FELICITY “ANO’NG nangyari?” Tanong ng pinsan ko nang dumating ito galing sa trabaho. Nakita niya ang pamumugto ng mga mata ko. “Mahabang kwento,” sabi ko habang nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama ko. Kinuha ko ang tissue box na nasa ibabaw ng side table at nilagay sa kandungan ko. “So I have plenty of time to listen to your long story.” Sagot ng pinsan ko at humalukipkip sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya. “Nagkita kami ni Hermes,” sabi ko. Biglang naupo sa tabi ko ang pinsan ko at ang lapit ng mukha niya sa akin. “Ano’ng ginawa ng lalaking iyon sa iyo? Mananagot sa akin ang lalaking pokpok na iyon!” Galit na sabi ng pinsan ko. Sa sinabing iyon ng pinsan ko ay napaiyak ako. Ewan ko ba ang emosyonal ko masyado. Hindi ko nga alam kung ano ang iniiyak ko. Iniiyak ko ba