54

1497 Words

Chapter Fifty-four "Nandito na ako sa siyudad. Parang gusto ko na ngang umuwi." Iyon ang nabasa kong mensahe mula kay Angkol. Katatapos ko lang maligo. Okay na okay ang pakiramdam ko. Magaan. Hindi katulad ng ibang buntis na maselan ang pagbubuntis. Well, masyado pa namang maaga. Isang buwan at tatlong linggo. Walang kabakas-bakas na buntis ako. Maagang natapos ang lesson ko. Kaya may oras ako para magpunta sa barangay namin para i-check ang mga ginagawa roon. Kanina pa iyong text na iyon ni angkol. Pero ngayon ko lang nabasa. Kaya naman tinawagan ko na ito. Hindi nito iyon sinagot kaya naman nanulis ang nguso ko. Nag-ayos ako. Isang summer dress iyon na kulay dilaw. Pinaresan ko ng flat shoes na kulay dilaw rin. Sa mga alahas na nakahanay sa table ay namili ako ng pinakasimple.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD