impormasyon palang ng anonymous donor ay kakaiba na ang kutob ni Alder.
“Malaking porsyento itong nakuha nating impormasyon tungkol sa kaso ng nawawala mong kapatid, Alder. I'm sorry if I have to tell you that you at least consider this lead kaysa patuloy tayong maniwala na nasa kamay ng mga sindikato si Altheda. At kung mapapatunayan pa nating si Altheda nga ang heart donor ni Miss Jadraque, I think you should be extra nice to the lady, Alder because she has your sister’s heart. The only existing piece of Altheda. Your sister is living in her. Iyon na lang ang paniwalaan mo sa ngayon.”