Summer’s Point of view “Hindi na magkandaugaga ang mga katulong sa paglilinis at pag-aayos ng buong kabahayan. Habang ang aking asawa pati ang mga magulang nito ay kasalukuyang nagbibihis sa kanilang mga kwarto. May kanya-kanya silang make-up artist at marami ring nag-aasikaso sa kanila upang ma-sigurado na magmu-mukha silang kagalang-galang at maganda sa paningin ng publiko. Samantalang ako na asawa ng birthday celebrant ay kasalukuyang abala sa paglilinis ng buong Villa kasama ang mga katulong. Ngayong September six ay magaganap ang isang magarbong pagdiriwang ng ika-30th birthday ng aking asawa. Kaya sigurado ako na maraming mga celebrities ang darating mamaya, at maaaring mapuno ng media ang buong venue. Tulad ng nakagawian sa tuwing may magaganap na okasyon sa bahay ng mga Zimmer a