Chapter 2

1922 Words
“Daddy! Mommy!” Masaya kong tawag sa aking mga magulang na parang akala mo ay bata pa rin. Nang makalapit ay mahigpit na niyakap ko ang maganda kong ina bago ito pinupog ng halik sa pisngi kaya naman walang humpay ang katatawa nito. “Enough, Summer, you reach at age twenty five but you act like a five year old kid!” Saway sa akin ni Mommy na idinaan ko na lang sa tawa. "Mommy, aren't you happy that I am here now, and you can be with me every day?" Nakangiti kong tanong bago lumingon sa aking ama na nasa likuran ni Mommy. “Dad, I miss you so much...” Naglalambing kong sabi bago mahigpit na yumakap sa kanya, mahigpit niya akong niyakap bago mariing hinalikan ang bunbunan ko. Pakiramdam ko parang gusto niya akong kargahin na parang akala mo ay isang sanggol. Marahang inugoy pa nito ang katawan ko na wari mo ay nagpapatulog ng bata. Sinong hindi maiinlove sa ganito kalambing at mapagmahal na tatay? “How’s your job, Iha, did you get hurt? Or any injuries?” Nag-aalala na tanong niya sa akin kaya naman lalong lumapad ang ngiti ko. “Dad, you don't have to worry about me, you should worry about my enemies because they are all underground.” Pagmamayabang ko pa kaya halos sabay na umiiling sa akin ang mga magulang ko. “"Yes, you're right, dear, but I am more worried about your arrogance.” Natatawa na sabat naman ni Mommy kaya pati si Daddy ay natawa na rin. "Don't be surprised, Sweetheart, because it cannot be denied that our child inherited it from you, tsk like mother like daughter.” Natatawa na sagot ni Daddy kaya isang matalim na tingin ang ibinigay ni Mommy dito. Natawa kami ni daddy dahil sa expression ng mukha ni mommy. “Sum!” Napalingon kaming lahat sa pintuan ng dumating ang makulit kong kaibigan. Parang bata pa ito na nag talon-talon habang papalapit sa amin. Nang makalapit ito ay mahigpit kaming nagyakap halatang sabik sa presensya ng isa’t-isa. Hello, Uncle, hi, Auntie, how have you been?.” Masayang bati niya sa mga magulang ko. Siya si Wilma Sanchez ang nag-iisang best friend ko. Parang magkapatid na rin ang turingan namin sa isa’t-isa. Kahit na mula siya sa isang simpleng pamilya ay hindi iyon naging hadlang sa pagkakaibigan namin. Bagkus ay mas lalo pa kaming naging close. Noong nag-aaral pa lang kami ay naging sandalan namin ang isa’t-isa, lalo na nung mga panahon na nagkakalabuan na kami ni Johnny. Siya ang gumawa ng paraan para muli kaming magkaayos. Siya ang naging takbuhan ko sa tuwing may problema ako at bilang kapalit ay tinutulungan ko siya financially kaya naman sabay kaming nakatapos nito ng pag-aaral mula sa isang eksklusibong paaralan. Matalino si Wilma dahil napatapos niya ang sarili sa pagiging scholar. Nalugi na kasi ang kumpanya ng kanyang pamilya kaya mula noon ay naghirap sila pero kahit papaano ay unti-unti na silang nakabangon. “Do you have somewhere to go??” Tanong ni Mommy bago bumaling sa akin. “Yes, Mommy, we will watch a cinema.” Nakangiti kong sagot bago muling lumapit sa kanila upang humalik at magpaalam. “Yes, Auntie, because our idol has a new movie, you know, when it comes to our idol, we always need to be the first..” Masayang sagot ni Wilma na bahagya pa itong kinikilig. “Bye Mom and Dad, we are leaving.”Nakangiti kong paalam sa kanila. "I don't need to tell you to take care; I think it's much better to say that they should take care from you." Natatawa na saad ni mommy kaya nagkatawanan kaming dalawa ng kaibigan ko habang naglalakad palayo at kumakaway sa aking mga magulang. Gamit ang pinaka latest na brand new motorbike ay mabilis naming narating ang pinakamalaking shopping Mall center dito sa bansa. Pagbaba namin ng motor ay halos sumakit ang tiyan ko sa katatawa dahil sa nakabusangot na mukha ni Wilma. Ang talagang pinakang-ayaw niya ay ang umangkas sa aking motor. Dahil pakiramdam daw niya ay parang hihiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. “"I really swear that this will be my last ride on your motorcycle!” Nanggigigil na sabi ni Wilma kaya niyakap ko siya habang tumatawa. “Babe, please don't be like that. My motorcycle doesn't fight you..” Nang-aasar kong sabi habang naglalakad kami patungo sa entrance ng Mall. Isang matalim na tingin ang ibinigay sa akin ni Wilma kaya hindi na mabura ang ngiti sa labi ko. Kung titingnan ang hitsura ko ay mukha lang akong ordinaryong tao, dahil sa suot kong simpleng black shirt at maong pants habang ang mukha ko ay natatakpan ng itim na sumbrero. Pagdating sa entrance ng Mall ay hinarang kami ng mga Guard upang kapkapan. Bago pa nila ako mahawakan ay naipakita ko na ang aking ID nang makita nila ito ay bigla silang tumayo ng tuwid at mabilis na sumaludo. Walang pakialam na nilampasan ko na ang mga ito bago pa kami makakuha ng atensyon mula sa ibang tao. Wala akong pagpipilian kundi ang ipakita sa kanila ang aking ID dahil siguradong makakapa nila ang forty five caliber na nakatago sa aking likuran. Pag-nagkataon ay mas lalo lang kaming matatagalan. Dahil sa trabaho ko ay hindi ako nawawalan ng baril sa katawan para na rin sa seguridad ko lalo na at karamihan sa mga kalaban namin ay pawang mga nagbabalat kayo. Nakaakbay ako kay Wilma habang naglalakad kami patungo sa sinehan. Pagdating sa loob ay pumwesto kami sa bandang likuran, halos napuno na ang sinehan buti na lang at may bakanteng upuan pa kaming naabutan. Makalipas ang ilang segundo ay nagsimula na ang palabas. Sa unang kita ko pa lang kay Mr. Hanz ay kinikilig na kaagad ako, college pa lang ako ay hinahangaan ko na ang binatang ito. Halos kumpleto ako nang lahat ng mga souvenir at movie nito na umabot na yata ng milyong dolyar. Sa bawat concert ni Mr. Hanz ay lagi akong present depende na lang kung may misyon ako. Hindi talaga ako makaka attend, pero bumabawi naman ako pagkatapos ng misyon ko. Alam ni Wilma kung gaano kong kinababaliwan ang iniidolo namin. Minsan na ring pinagmulan ito ng away namin ni Johnny dahil madalas niyang pagselosan si Mr. Hanz . Mas may time pa raw ako sa iniidolo ko kaysa sa kanya na boyfriend ko. Ang sabi pa nga niya sa akin ay bakla daw si Mr. Hanz at kung ano-ano pang paninira ang ginawa nito sa idol ko pero never akong na-turn off. Noong una ay inakala ko na magka-mag-anak yung dalawa dahil pareho sila ng apelyido na Zimmer pero mariin niyang itinanggi. Anya wala daw silang kamag-anak na bakla. Biglang nagising ang diwa ko ng makita ko si Scarlett, ang leading lady ni Mr. Hanz. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil kasalukuyang naghahalikan ang dalawa. Pakiramdam ko ay parang may tumusok na karayom sa kaibuturan ng puso ko. Dahil nakadama ako ng pinaghalong selos at sakit. Parang gusto ko na ako lang ang hahalik sa mga labi ng idolo ko, napaka selosa ko talagang tao na kahit hindi naman akin ay inaangkin ko na ito at pinagdadamot sa lahat. Napalingon ako sa aking kaibigan ng maramdaman ko na hindi na ito mapakali sa kanyang kinauupuan at panay din ang tunog ng kanyang cellphone. Mabilis niya itong inilagay sa silent mode bago binasa ang mga message na natatanggap niya. Nahagip ng matalas kong paningin ang pangalan ng caller at parang gusto kong humagalpak ng tawa dahil ang corny ng kanilang tawagan. “Bebe ko.” Anya sa aking isipan na hindi pa rin maka move on sa aking nabasa. “Ahmm, Sum, sorry, I need to leave; it's an emergency." Si Wilma na halos hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata. Mukha siyang naiihi mula sa kanyang kinauupuan dahil hindi maintindihan kung tayo na ba ito o mananatili pa rin sa aking tabi. "It's okay, don't worry about me. It's better if you prioritize your Baby; it seems like he can't wait any longer." Nang-aasar kong sagot kaya halos magkulay kamatis na ang mukha nito dahil sa matinding hiya sa akin. Pagkatapos niyang humalik sa pisngi ko ay nagmamadali na siyang umalis naiwan akong mag-isa na nakatanga sa gwapong mukha ng idolo ko. Maya-maya ay may biglang umupo sa tabi ko, hindi ko ito nilingon pero nanatiling alerto ang aking pakiramdam. “What can you say about the movie?”tanong sa akin ng lalaking bagong dating, parang pamilyar sa akin ang boses nito ngunit iniisip ko na baka magkatulad lang sila. Nang mga sandaling iyon ay napaka sweet ng eksena kaya naman lalong sumama ang loob ko. “Boring...” walang gana kong sagot. Isinandal ko ang aking likod sa sandalan ng upuan bago ipinikit ang aking mga mata. “Really? How did you say that the movie is boring since you don't watch it?” Seryosong tanong ng lalaki. Napaka-ingay ng isang ito kaya hindi ako makapag-concentrate sa pinapanood ko. “Do you want to know why?” Balik tanong ko ng hindi siya nililingon, ramdam ko na hinihintay niya ang sagot ko. “Because according to the source, the leading man is gay..” May diin pa ang pagkakasabi ko nito halatang masama talaga ang loob ko. “Really?” Hindi makapaniwala na bigkas nito. “Did you know that your source is unreliable? And Mr. Hanz is not a gay.” Medyo naghahamon ang pananalita nito. “Then, prove it.” Pagtatapos ko sa usapan. Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone mula sa aking bulsa. Akmang kikilos na sana ako upang dukutin ang cellphone na nasa bulsa ko ng biglang may humarang sa mukha ko. Hindi ko na napaghandaan ang ginawa ng estranghero sa aking tabi ng bigla akong halikan nito sa mga labi. Masyadong marahas ang halik na iginawad niya sa akin na wari mo ay may nais patunayan. Sa isang iglap ay nawala ako sa aking sarili dahil tila nagustuhan yata ng katawan ko ang mga halik nito. Kung kailan balak ko na sanang tumugon ay saka naman biglang inilayo ng lalaki ang mukha nito sa aking mukha. “See, I already told you he’s not gay...” seryoso niyang bulong sa tapat ng aking tainga, napaka husky ng boses nito na wari mo ay nang-aakit. Tuluyan na niya akong iniwan, para akong natuklaw ng ahas at wala sa sarili na napahawak sa aking mga labi na pakiramdam ko ay nangangapal na yata ito. Nakadama ako ng pagtutol at parang gusto ko siyang habulin ngunit wala na akong nagawa pa ng tuluyan na itong naglaho sa aking paningin. Huli na bago ko pa napagtanto kung sino ang taong iyon, kaya bigla akong napalingon sa malaking screen ng magsalita ang bidang lalaki mula sa palabas. “S**t! Ang tanga mo Sum! Bakit hindi ko nakilala ang idol ko?” Parang gusto kong sampalin ang aking sarili. “Hindi nga siya bakla...” wala sa sarili kong bigkas habang nakatangā sa kawalan. Natauhan lang ako ng muling tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong pinindot ang black earbuds na nakakabit sa kanang tainga ko. “Aries! We need your presence here, back up!” Halos sumisigaw na sabi ni sir Clinton mula sa kabilang linya dahil nangingibabaw ang ingay ng helicopter. “Copy.” Seryoso kong sagot. Mabilis na tumayo upang lumabas na ng gusali. Pasalamat na lang ako at motor ang gamit ko ngayon dahil mabilis akong makakarating sa aking paroroonan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD