"Baby, ano ang ginagawa ni Samara? Ba't nakatayo siya sa malapit buffet?" mahinang sambit ni Levi sa kanyang taynga. Magkatabi silang nakaupo sa iisang mesa habang kumakain. Si France naman ay busy sa pag-aasikaso ng mga bisita nito. "Ewan ko sa kanya baby, parang siya ang celebrant! bulong niya rito. Pagkatapos niyang kumain ay nilapitan niya si Samara. Nasa likuran lamang siya dahil gusto niyang makita kung ano ang pinagkakaabalahan nito sa gilid ng long table. " Ay, sir!Gulay lang po ang kainin ninyo. Masama ang karne, maraming fats." pigil nito sa isang senior citizen na lalake. Hindi nagtagal ay may matabang bisita ang lumapit. "Sir, isang piraso lang po ha? Naku, baka mahihighblood po kayo.Concern lang po talaga ako, more on fruits po ang kainin ninyo." payo nito sa lalake.