CHAPTER 2

2823 Words
IYA   "Pardon?"   He smiled. "I know you heard me loud and clear, Ms. Genovia. But, I'll repeat it for you. My job offer for you is to be a wife."   Pagkatapos kong makatanggap ng three job rejections, nandito ako ngayon sa isang exclusive polo club, kausap at kaharap ang lalaking nagpakilalang Desmond Garett Herrera. Siya ang lalaking tumawag sa 'kin kahapon for a job offer. At hindi ko naman akalain na kakaibang trabaho pala ang iaalok niya.   "I know. What I mean is, your wife?" pagkumpirma ko. I know his job offer was absurd. But, on second thought, mukhang hindi na rin masama kung siya nga ang magiging husband ko.   The man in front of me was a good-looking one. Papasa na nga siyang artista o modelo. He seemed smart, too. The way he talked and delivered his words, it was really kinda smart-thing - or maybe it had something to do with the glasses he was wearing. He also had this nice and good aura around him. Siguro dahil naman iyon sa maaliwalas at friendly niyang ngiti. Kanina nang makaharap ko siya at magpakilala, may nakahanda na agad siyang matamis na ngiti. And during our casual conversation earlier while eating lunch, he always had this bright smile on his lips. Kaya kahit papa'no, naging at ease ako at komportable sa pakikipag-usap sa kanya. Until he opened up this job offer thing.   "No. Actually, my boss' wife."   I frowned at him. His smile widened in response.   So, he was looking for a wife for his boss, not for himself. Ano ba ang boss niya? Walang kakayahang manligaw at maghanap ng mapapangasawa kaya siya ang gumagawa para rito?   "I'm offering you a job, Ms. Genovia. It means, I'll pay you as my boss' wife. And don't worry. It would only last for a year."   "You mean, it's contractual?" I asked, frowning even more. "You know, 'yong term na ginagamit kapag hindi regular ang position sa trabaho." "Yes, similar to that. You'll be his wife for only a year."   Napaisip ako. Isang taon akong magiging asawa ng boss niya. After that, tapos na. Kumbaga sa trabaho, terminated na ang kontrata. No extension or absorption.   "This is a real job, Ms. Genovia. The marriage will take place as soon as my boss finished his business in France. It means you will be engaged to him until he comes back here in the country. And by then, you’ll get married to him and be his wife."   "For a year," I added.   "Exactly."   “Kailan babalik ng bansa ang boss mo?”   “No exact date yet. Inaabot ng isa hanggang tatlong buwan ang pag-aasikaso ng business niya. Depende rin kung gaano siya katagal kailangan sa trabaho. But, the last time I checked on him, he told me that he’d stay there longer than he expected. So, baka abutin pa siya ng ilang buwan doon.”   Okay. So, may ilang buwan pa ako bago maikasal kung saka-sakaling tanggapin ko ang iniaalok niya.   "Since this is a job, may job description din ba ito? You know, mga kailangan kong gawin kapag tinanggap ko ang trabahong ito."   Mula sa briefcase na dala niya, may inilabas siyang folder at iniabot iyon sa akin. “This is the contract. Its effectivity will last until you are engaged to my boss. You may review and check on it.”   Wow. Hindi naman siya prepared, ano? sarkastikong bulong ko sa sarili ko.   Kinuha ko iyon at binuksan ang folder. At nang pasadahan ko ng tingin, six items lang naman ang nakalagay roon. Binasa ko iyon.   1. Anything and everything you need – even if it’s financial, will be provided by your fiancé. 2. You could do anything and live the way you wanted – as long as it is legal and won’t harm you and your fiancé’s name.   3. Don’t get into any form of relationship with other guys. 4. Be cooperative when needed. 5. You couldn’t ask anything PERSONAL and CONFIDENTIAL about your fiancé – at least until he comes back. 6. Respect his privacy as much as he would respect yours.   “The next page will be a non-disclosure agreement that you have to sign to protect my boss’ privacy and identity.”   Oh? May gano’n pa?   “Once you signed those papers, you will be officially engaged to my boss. And you will be provided another contract before you get married to him once he returned.”   Okay. After reading the contract, it sounds so easy. And I don’t have any complain in items one to four. At mukhang pabor pa nga sa ‘kin ang mga iyon. The only problem is, I will be engaged to a total stranger!   I took a deep breath. "Puwede ko bang pag-isipan muna?"   "Sure." Tumingin siya sa wristwatch niya. "I'll give you five minutes to think about it."   I looked at him, forcing a smile. "You're not serious, are you?"   He just gave me a sweet smile in response.   My eyes widened and my jaw dropped. I couldn't believe it. Is he for real?   When he pointed his index finger on his wristwatch - as if telling me that my time was running - it was a confirmation that he was really serious about it.  No choice tuloy ako kundi mag-isip na ngayon.   Mae-engage ako sa taong hindi ko kilala. And when he returned, we will get married. Even if it would only last for a year, marriage is still a marriage. And marriage was not a damn joke.   "Four minutes left."   Pa'no kung masamang tao pala ang boss niya? Pa'no kung sangkot pala sila sa mga ilegal na gawain - na 'wag naman sana dahil wala sa hitsura ng taong kaharap ko - ang mapapangasawa ko? Pa'no kung gawin lang akong parausan o s*x slave? Baka hindi pa man ako tumutuntong sa edad na treinta, malosyang na 'ko.   "Three minutes."   Being engaged with a stranger is one thing. To get married and be his boss’ wife is another! A one-year contract to be his boss' wife, to be exact. Kakayanin ko naman siguro iyon, 'di ba? But, what about my parents? Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang magpapakasal ako sa taong hindi ko kilala? Kahit may mga bagay na hindi kami napagkakasunduan, naniniwala pa rin sila na ang kasal ay sagrado at ginagawa ng mga taong nagmamahalan. Malamang kutusan ako ng tatay ko kapag nalaman niyang nagpakasal ako dahil lang sa kailangan ko ng trabaho. And worse, baka itakwil pa nila ako lalo na't hindi ko kilala ang taong pakakasalan ko.        "Two minutes."   Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Well, he looked decent and really nice guy. But, looks can be deceiving most of the times. What if mga sindikato pala sila? What if leader ng isang dangerous syndicate o mafia gang ang mapapangasawa ko? Dapat ba akong maniwala na hindi lang basta bogus itong iniaalok niya sa 'king trabaho? I don't have any slightest idea who are these people in the first place!   "One minute."    Mas lalo akong nahirapang mag-isip dahil sa pagta-timer niya. Pumikit ako at hindi siya masyadong pinagtuunan ng pansin. Habang wala pa ang boss niya – for the meantime, ang pagiging fiancée lang ng boss niya ang magiging trabaho ko. He sounded as if it was a simple task, but is it really that simple? Would it really be easy for me? Or would it be hard?   At hindi ko iyon malalaman kung hindi ko tatanggapin ang trabahong ino-offer niya.   "Time's up." Mula sa wristwatch niya, nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako. "What's your decision, Ms. Genovia?"   Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago matamang tumitig sa kanya. "Pa'no ako makasisiguro na totoong trabaho ang iniaalok mo sa 'kin, Mr. Herrera?"   Dinukot niya ang mamahaling smart phone mula sa loob ng suot niyang suit at iniabot sa 'kin. "Type your bank account number here."   Naguguluhan man, sinunod ko na lang ang sinabi niya. Pagka-type ko ng account number, ibinalik ko sa kanya ang phone niya. May pinindot siya roon bago may tinawagan. Ilang sandali pa, may kausap na siya sa kabilang linya. "Did you get it? Send it now."   Pagkatapos putulin ang tawag, muli siyang sumulyap sa direksyon ko. "Check your bank account, Ms. Genovia."    I took my phone, logging in to my bank application. My eyes widened and my jaw dropped when I saw the huge amount on my bank account. The last time I checked, limang libo lang ang laman nito. Right now, not only five, but six f*****g digits were on my available balance. One hundred f*****g thousand pesos were transferred to my bank account!   Kumurap-kurap muna ako para masigurong hindi ako namamalik-mata lang sa amount na nakikita ko. Nang hindi iyon nagbago at talagang may malaking pera sa account ko, naguguluhang nag-angat ulit ako ng tingin sa kausap ko.   "W-what's this?" naguguluhang tanong ko.   "The proof you are looking for," he simply stated.   Muli akong tumingin sa screen ng phone ko at pinakatitigang mabuti ang mga numero. Shemay! The numbers were very attractive and tempting. Mabubuhay na ako ng ilang buwan o isang taon nang hindi nagtatrabaho.   "This job is not a joke or even a scam, Ms. Genovia. Just like a regular job, you'll get paid monthly."   Mas lalo yatang namilog ang mga mata ko. Bukod sa perang nasa account ko ngayon, makakatanggap pa ako ng pera kada buwan kapag tinanggap ko ang pagiging fiancée – na kalaunan ay pagiging asawa – ng boss niya.   "And treat that amount as a signing bonus."   Mariin akong pumikit at inipon ang lahat ng hangin na kaya kong ipunin bago iyon pinakawalan. Nagmulat ako at diretsong tumingin sa mga mata ng lalaking kausap. "Deal."   ~~~   Halos mapanganga ako sa pagkamangha nang makita ang mga nagkikinangang accessories sa isang jewelry shop. Ang daming naka-display na mukhang mamahaling mga singsing, kuwintas, bracelet at hikaw. According to Desmond, this boutique was owned by her friend named Aerie Kith Umali.   Pagkatapos kong tanggapin ang trabahong inialok sa akin kahapon, isang kondisyon lang ang hiningi ko kay Desmond. Ang makapagtrabaho sa isang publishing house. Talagang pangarap kong i-pursue at palawakin pa ang pagsusulat ko kaya kinuha ko na rin ang opportunity na iyon. Kung magiging asawa rin lang ako ng taong hindi ko kilala, mabuti na rin iyong may mapakinabangan ako.    Hindi naman ako nahirapan dahil pumayag agad si Desmond sa gusto ko. Pagkatapos no'n, “nagtrabaho” na kami. Hindi na rin namin kailangan maging pormal sa isa't-isa at ituring ko na raw siyang isang kaibigan. Kaya naman nickname basis na kami ngayon.   And for the first task, he asked for photos of me. He asked for as many as I could give him. He needed it to manipulate my pictures with his boss. Kung magpapanggap din naman daw kaming engage couple, dapat daw ay maging makatotohanan kahit papa’no. And he needed it for some matters.   Hindi na ako nagtanong pa dahil baka confidential. And based on my contract number five, I couldn’t ask anything personal and confidential about my fiancé. Biniro ko pa nga siya na baka sa mga porn site lang niya ia-upload ang pictures ko. But, I doubt it. Kahit saglit ko pa lang nakikilala si Desmond, alam kong hindi niya gagamitin ang mga larawang iyon sa masasamang bagay.      According to Desmond, sa France nakabase ang fiancé ko at nandoon ang buhay at business nito. So most probably, lahat ng hihilingin ko at kakailanganin ko sa estrangherong mapapangasawa ko, sa kanya dadaan at siya ang magsasabi sa lalaki.   Nang sunduin ako ni Desmond kanina, sinabi niyang naipadala na ang mga kontratang pinirmahan ko sa fiancé ko. So technically, engaged na talaga ako ngayong araw sa lalaking hindi ko pa man din nakikita at nakikilala. He was a total stranger to me!      At kaya rin kami nandito ngayon sa jewelry shop ay para bumili ng singsing. Dahil engaged na kami ng boss niya, nararapat lang daw na may engagement ring ako. I told him I wanted a matching pair couple rings kaya naman ay hinayaan ako ni Desmond na pumili ng singsing para sa fiancé ko. Hindi pa kasi ito uuwi at ipapadala na lang daw niya ang singsing sa lalaki.   Nag-iikot-ikot na ako sa loob at tumitingin ng singsing. Sabi pa ni Desmond, pumili lang ako ng gusto ko at huwag daw alalahanin ang presyo ng mga iyon. Mukhang gano'n na nga ang gagawin ko dahil kahit anong tanong ko kay Aerie kung magkano ang singsing, isang matamis at makahulugang ngiti lang ang isasagot nito sa akin. Wala kasing mga presyo ang mga singsing na naririto sa mga display.   Ilang sandali pa, napukaw ang tingin ko ng isang pares ng gold infinity ring. May ilang diamonds sa ibabaw niyon. The design was simple, yet elegant. And I couldn't take my eyes off to those rings.   Sabi ko noon sa sarili ko, kapag na-engage ako, infinity ring ang gusto ko as my engagement ring. At ang gusto ko, sabay kaming pipili ng mga singsing namin. It happened. Iyon nga lang, ako lang ang pipili ng singsing para sa amin ng stranger fiancé ko.   Naramdaman ko ang pagtayo ni Desmond sa tabi ko. "Iyan na ba ang napili mo?"   Tumango ako nang hindi man lang siya nililingon. "Alam kong hindi ko puwedeng malaman ang name ng fiancé ko, but can I ask for his initials?"   Nag-angat ako ng tingin at binalingan ang katabi ko. Mababakas ang pagtataka sa buong mukha niya. Alanganin akong ngumiti. "Uhm, I only want a remembrance from him. That I got engaged. Gusto ko sanang ilagay ang initials ko sa singsing niya at initials naman niya sa singsing ko."   I know it sounds romantic and cheesy, pero iyon talaga ang gusto ko sa engagement ring ko pati na rin sa wedding ring ko. Kahit walang romantikong namamagitan sa amin ng mapapangasawa ko at hindi ko siya kilala, gusto ko kahit papa'no, may something na mag-uugnay sa amin kahit sa initials man lang.    Ilang sandali ring nakatingin sa 'kin si Desmond at hindi sumagot. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Baka kasi bawal at labag sa kontrata namin. At baka ayaw rin iyon ng mapapangasawa ko.   Pilit akong tumawa at napakamot sa pisngi ko. "Kung hindi puwede, okay lang naman. Kahit ‘wag na-"   "KG."   Bahagya akong natigilan at naputol ang anumang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. "Ha?"   He smiled at me. "KG. His initials."   Tumango-tango ako. Iyon pala ang initials ng fiancé ko. KG. KG... stands for Kristian Grey? Parang gusto kong isipin na male character ng Fifty Shades of Grey ang pangalan niya. Kasing-hot and sexy rin ba siya ng totoong Christian Grey? Or his the old version?   Lihim akong natawa sa sarili ko sa kalokohang naisip. Paano nga kaya kung matanda na ang mapapangasawa ko? Well, hindi ko na iyon malalaman pa dahil hindi naman ako puwedeng magtanong tungkol sa kanya. Pero, malakas ang kutob kong matanda na ito.   "Kung iyan na ang napili mo, sasabihin ko kay Aerie na palagyan ng initials n'yo ang mga singsing. GG ba ang initials mo na ilalagay sa singsing niya?"   Tumango ako at ngumiti.   Ilang sandali pa, sinabi na nga ni Desmond sa babae ang napili ko at ang initials na ilalagay sa loob ng singsing. Kinuha rin ang sukat ng daliri ko para maipagawa na raw agad ang mga iyon.     "Are you sure you don't want to move in a new place?"   Pangalawang beses na tanong na sa akin iyan ni Desmond. Ang una ay nang sunduin niya ako kaninang umaga bago kami magtungo sa jewelry shop ni Aerie. Ngayon namang inihatid niya ako pauwi rito sa inuupahan kong apartment, tinanong niya ulit ako sa bagay na iyan.   Nakangiting tumango ako sa kanya. "Okay na ako dito. Mahigit isang taon na rin akong nangungupahan dito at mababait naman ang landlady at tenants sa akin."   "Okay. Just tell me if you need anything, Iya. You have my number, right?"   Tumango ulit ako. Ilang sandali ring nakatingin sa building si Desmond bago ibinalik ang tingin sa akin at ngumiti. Akmang sasakay na siya sa kotse niya nang bigla ko ulit siyang tawagin.   "Uhm, I know it's unnecessary and not important. Pero, pakisabi sa boss mo na gagampanan ko ang pagiging fiancee niya hanggang sa makabalik siya. I will be a faithful and loyal fiancée to him."   Iyon din ang ipinangako ko sa sarili ko kapag nag-asawa ako. Kahit estranghero kami sa isa't-isa ng lalaking iyon, gusto ko pa ring manatiling faithful and loyal sa loob ng isang taon na nakatali kami sa isa't-isa.   Bahagyang nagulat si Desmond, pero mabilis ding nakabawi at matamis na ngumiti. "Sure. I'll deliver your message to him."   Iyon lang at tuluyan nang sumakay sa sasakyan niya ang lalaki at umalis. Huminga naman ako nang malalim bago naglakad papasok ng tinutuluyan kong apartment.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD