FELICITY “BAKIT hindi mo pa sabihin kay Hermes ang totoo? Ano pa ang nagpipigil sa iyong sabihin ang totoo? Wala na sila ng asawa niya at on-going naman na ang annulment ng dalawa,” sabi ng pinsan ko. Naikwento ko sa pinsan ko ang sitwasyon ng relasyon ni Hermes sa asawa nito. At ito na nangungulit na sabihin ko kay Hermes ang katotohanan. Nandito kami sa bagong bahay ko. Natapos na rin ang renovation. Pinaayos ko lang ang ilang room at nagpalagay ako ng kubo sa harapan para pahingaan namin ng anak ko. She loves to play outside kaya naisip kong magpagawa ng kubo, para hindi mainit sa anak ko. “Hindi pa ako handang sabihin kay Hermes ang totoo.” Nagbuntonghininga ako. “Saka natatakot ako sa mangyayari. Siguro kapag annuled na talaga ang kasal ni Hermes, saka ko sasabihin.” Pakiramdam