When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter Twenty-two Isang malakas na sampal mula kay nanay ang natanggap ko nang makapasok kami sa bahay. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Vee? Hindi ka naman dating bayolente! Hindi ka naman dating sakit sa ulo namin ng tatay mo. Nakapag-abroad ka lang ay naging ganyan ka na. Nagbasag ka pa sa bahay ng kapatid mo. Hindi na ikaw iyong Vee na pinalaki naming mag-asawa." Iyak ni nanay. "Disappointed kayo na nagbago na ako? Mas lalo ako, 'nay. Umalis ako ng Pilipinas na puro sakit ng ulo ang ibinigay ninyong lahat. Tapos no'ng umuwi ako'y mas lumala lang kayong lahat. Nagbago ako? 'Nay, hindi ka ba nagtataka kung bakit nagbago ako? Tatlong taon. Literal na dugo't pawis ang ibinuwis ko para lang buwan-buwang makapagpadala rito sa Pilipinas. Sinaid n'yo ang bulsa ko, pero dahil mahal ko kayo ay