Nang matapos na ang performance ng mga singers ay itinanghal na ang panalo. Ang nanalo ay lalaban sa grand finale ng amateur singing contest para sa susunod na araw.Hindi naman nagtagal ay bumukas ang mga samu'saring ilaw na mag iba't ibang kulay.Ang mga tauhan ng Mayor ang naglagay ng mono block chairs na korteng bilog kung sa'n uupo ang mga tao .Tumugtog ang musika , ang mga tao naman ay pumunta kaagad sa gitna at umindak . Malayo ang ganitong scenario sa kamaynilaan at higit sa lahat ay ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klase ng kasiyahan. Namulat siya na tanging aliwan niya ay sa mga VIP bars na puro mayayaman lamang ang nakakasalamuha niya.But this time its different, walang label ang mga taong pwedeng pumunta .Hindi siya nangingiwi o nandidiri sa mga taong hindi katulad ng an