Chapter Sixty-nine "Hija, matagal na ba kayong magkakilala nitong anak ko?" nagsisimula na kaming kumain nang marinig kong tanungin iyon sa akin ni Mommy Keia. Iyon din daw ang itawag ko rito. Katulad kay Daddy Hendrix. "Opo." Tugon ko rito. "Really? How long?" si Leonara iyon na siyang katapat ko. Hindi ba pwedeng kami-kami muna ang mag-usap? Parang ang init kasi ng ulo ko rito. Hindi ko alam kung bakit. "Nara, na-meet ko si Vee ilang taon na ang nakararaan. Muntik ko siyang mabangga. Nawalan siya ng malay kaya dinala ko siya sa bahay ko." "Oh, hindi mo naikwento sa akin iyan." Reklamo nito sa pa-sweet na boses, required bang sabihin iyon ni Angkol Fifth dito? Kairita. Wait! Bakit ba ganito ang takbo ng isip ko? "Wow, tapos? Nagkaroon na ba kayo ng communication no'ng time na iyon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books