CHAPTER 4

1975 Words
IYA "Ano ho, Ate Lylia? Pakiulit n'yo nga ho ang sinasabi n'yo?" tanong ko sa landlady ng apartment na tinutuluyan ko. Huminga nang malalim si Ate Lylia bago sumagot. "Gaya nga nang narinig mo, Iya, maghanap ka na ng ibang malilipatan mo dahil pumunta sa akin ang ibang tenants at inirereklamo ka na nila sa akin dahil sa ingay na nagmumula sa unit mo." Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit ngayon lang sila nagrereklamo?" Tatlong oras pa lang akong nasa labas at nagpunta ng bangko pagkatapos pagbalik ko ay ito na ang ibubungad sa 'kin ng landlady ko? At nitong mga nakaraang buwan lang naman ako nagpapatugtog nang malakas sa madaling-araw dahil iyon ang mga oras na gumagana ang braincells ko para makapagsulat. Wala akong narinig na reklamo sa ibang tenants. At kung tutuusin, mas malakas pa ngang mag-ingay ang katabing unit ko. Ultimo ungol nila na may ginagawang kababalaghan ay naririnig ko sa kalaliman ng gabi. At hindi ako nagreklamo! "Sa ngayon lang nila naisipang magreklamo, eh." Di-makapaniwalang napatitig ako sa landlady. Anong ngayon lang nila naisipang magreklamo? Binati pa ako ng nangungupahan sa katapat kong unit kanina bago ako umalis. Kung may issue sa 'kin iyon, sasabihin niya ang tungkol sa pag-iingay ko. "Kahit na ho. Hindi naman tamang paalisin n'yo na lang ako basta-basta sa ganyang rason lang." Humalukipkip si Ate Lylia at muling nagsalita. "Move out tomorrow morning, Iya. May ibang taong lilipat at mangungupahan sa unit mo." I gasped loudly. Nanlaki rin ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. "Ano ho? Pinapaalis n'yo ako dahil lang may ibang lilipat sa unit ko? Nagbayad na ho ako sa inyo ng three months na renta!" "Alam ko. Pero, ang bagong lilipat ay nag-advance na sa akin ng isang taon at ang unit mo talaga ang nagustuhan niya. Hindi na ako nakatanggi dahil alam kong mapapakiusapan naman kita," pagdadahilan niya. Kung ibang bagay ang ipapakiusap niya sa 'kin, baka madali pa akong mapakiusapan. Pero, taena naman! Ang tinutuluyan ko ang pinag-uusapan dito! "Kung ang inaalala mo ay ang advance p*****t na binayad mo sa 'kin, 'wag kang mag-alala. Ibabalik ko sa 'yo 'yon nang buo at walang kulang." Hindi rin ang advance p*****t ang inaalala ko. Mas pinoproblema ko ay kung saan ako lilipat kung paaalisin ako dito! Nang akmang tatalikod na ang landlady, mabilis akong lumapit at pinigilan siya sa braso. "Sandali naman, Ate Lylia. Maayos pa ang usapan natin kahapon nang magbayad ako sa inyo ng renta ko. Bakit biglaan n'yo naman akong paaalisin at ang idadahilan n'yo pa sa 'kin ay dahil may nagreklamong tenants at may ibang taong lilipat sa unit ko? Hindi tama 'yon. At kung sino man 'yang nagkakainteres sa unit ko, dapat sinabi n'yong hindi available ang unit ko dahil occupied ko na iyon." Muling huminga nang malalim si Ate Lylia bago naiinis na tumingin sa akin. "Ang kulit mo naman, Iya. Wala na nga akong nagawa dahil talagang gusto niyang kunin ang unit mo kaya ibinigay ko na." Siya pa talaga ang may ganang mainis? Tsk. "Kaya bukas na bukas din ay mag-empake ka na at umalis sa unit. Dahil kung hindi, ako mismo ang magbabalot ng mga gamit mo at ilalabas iyon." Iyon lang at kumawala siya sa pagkakahawak ko at nagmartsa paalis. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Ilang beses din akong kumurap-kurap hanggang sa mapakla akong tumawa. Wala sa sariling umakyat ako sa third floor ng apartment building at tinungo ang unit ko. Pagkapasok ko pa lang, nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto at unti-unting napadausdos hanggang sa pasalampak akong naupo sa sahig. Wow! Nagkaroon nga ako ng "trabaho", pero ang kapalit naman no'n ay ang pagkawala ng matutuluyan ko. Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng unit ko. Maliit lang iyon kung tutuusin, pero kumpleto naman sa gamit. May maliit na kusina, banyo, sala at isang kuwarto. Fully-furnished ang unit kaya talagang mga damit at personal belongings lang ang bibitbitin ko kung sakaling umalis ako. Mahigit isang taon na rin akong naninirahan dito at accessible dahil malapit lang ito sa dati kong pinagtatrabahuhan. Kung aalis ako, saan naman ako tutuloy? Ayoko namang umuwi sa 'min sa Cavite dahil siguradong magtatanong ang mga magulang ko sa biglaan kong pag-uwi lalo na't alam na nilang may bago na akong "trabaho". Iyon nga lang, hindi nila alam ang totoong trabaho na pinasok ko. Hindi ko kasi sinabi na magiging exclusive writer ako sa isang publishing house dahil paniguradong tututulan nila iyon lalo na ng nanay ko. At mas lalong hindi ko puwedeng sabihin na engaged to be married na ako sa isang estrangherong lalaki na boss ni Desmond. Natigilan ako at parang may kung anong liwanag akong nakita nang maalala ang lalaki. Si Desmond... Baka matulungan niya ako sa dilemma ko ngayon. Baka may alam siya na puwede kong malipatan. And besides, siya na rin ang nagsabi sa akin no'ng nakaraan na tawagan ko siya kung may kailangan ako sa kanya. At nasa kontrata rin na pinirmahan ko that anything and everything I need – even if it’s financial, will be provided by my fiancé. Without thinking twice, I took my phone and dialed Desmond's number. Three rings and he picked up my call. "Desmond, I need your help." ~~~ Halos mapanganga ako nang tumambad sa akin ang isang katamtamang laki ng bahay. Labas pa lang, nakakaakit ng tingnan ang white and grey house na nasa harapan namin ngayon. May maliit na garden na napalilibutan ng bermuda grass ang harapan nito. Nang tawagan ko si Desmond kahapon at hingan siya ng tulong sa malilipatang apartment, dalawang pangungusap lang ang sinabi niya sa 'kin. "Pack your things. I'll pick you up tomorrow morning." Hindi naman ako nahirapang mag-empake. Kasya sa dalawang malaking maleta ang mga gamit ko. At akala ko naman, sa isang apartment building ako dadalhin ni Desmond o 'di kaya sa isang condo. I didn't expect that he would bring me in a house in a private subdivision. "This is my loft-style house. Hindi ko na siya natitirhan kaya puwede ka ritong tumuloy, Iya." Wow. Hindi lang basta house. Loft-style house. Sosyalin! Nilingon ko si Desmond na nakatayo lang sa tabi ko. "Sigurado ka? Patutuluyin mo ako dito sa loft-style house mo?" Nagkibit-balikat lang siya. "It wasn't a big deal. I have my own penthouse at doon ako tumutuloy. Sayang naman itong loft ko kung walang titira. Let's get inside." At hinila na niya ang isang malaking maleta ko. Walang salitang sumunod naman ako sa kanya habang hila-hila rin ang isa ko pang maleta. When we get inside his house, I literally froze on my feet and my mouth fell open. I was in awe. Ang magandang sala ang unang bumungad sa akin habang may hagdan pataas kung nasaan ang kama at study table. Nasa ibaba naman nito ang kitchen. The room was like an attic. Kumpleto rin sa lahat ng gamit ang bahay. He wasn't kidding when he told me that this is a loft-style house. "I hope you like this place." No, I don't like it. I love this place already! "It's quiet here and safe. And I'm sure, makakapag-isip kang mabuti lalo na para sa mga isusulat mong nobela." Indeed! Mukhang makakapag-focus nga akong mabuti sa pagsusulat ko rito. "Every week ay may pumupunta dito to clean this house, si Mae. I'll inform her that you will be staying here for the meantime." Tumango ako. "Feel at home and use all the things here. At kung may iba ka pang kailangan, sabihan mo lang ako." Napatango na lang ako habang amaze na amaze pa rin ako sa bahay niya. Nang makabawi ako sa pagkamangha, naglakad ako sa may balkonahe at hinila ang sliding door. Katapat lang nito ang balkonahe ng kabilang bahay. Nilingon ko si Desmond. "May nakatira ba sa katabing bahay na 'to?" Ang katabing bahay lang ang pinakamalapit dito sa bahay ni Desmond. Ang ibang bahay na nadaanan namin ay medyo malayo na sa bahay niya. Lumapit sa kinatatayuan ko ang lalaki at tinanaw ang katabing bahay. "As of now, there's no one living there. It was my best friend's. Napakadalang niyang umuwi diyan dahil nasa ibang bansa ang buhay niya." Tumango-tango ako. It means, wala pala akong kapitbahay. "Okay lang ba na mag-ingay dito? I mean, wala bang magrereklamo kung magpatugtog ako ng music?" tanong ko bago napakamot sa pisngi ko at alanganing ngumiti. "Sa dati ko kasing apartment, inireklamo raw kasi ako ng ibang tenants dahil malakas akong magpatugtog. Tapos ang isa pang dahilan ay dahil daw may ibang taong nagustuhan ang unit ko." "You don't have to worry about it. Walang tao sa kabilang bahay kaya most probably, walang magrereklamo. Malayo rin ang ibang bahay dito. You don't have to hold back if you want to play loud music." That was good to hear. Talagang solo ko ang area dito. Walang magrereklamo kung mag-ingay ako nang bongga! "Treat this house as your own, Iya." Umiling ako at ibinalik ang tingin kay Desmond. "No. I'll rent this house. Ang dami mo nang naitulong sa akin. Nakakahiya naman kung aabusuhin ko ang kabaitan mo. Maghuhulog ako buwan-buwan o ikaltas mo na lang sa pasuweldo mo ang upa ko rito." Mataman siyang tumingin sa akin at hindi naman ako nagbawi ng tingin. Ipinakita ko sa kanyang desidido talaga akong rentahan itong bahay niya. And as if he knew that I won't accept his offer, he sighed, defeated. "Okay. Ibabawas ko na lang sa suweldo mo ang upa mo rito." Matamis akong ngumiti sa kanya. "Thank you." "Okay ka na ba rito? Do you need any help? Should I send someone to help you unpack your things?" I shook my head. "No need, I can manage. Dalawang maleta lang naman ang aayusin ko. At ayoko nang makaistorbo pa ng ibang tao. Sobra na ang pang-aabala ko sa 'yo." "Nonsense," he dismissed. "Anyway, if you're okay, I'll be leaving. May meeting ako in two hours. I'll leave this place in your hands." At iniabot niya sa akin ang susi at access card ng bahay niya. "I'll be back and pick you up on Monday morning." "Monday morning?" takang tanong ko. Tumango siya. "Yes. For contract signing. You will be an exclusive writer in Lovebirds Publishing House starting on Monday." Halos matulala ako sa sinabi niya. Lovebirds Publishing House? That was the most popular and top publishing house in the country. Their books were always best-selling in bookstore nationwide especially in fiction novels. At marami rin silang best-selling authors doon. At sa kanila ako magsa-sign ng contract? Magiging exclusive writer nila ako? OMG! Lord! Thank you! Thank you dahil ipinakilala mo sa 'kin ang isang Desmond Garrett Herrera sa buhay ko! Isa siyang anghel na hulog ng langit. "Puwede bang ikaw na lang ang pakasalan ko? Ideal man ka, eh," wala sa sariling nasambit ko. Grabe ang saya at tuwang nararamdaman ko ngayon. Desmond laughed and ruffled my hair gently. "Bawal sa kontrata. Besides, tinutupad ko lang ang kasunduan natin. You did your part and it was my turn to do mine. Magkita na lang tayo sa Monday." Muli akong ngumiti nang matamis at tumango-tango. "Sure. I'll do my best and work hard para naman hindi kita mapahiya sa LPH at sa boss mo na mapapangasawa ko." Iyon lang talaga ang magagawa ko para sa mga kabutihan na ibinibigay sa 'kin ni Desmond ngayon. I need to work hard and do my best right now. He smiled back. "I know. At alam kong hindi rin ako nagkamali sa pagpili ko sa 'yo, Iya." Nang tuluyang makaalis si Desmond, hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman kong tuwa at saya. Impit akong tumili at nagtatalon na parang bata. Nagpaikot-ikot din ako hanggang sa tumakbo ako paakyat sa hagdan at pabagsak na humiga sa malambot na kama. Muli akong ngumiti nang malapad. Yes! This is life!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD