IYA
Two weeks had been passed when I became one of the exclusive writers of Lovebirds Publishing House. Desmond was there when I signed the contract. At doon ko rin napag-alaman na siya pala ang owner and editor-in-chief ng nasabing publishing house.
At sa unang araw pa lang na iyon, ipinapasa na sa akin ang mga manuscript ko for evaluation. After a week, my editor sent me an email for the evaluation results. Ang two manuscripts na ni-reject sa ibang pub house ay approved, but for revision. And of course, it was better than being returned or rejected.
The following week, natapos ko ang dapat na i-revise sa isang story ko. Lahat ng loopholes and technical issues na nakita ng editor ko, inayos ko. Ayoko rin namang mapahiya si Desmond kung hindi ko naayos ang story ko.
Just a week ago, nang bumalik ako sa LPH para kausapin ang editor ko about my story, ramdam ko agad ang kakaibang pakikitungo ng ibang staffs and editors ng kompanya. May na-meet din akong ibang writers na uma-attitude. Nagtataas ng kilay at umiirap sa akin.
Nang magbanyo ako, doon ko napag-alaman kung ano ang dahilan kung bakit parang malamig ang pakikitungo sa 'kin ng karamihang tao doon.
"I don't know where she came from, pero malapit ang babaeng iyon kay Sir Desmond."
"I bet na kaya lang siya naging writer dito ay dahil sa connection niya kay Sir Desmond."
"Ang sabi ng ibang editors na nag-evaluate ng story niya, cringe-worthy at ang dami raw loopholes. Para ngang napilitan pa sila na for revision ang results kaysa dapat ay rejected na ang mga iyon."
"Wow. Ang lakas din naman talaga ng loob ng lola mo."
"Ano bang magagawa natin? Malakas ang kapit sa taas."
"What's her name again? Guia Castrence Genovia, right?"
Habang nasa loob ng cubicle at narinig ang sinabi ng mga babaeng iyon, hindi ko naiwasang malungkot na ngumiti.
Iyon ang iniisip nila sa akin. Na kaya lang ako naging writer sa LPH because of Desmond. Okay, it was true. Pero, ang husgahan nila ako na para bang ginagamit ko ang lalaki, medyo nakakasakit at nakakasama ng loob.
Nang tanungin ko ang personal editor ko kung talaga bang for revision ang dalawang story ko at hindi rejected...
"Your stories have potentials, Iya. I personally read the plots of the two manuscripts. Kung ang iniisip mo ay ang mga bulungan ng ibang writers and editors, don't mind them. Just focus on writing and do your job."
Iyon na nga lang ang gagawin ko. Besides, they didn't know me. At kaysa patulan pa sila, patutunayan ko na lang sa kanila na mali ang iniisip nila sa akin. Ang sabi nga, the best revenge is through your outcome. Patutunayan ko sa kanila na hindi ko ginagamit si Desmond para lang makapasa ang story ko.
Good thing at hindi kami required na mga writers na pumunta lagi sa LPH. Pupunta lang kami kung kailangan lalo na kung may brainstorming, collaboration with other writers and other writing trainings. So, I don't have to deal with ma-attitude writers and plastic editors. Tsk.
Noong bumalik ako sa LPH, may nakilala na rin akong ibang writers. At may tatlong babae akong pinakanatandaan. Winter, Summer at Autumn ang pen names nila. Dito rin sa LPH nagkakilala at naging magkakaibigan ang tatlo. And so far, sila ang mabait at maayos ang pakikitungo sa 'kin.
Two weeks na rin ako sa loft ni Desmond. And so far, I loved living there. Walang istorbo kaya naman full-volume ang pagpapatugtog ko ng music lalo na sa madaling-araw. Walang nagrereklamo.
At ang isa ko pang nagustuhan dito sa area, may cafe na ten minutes walk lang from my place. The Sweet Cafe. The place was cozy and comfortable. Kahit maliit lang ang cafe, very accommodating ang staffs nila. Kaunti lang din ang tao kaya hindi masyadong maingay. Ang madalas ko ngang kadaldalan ay ang cahier at waiter nila na sina Kaye at Reino.
At nalaman ko mula sa kanilang dalawa na baka raw i-take down ang cafe na ito. May bago na raw kasing may-ari at hindi pa tukoy kung ano ang plano nito sa lugar. Sayang naman kung ipapasara ito. Masarap din naman kasi ang cakes and frappes nila. Alas diyes pa lang ng umaga, tumatambay na ako rito sa TSC bitbit ang laptop ko hanggang sa maggabi. And what I liked the most about this place, wala silang corkage kaya dito ko na rin kinakain ang in-order kong lunch. For my breakfast and dinner, kung hindi instant noodles at de-lata, umo-order din ako sa labas.
Wala akong time magluto lalo na kapag nasa kasarapan ako ng pagsusulat. And actually, tamad lang din talaga akong magluto. At kung magluluto man ako, malamang prito lang ang lutuin ko.
Muli akong nag-type sa laptop ko. Nang matapos kong i-compose ang message ko at ma-attach ang revised manuscript ko sa email, pinindot ko na ang send button na naka-address sa editor ko.
Nakangiting kinuha ko ang strawberry frappe ko at humigop mula sa straw. Done revising one story. Next story naman. Aja, Iya! Kaya mo 'yan! bulong ko sa sarili ko. Yes, self-support!
"Iya?"
Nag-angat ako ng tingin. Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ko.
Ang huling tao lang naman na gusto kong makita ang bumungad sa harap ko. My good-for-nothing ex-boyfriend, Brent dela Cerna.
"Long time no see, Iya. Kumusta?"
Aba'y gago siya! Nakuha pang mangumusta sa 'kin na para bang wala siyang anumang kabalbalan na sinabi sa mga magulang ko noong nakaraan. Tsk.
"I'm good." At ngumiti ako sa kanya. 'Yong ngiting mapang-asar bago ibinalik ang atensiyon ko sa pagsimsim sa frappe ko. Actually, mas better na ako ngayong wala ka sa buhay ko, dugtong ko pa sa isip ko.
Talagang ipinakita ko sa kanyang hindi ako interesadong makipag-usap sa kanya. Pero, mukhang hindi nakahalata ang hudyo. At makapal pa ang mukhang umupo sa katapat kong upuan. Tsk. Asar!
"What brought you here? Ang lugar na ito ay nasa isang private subdivision na mahirap pasukin ng kung sinu-sino lang. I wonder how you get in here."
Hindi ko napigilang magtaas ng isang kilay bago mahinang bumulong. "I wonder how you get in here, too. Ang alam ko kasi ay hindi basta-basta nagpapagala ng animal sa lugar na ito."
"Anong sabi mo?"
I shook my head, grinning. "Ang sabi ko lang, masarap kasi ang frappe nila dito. Masarap ding tumambay," sabi ko na lang. Hindi niya puwedeng malaman na dito sa area na ito ang loft na tinutuluyan ko ngayon.
"Ikaw ba? Bakit ka napadpad sa lugar na ito?" kunwari ay interesadong tanong ko.
"I have a friend in this area."
Wow. A friend. I wonder if it's a girl friend or a boy friend.
Hindi ko na lang iyon isinatinig pa at tumango na lang. Hindi ko na siya kinausap para naman makahalata siya na hindi ko gusto ang presence niya sa harapan ko.
"So, what keeps you busy these days? May work ka na ba?"
Being dumb and jerk as he is, hindi pa rin natinag ang hayop. At ang kapal pa ng mukha na makipag-usap sa 'kin na para bang magkaibigan kami. Haler! Ex-girlfriend here!
Kahit ang sarap niyang buhusan ng frappe at layasan, nakuha ko pa ring ngumiti sa harap niya. Kung kaya niyang umakto na walang gaguhan na nagyari sa pagitan namin, kaya ko rin! Ako pa ang hinamon niya? Tsk.
"Yes, may work na ako. At iyon ang pinagkakaabalahan ko ngayon."
He nodded. "What work?"
"Writing," I simply answered. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin na fiancee ako ng isang stranger. And besides, pagsusulat naman na talaga ang pinagkakaabalahan ko ngayon.
"You're really pushing it, huh?" nakangising pahayag niya.
Asar 'yong ngisi niya. And the way he said those words, as if he was belittling me. Again. What a real dumbass!
Ibinaba ko sa mesa ang basong hawak ko. Mahirap na at baka maitapon ko pa sa ngising-aso niyang mukha ang laman nito. Sayang naman ang frappe ko.
"Are you really serious about that writing? Wala kang future diyan."
Mariin kong ikinuyom ang mga kamay ko, pero pinanatili ko pa rin ang composure ko kahit kating-kati na akong kalmutin ang pagmumukha niyang hindi naman kagwapuhan. Oo. Ngayon ko na-realize ang totoong kulay at hitsura niya. Ang pangit na nga ng ugali niya, ang pangit pa ng pagmumukha niya!
I'm f*****g serious about writing. Dapat nga ay itong pagsusulat ang sineryoso ko noon kaysa sa 'yo. At kung wala akong future sa pagsusulat, mas lalong wala naman akong future sa 'yong gago ka!
I didn't answer and just smiled sweetly at him.
Nagkibit-balikat siya. "Huwag mo sanang masamain ang sinasabi ko sa 'yo, Iya. Concerned lang naman ako sa 'yo."
Fuck you and your damn concern, jerk!
Kahit nanggagalaiti na ako sa gagong kaharap ko, pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Kalma lang, Iya. Hayaan mo siyang pumutak nang pumutak.
I crossed my arms over my chest, leaning my back on my chair. "I don't mind. And thanks for your unneeded concern, anyway," sarkastikong sagot ko.
Pumalatak siya at umiling-uling. "Ang tigas din talaga ng ulo mo. Alam mong iyang pagsusulat mo ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo magkasundo at nauwi sa hiwalayan ang relasyon natin."
That was the last straw.
"If you don't mind, could you please get lost and get out of my sight? I'm seriously working here and you're a bad distraction. Whatever I do right now is the least of your concern. And I would really appreciate it if you won't ever appear on my sight again," mariing pahayag ko habang matalim ang ibinabato kong tingin sa kanya.
Seriously? What the hell is his f*****g problem? Mahigit isang buwan na kaming hiwalay at ngayon pa siya pumuputak nang ganyan sa akin? Tsk.
Kaya kong i-tolerate ang pagmamaliit niya sa pagsusulat ko, pero ang isumbat niya sa akin iyon na isa sa dahilan daw ng paghihiwalay namin ang hinding-hindi ko mapapalagpas. He made it sound that it was all my fault where in the first place, it was his f*****g fault!
Nakipagsukatan siya ng tingin at hindi ko naman siya inurungan. Good thing at bukod sa aming dalawa at kay Kaye na nasa likod ng cashier machine, isa lang ang customer na nandito sa cafe at medyo malayo sa kinaroroonan namin kaya hindi nila naririnig ang sagutan at namumuong tension sa pagitan namin ni Brent.
Bago pa man siya makapagsalita, tumunog na ang phone ko na nakapatong sa mesa. Dinampot ko iyon at lihim na nagpasalamat nang makita kung sino ang tumatawag sa akin. Thank you, Desmond! You saved me!
"Excuse me lang. Tumatawag na ang boss ko," sabi ko muna kay Brent bago sinagot ang tawag. "Hello, boss," sagot ko sa kabilang linya.
"Boss?"
Bahagya akong tumagilid at bahagyang tinakluban ang bibig ko. "Sumakay ka na lang muna sa acting ko," bulong ko na ang tanging kausap ko sa phone ang makakarinig. Nakatingin pa rin kasi sa akin ang ex ko at hindi pa rin umaalis.
On the contrary, boss ko pa rin naman talaga si Desmond dahil siya ang owner at editor-in-chief ng LPH.
"Malapit ko na matapos ang pinapagawa mo sa 'kin, Boss. Medyo naistorbo lang kasi kaya medyo naantala," sabi ko at sadyang ipinarinig iyon kay Brent.
Kung hindi pa rin siya nakakaramdam na pinapalayas ko na siya, aba'y ewan ko na lang talaga.
Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong nagsalubong ang kilay ni Brent bago tumayo. Narinig ko pa siyang nagpaalam, pero hindi ko na iyon pinansin pa hanggang sa tumalikod na ang lalaki at naglakad palayo.
I sighed in relief. "Umalis din."
"Is everything okay, Iya?"
Bumalik ang atensiyon ko sa kausap sa phone. "Okay naman, Desmond. May istorbo lang kanina, pero umalis na rin siya," sagot ko. "Anyway, bakit ka pala napatawag? May kailangan ka?"
"I have a favor to ask."
"Ano 'yon?"
"If someone come to you and knock on your door, tell him to call me. Iyon lang ang sabihin mo sa kanya."
"Someone? Is this someone as good-looking as you?" kunot-noong tanong ko.
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Yes, you can say that. He's someone as good-looking as me."
Kahit hindi ko nakikita si Desmond, napatango ako. "Okay. Magaling naman akong kumilatis ng hitsura ng isang lalaki. Hayaan mo. Sasabihin ko sa taong iyon ang pinapasabi mo."
"Thanks, Iya. Nag-dinner ka na ba?"
"Magdi-dinner pa lang. Uuwi na ako sa bahay at magpapa-deliver na lang ng food doon."
It was only six-thirty in the evening. Maaga talaga akong mag-dinner dahil maaga rin akong natutulog. Mga eight or nine ng gabi, mahimbing na ang tulog ko at gigising naman ako nang maaga para simulan ang pagsusulat. Mas gumagana kasi talaga ang isip at imahinasyon ko ng mga alas tres ng madaling-araw. With matching loud music.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Desmond sa phone, inayos ko na rin ang gamit ko at tumayo. Lumapit ako sa puwesto ni Kaye at nagpaalam na uuwi na.
~~~
"Are you really serious about that writing? Wala kang future diyan."
"Argh! Bwisit na lalaki 'yon!" I exclaimed, groaning in frustration.
Imbes na makapagsulat ako, walang mga eksenang pumapasok sa utak ko. Para bang inaatake ako ng writer's block. And what's worse? Ang nakakainis at pangit na mukha pa ng ex ko ang lumilitaw sa isip ko habang umaalingawngaw sa utak ko ang mga sinabi niya nang magkita kami sa cafe kagabi.
Naiinis na tinanggal ko ang headphone ko at tumayo mula sa pagkakadapa sa kama. I need to do something before Brent dela Cerna ruined my entire writing mood!
Bumaba ako sa sala at binuksan ang flatscreen TV at inilabas ang magic sing. Sa mga nakalipas na madaling-araw, panay lang ang pagpapatugtug ko ng music na alam kong nakakatulong sa akin para makapagsulat. Ngayon lang ako kakanta. And I need this to release my stress and writer's block!
At alam ko ang kanta na nababagay kapag ganitong ang ex ko ang naaalala ko. May isang kanta na ako na dedicated sa hayop na iyon. Kaya naman nang nasa chorus na, bigay-todo akong bumirit na para bang miyembro rin ako ng Aegis sa kanta nilang Sayang na Sayang habang nakatapat ang mic sa bibig ko.
"Sayang na sayang talaga! Dating pag-ibig na alay sa iyo... Sayang na sayang talaga! Pagmamahal na 'di ko makakamtan sa iyo..."
It was past three in the morning. At naka-full volume pa ang pagkanta ko kaya naman talagang yumayanig ang malakas na tugtog sa buong kabahayan. At wala akong pakialam! Wala namang magrereklamo. Right now, I owned this area alone. Kakanta ako hanggang gusto ko!
At bumirit nga ulit ako sa pangalawang chorus. Feel na feel ko na ang pagkanta ko nang makarinig na lang ako nang malalakas na pagkalampag sa pinto.
Kumunot ang noo ko at napatigil sa pagkanta. Muling malalakas na pagkalampag mula roon na para bang may balak talagang sirain ang pinto ng bahay ko.
Tumingin ako sa digital clock na nakadikit sa pader. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas nang tumawag ako sa Mcdo para um-order ng breakfast ko. Dumating na ba agad? Kung delivery iyon, bakit parang galit kung kumatok?
Bago pa man iyon tuluyang masira ng taong nasa likod ng pintong iyon, ibinaba ko ang hawak na magic sing mic at tinungo ang pinto. Kasabay nang pagbukas ko ng pinto ang pagtatapos ng tugtog na kinanta ko.
The moment I opened the door, ang walang saplot at nakahubad na dibdib ang bumungad sa mga mata ko. Ilang segundo rin yata akong nakatitig doon bago wala sa sariling mas bumaba pa ang tingin ko. Imbes na pataas ang tingin ko, hindi ko mapigilan ang mga mata kong tumingin paibaba. And my mouth formed an 'O' when I saw the six-pack abs. And not to mention the eye-popping v-line shape abs sa may abdomen pababa sa...
"Eyes on me, Miss." Narinig kong sabi mula sa baritonong boses ng lalaki mula sa harap ko.
His voice sounded so husky and sexy. Kagaya ng matipunong katawan niya.
Tumango ako. "Uh-huh. My eyes are on you," parang nahihipnotismong sambit ko nang hindi inaalis ang tingin sa abs ng taong nagsalitang iyon.
Ang ganda ng katawan niya. Ang tangkad pa niya. Malaki at mahaba rin kaya ang ano niya?
Bago pa man tuluyang mapunta sa pinakaibabang parte na bahagi ng katawan ng lalaking nasa harapan ko ang mga mata ko, partikular na sa pagitan ng mga hita niya, may kamay nang humawak sa baba ko at itinaas iyon.
"I'm up here."
I was greeted by a pair of hazelnut eyes when I met his gaze. His eyes were so dark and deep that I almost drown on it.
Halos manlaki at mamilog ang mga mata ko nang matitigan ang mukha ng taong nakatayo sa labas ng pinto. The man with the Greek God body in front of me was so gorgeous and oozing with s*x appeal! Akala ko sa mga nobela ko lang mababasa at mabi-visualize kung gaano kaguwapo ang mga bidang lalaki. Seeing this man in front of me, words to describe the hero in a story was understatement and it didn't do him any justice.
Ooohhh-lalam. Literal na ulam talaga! Kanin na lang ang kulang at mukhang mabubusog ako ngayong madaling-araw.
Bigla rin akong natigilan sa itinatakbo ng utak ko. Teka lang. Ang in-order ko for breakfast ay pancake at hot choco. Pero, bakit parang hot oppa with six pandesal ang dumating?
Napansin ko ang mas lalong pagkunot ng noo ng guwapong lalaki at ang pagdidilim ng mukha niya.
"Who the f**k are you?"