“Ilang linggo ang lumipas, akala ko magiging okay din ang lahat. Ayos lang sa akin kahit na pinapahirapan ako ng aking biyenan ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang mas malamig na pakikitungo sa akin ni Hanz. O mas tamang sabihin na iniiwasan ako nito. Napapadalas na rin ang pagtulog ni Scarlett sa kwarto ng aking asawa. Ako nga ang asawa ngunit sa gabi ay iba ang kaulayaw nito. Wala na akong ginawa sa bawat gabi kundi ang umiyak habang yakap ang aking unan. Hindi ko na yata kilala ang aking sarili. Dahil tuluyan ng binura ng pamilyang ito ang totoong Summer. Kinaumagahan ay tahimik akong nagpupunas ng ilang appliances kasama ang mga ilang katulong ng dumating ang aking biyenan kasama ang paborito nitong si Scarlett. “Iha, labis mo akong pinahanga sa galing mo sa pag-arte, imagine pum