“Gamit ang fast roping rope ay mala spiderman na tumalon kami ng aking mga kasamahan mula sa helicopter papunta sa tuktok ng isang gusali na may eighty-five floor ang taas. Umangat sa ere ang dalawang daliri ni Scorpion isang senyales na simulan na ang aming misyon. Mahigpit akong humawak sa lubid na nakatali sa aking katawan at nagsimula na akong sumipa palayo sa pader kaya lumutang ako sa ere pababa. Makailang ulit ko itong ginawa hanggang sa narating ko ang ika pitumpu’t limang palapag ng building.
Walang kamalay-malay ang mga tao na may nagaganap na isang laban ngayong gabi. Payapa man ang paligid ngunit ang bawat segundo na lumilipas ay lubhang mapanganib. Nakasalalay ang buhay ng bawat isa sa amin sa misyong ito. Nakatakda ang paghuli sa matinik na drug lord na ngayon ay kasalukuyang naka check-in sa mamahaling hotel na ito. Ang ilan sa mga kasamahan ko ay naka-assign sa ground floor. Ang target ay nasa ika pitumpu’t limang palapag.
Ganito ang buhay ko, pagkatapos ng misyon ko bilang sundalo ay on duty naman ako bilang isang agent. More misyon, more excitement.
“Six men at the entrance.” Si Taurus na naka assigned sa ground floor.
“Be alert, ten men have arrived and they are currently heading to the floor where the target is.” Si Pisces na kasalukuyang miyembro mula sa grupo ng kalaban. Walang nakakaalam na ito ang espiya sa kanilang grupo.
Maingat na umatras ang aking mga paa pakaliwa bago mabilis na tumakbo saka lumundag ng mahaba patungo sa kabilang side ng glass wall upang hindi ako mapansin ng mga kalaban. Madilim ang buong paligid ngayon dahil kasalukuyang natatakpan ng makapal na ulap ang buwan. Sa tingin ko ay parang nagbabadya na bumuhos ang malakas na ulan.
Halos walang ingay na nakarating ako sa kabilang side, mabilis na kinuha ang aking baril na may silencer at itinutok ko ito sa pader ngunit biglang naagaw ang atensyon ko ng isang babae at lalaki na kapwa mga nakahubad.
“Kapag sinuswerte ka nga naman oh, first time kong makapanood ng bold, live pa!” Nakangiti kong sabi, sa katangahan ko ay naisatinig ko na pala. “Uunahin mo pa ba ang porn na ‘yan Aries kaysa sa buhay ko?” Hindi makapaniwala na sabi ni Pisces sa mahinang tinig. Nagtawanan ang mga kasamahan ko dahil sa sinabi ni Pisces.
“Anong magagawa ko kung natapat sa akin ang live show na ‘to?” Inosente kong sagot habang kinakamot ang aking ulo gamit ang dulo ng baril ko. “Focus.” Matigas na paalala sa amin ni Clinton, siya ang namumuno at namamahala sa aming grupo ikanga siya ang Ama ng lahat. Pilit kong magkoncentrate sa misyon ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi lumingon sa magka-pareha na nasa loob ng kwarto. Dahil walang habas na inaangkin ng lalaki ang kawawang nobya nito o marahil ay asawa na nasa ilalim ng kanyang katawan. Ilang sandali ay kita ko na parang mga sawa kung maglingkisan ang mga ito na tila narating ang kaluwalhatian.
Dahil sa nasaksihan ay hindi na ako mapakali sa aking posisyon. Maya-maya ay nakita ko na umalis ang lalaki sa ibabaw ng babae at hubo’t-hubad itong naglakad patungo sa isang lamesa. Habang ang babae ay nanatiling nakahiga sa kama. Para akong tinuklaw ng ahas ng makita ko ang kanilang mga mukha.
Pakiramdam ko ng mga oras na ito ay biglang lumaki ang ulo ko at kumalat ang matinding kilabot sa buong katawan ko. Dahil ang kaninang naglilingkisan ay ang dalawang tao na mahalaga sa buhay ko. “Mga ahas...” nanggigigil kong sabi kaya nagtaka ang mga kasamahan ko mula sa kabilang linya. Bumalong ang mga luha ko at pakiramdam ko ay nahihirapan na akong huminga dahil tila tumigil yata sa pagtibôk ang puso ko.
Hindi ako makapaniwala kung paanong nagawa akong lokohin ng boyfriend ko at ipagpalit sa best friend kong si Wilma. Parang hiniwa ng kutsilyo ang puso ko at kulang na lang ay patayin ako ng matinding sakit na nararamdaman ko. Nasaksihan ko kung paanong niyakap mula sa likuran ni Wilma ang boyfriend ko bago masuyong hinalikan ni Johnny sa bibig ang babaeng ahas. Humigpit ang kapit ko sa baril at halos nanginginig na ang katawan ko. “Aries! S**t!” Bigla akong natauhan ng marinig ko ang galit na sigaw ni Pisces saka ko lang naalala na nasa misyon nga pala ako.
Nakaramdam ako ng hapdi sa aking balikat at ng hawakan ko ang bahaging iyon ay saka ko lang napagtanto na may tama pala ako ng baril sa balikat. Hindi ko na maramdaman ang hapdi ng sugat ko dahil higit na mas masakit ang wasak kong puso. Ibinunton ko ang lahat ng galit ko sa mga kalaban kaya walang pakundangan na binaril ko ang mga ito. Ilang sandali pa ay natigilan ako ng magtama ang mga mata namin ni Johnny na ngayon ay nakatitig na sa akin mula sa labas ng glass wall.
Isang nakamamatay na tingin ang binigay ko sa kanya, tanging mga mata lang ang nakikita niya sa akin dahil ang mukha ko ay natatakpan ng itim na facemask. Ngunit base na rin sa expression ng mukha nito ay mukhang nakilala niya ako dahil halata ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hanggang sa nabitawan niya ang hawak na baso at bumagsak ito sa sahig saka nabasag. Inangat ko ang aking kamay at tinutok ang baril sa noo nito, nang mga sandaling iyon ay nanginginig ang aking kamay.
Gusto kong patayin ang mga ito ngayon mismo ngunit hindi ko maigalaw ang aking daliri na nasa gatilyo ng baril. “Aries! Aries! Come on Sweetheart wake up.” Nag-aalala na tawag sa akin ni Clinton kaya bigla akong natauhan. Bumwelo ako ng tatlong hakbang bago mabilis na lumipat sa kabilang side habang isa-isang binabaril ang mga kalaban na nasa loob ng silid. Walang habas na binaril ko ang mga kalaban habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko. Ang sakit, hindi ko kaya ang sakit...
Tuluyan ng nagdilim ang aking paningin at hindi na ako umaalis sa aking pwesto kaya nakatutok sa direksyon ko ang baril ng mga kalaban. Walang takot ko silang hinarap ngunit bigla na lang may kumabig sa aking katawan. Mahigpit akong yakap ni Scorpion habang kasama ako nitong umaangat paitaas.
“s**t! What happened?” Nag-aalala na tanong ni Clinton bago ako nito niyakap ng mahigpit. “S**t! May tama ka!” Galit niyang sabi bago nito hinagilap ang medical kit. Natigil ito sa pagkilos ng mahigpit akong yumakap sa kanya bago ibinaon ang aking mukha sa malapad niyang dibdib. Tila naunawaan naman niya kung ano ang nangyayari sa akin kaya niyakap niya ako bago hinagod ang aking likod.
Nang magsimula akong humagulgol ay sumabay ang pagpatak ng ulan hanggang sa tuluyan itong lumakas. Wari moy nakikiramay ang ulan sa pagdadalamhati ng puso ko.
“Sshhh... it’s okay, everything will be fine.” Masuyong bulong ni Clinton sa tapat ng aking tainga. Wala itong pakialam kahit nabasa na siya ng ulan. Habang ako ay tumatangis sa dibdib ni Clinton ay patuloy sa pakikipaglaban ang aking mga kasamahan. Hindi na ako pinahintulutan pa nila na lumaban, marahil ay nakikita nila na parang gusto ko ng mamatay.
Makalipas ang ilang minuto ay medyo kumalma na ako ngunit nanatili lang akong tahimik. Nakarating na kami ‘t lahat sa headquarters ay wala pa rin akong imik habang nakatulala sa kawalan. Ni hindi ko na naramdaman pa ang sakit ng aking sugat habang nililinis ito. Pakiramdam ko ay nag manhid na yata ang buong pagkatao ko.
“Bakit?” Ito ang katanungan na umuukilkil sa isip ko, maraming bakit na hindi ko alam ang sagot. Isa akong babae na hinahangaan ng lahat. Marami ang nagnanais na maging ako, maraming nangangarap na makuha ang atensyon ko. Ngunit, bakit? Bakit nagawa akong lokohin ng dalawang tao na labis kong pinagkatiwalaan? Bakit ako pinagpalit ni Johnny sa isang ordinaryong babae? Kapalit-palit ba talaga ako? Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula dahil pakiramdam ko ay hindi lang ang puso ko ang nawasâk kundi maging ang pagkatao ko.
Tumayo na ako bago tinungo ang pintuan, “I need vacation leave.” Ani ko sa seryosong tinig kay Clinton habang diretsong naglalakad ng hindi lumilingon sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at tuluyan ko ng nilisan ang aming headquarters.”