IYA
"Thank you for applying for the position, Ms. Genovia. Please wait for our call for the result of your job application."
Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya bago ngumiti. "Okay, thank you."
Nanatili ang ngiti sa mga labi ko nang tumalikod na ang Human Resource Assistant hanggang sa maglakad ako palabas ng company building. Nang makalabas, ang kaninang matamis na ngiti ko ay unti-unting napalitan ng sarkastikong ngiti. "Call me? Gaano ba kahirap sabihin na hindi ako tanggap sa trabaho n'yo?"
Hindi ito ang unang kompanya na nagsabi sa 'kin ng mga salitang iyon. Ang unang dalawang kompanya na in-apply-an ko two weeks ago, sinabihan na rin akong tatawagan na lang daw para sa resulta ng application ko. But until now, they didn't call me. Sana diretso na lang nilang sinabing hindi ako tanggap at may ibang candidate that's best for the position. Hindi 'yong paghihintayin nila ako sa isang bagay na hindi rin naman ibibigay.
"Lesson learned, Iya. Hindi lang ang mga lalaking manloloko ang paasa. Minsan, pati trabaho," I said out of frustration.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling humakbang palayo sa building na iyon.
Napahinto ako sa paglalakad nang may madaanang coffee shop. Awtomatikong kumalam ang sikmura ko nang makita ang hawak na take-out cake ng isang customer na lumabas mula roon. Napaungol ako nang maalalang hindi pa nga pala ako kumakain ng tanghalian. Alas diyes ng umaga ang job interview ko kanina at pasado alas dos na ng hapon nang matapos at makalabas ako ng kompanya.
Nang muling kumulo ang tiyan ko, hindi na 'ko nagdalawang- isip na humakbang papasok ng shop para mag-take-out din ng cakes and frappe. Kapag ganitong frustrated ako at gutom, ang pagkain ng cakes or sweets ang stress-reliever ko.
Malapad na ulit ang ngiti ko paglabas ng coffee shop, bitbit ang dalawang maliit na kahon na naglalaman ng cake at isang grande ng coffee jelly frappe. At wala pang isang oras, nakauwi na 'ko sa apartment na tinutuluyan ko since malapit lang naman iyon sa in-apply-an ko kanina.
Ipinatong ko ang pagkain sa mesa bago nagtanggal ng sapatos. Kinuha ko muna ang laptop ko bago muling nagtungo sa mesa at buksan ang box ng cake na binili ko. Gamit ang plastic fork, tumusok ako sa cake at sumubo. Uminom din ako sa frappe ko bago pinindot ang power button ng laptop. Agad kong binuksan ang website kung saan ako nagpapasa ng resume. At mula sa listahan ng mga in-apply-an ko, tinanggal ko na ang TellMe Technology Corporation, ang kompanyang pinuntahan ko kanina. Hindi na 'ko umaasa na tatawagan pa nila ako para sa resulta ng job application ko.
I resigned from my job two months ago. Isa akong programmer at isang agency ang dati kong employer. Kapag natapos ang kontrata sa kliyente, sa ibang kliyente naman puwedeng ma-assign. For a year, I was assigned in a bank company in Taguig. Pagkatapos ng one year contract ko doon, sa Makati naman ako na-deploy. Naging stressful para sa 'kin ang work ko kaya nag-request akong i-pull out doon. My superior agreed, but then, they wanted me to assign in their newest client in Quezon City. Masyado na iyong malayo sa 'kin kaya naman nag-request akong huwag na lang, pero subukan ko raw. Out of frustration and irritation, medyo nagkasagutan kami ng superior ko sa phone call. And that same day, I filed for my resignation - na agad naman niyang tinanggap.
Alam ko, nagpadalus-dalos ako sa pagre-resign ko, pero pinanindigan ko ang desisyon kong pag-alis. It was toxic already. At ayoko na rin sa pamamalakad nila sa kompanyang iyon.
Nagpahinga muna ako ng isang buwan pagkatapos kong mag-resign. Nag-relax at ginawa ang gusto kong gawin - ang pagsusulat ng nobela.
I was only in grade school when I started reading pocketbooks and Japanese mangas. Hanggang sa mag-college ako. May mga pagkakataon nga na kapag bitin ang story na binabasa ko, dinudugtungan ko at bini-visualize ko sa isip ko ang posibleng nangyari sa mga bida. Kaya nang hindi na 'ko makontento lang sa pagbabasa, nagsimula na rin akong magsulat ng sarili kong kuwento. Pero, sa dami ng mga naisip kong kuwento noon, isang story lang ang natapos ko.
When I graduated in college, I started writing story novel and posted it online. Fortunately, nagustuhan naman ng readers ang mga story ko at medyo marami na rin akong readers sa reading and writing platform na kinabibilangan ko. At first, it was only a hobby. But as time goes by, writing became my passion. Masaya ako sa tuwing makakatapos ako ng isang nobela kahit inaabot ng taon. And I felt fulfilled sa tuwing makaka-inspire ako ng readers through my stories.
Sa isang buwang pahinga ko, sinubukan kong magpasa ng manuscripts sa mga publishing house. Unfortunately, I got two rejections already. Mas bumaba pa ang self-esteem ko nang hindi maging pabor ang pamilya ko sa gusto ko. Sa passion ko. And even the person I thought who would always support and be there for me. But it turned out, na ang taong iyon pa ang hahamak at mamaliitin ang pagiging romance writer ko.
Dahil sa two manuscript rejections ko, heto na ako ngayon. Muling sinusubukang mag-apply ng trabaho sa kursong tinapos ko. At ngayon nga, tatlong linggo na rin akong naghahanap online ng mga job openings na malapit lang dito sa tinutuluyan kong apartment para hindi na ako lumayo.
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang biglang tumunog ang phone ko na nakapatong sa mesa. Sumubo muna ako ng cake bago kinuha ang phone at sinagot iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang caller. "Hello?"
"Iya," boses ng nanay ko ang narinig ko sa kabilang linya.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga. "'Nay."
"Ano naman itong nabalitaan namin na break na kayo ni Brent?"
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Kanino n'yo naman po nabalitaan iyan?"
"Galing dito sa bahay si Brent noong isang araw. Inimbitahan ng tatay mo. Nang malasing, biglang sinabi na hiwalay na raw kayo. Nakipaghiwalay ka raw sa kanya," aniya. "Kung nakita mo lang ang hitsura ng boyfriend mo no'ng gabing iyon, maaawa ka sa kanya."
Mapait akong ngumiti sa kuwentong iyon ng nanay ko. Hindi ko napigilang muling sumubo ng cake. At pakiramdam ko, biglang pumait ang lasa niyon. "Ah. Oho. Hiwalay na nga ho kami. No'ng isang buwan pa," parang balewalang sagot ko sa nanay ko.
Brent dela Cerna was my boyfriend for almost seven years. Schoolmate ko ito no'ng college. Naging malapit kami at naging magkaibigan hanggang sa mag-confess siya ng nararamdaman sa 'kin during our college prom night. Dahil priority ko pa noon ang pag-aaral, I didn't say yes. At least, not yet. Sinagot ko siya nang makatapos kami ng college. He was a Civil Engineering graduate and I was an Information Technology graduate.
He was nice and responsible. Sa mga panahong magkasintahan kami, hindi ko siya nakitaan ng masamang ugali. Mabait din siya sa mga magulang ko kaya nagustuhan nila ang lalaki. He was a good guy. Well, at least that's what I thought so.
But, I was wrong. I was completely wrong. Dahil ang lahat pala nang ipinakita niya sa 'kin - sa min - ay pawang pagpapanggap lang. Pero mukhang na-brainwash na niya ang mga magulang ko. Dahil kahit anong sabihin ko noon tungkol kay Brent, hindi nila ako pinaniniwalaan. Mas naniniwala ang mga ito sa lalaki na para bang siya ang anak nila at hindi ako.
"Napakabait ng boyfriend mo, Iya. Sabi pa niya, nakipaghiwalay ka raw dahil lang nagtalo kayo sa mababaw na dahilan. Ipinipilit mo raw sa kanya ang gusto mong pagsusulat na lang ng nobela. Nang hindi siya sumang-ayon, nagalit ka raw at bigla na lang nakipag-break. Anak, pag-usapan n'yong dalawa ito at ayusin."
Mariin kong pinaglapat ang mga labi ko para pigilan ang sarili kong may masabing masama. Hindi lang pala malaking gago ang hayop, saksakan pa ng sinungaling.
Muli akong huminga nang malalim. "Ex-boyfriend na, 'Nay," mariing pagtatama ko. "At nakapag-usap na ho kami no'ng isang buwan pa. Wala na kaming dapat pang ayusin. Tapos na ho ang relasyon namin."
"Iya, baka pagsisihan mo kapag pinakawalan mo siya."
Mas pagsisisihan ko kung mag-i-stay ako sa kanya, sagot ko sa isip ko.
"Iya naman. Sayang si Brent kung pakakawalan mo pa siya. He's a good catch already. Kahit hindi ka magtrabaho, mabubuhay ka na niya. Sinusuportahan ka naman niya sa lahat ng bagay na gusto mong gawin, 'di ba?"
"Except for my writing."
Ilang sandaling katahimikan sa kabilang linya bago muling nagsalita ang nanay ko. "Iya. Hanggang ngayon ba naman ay ipipilit mo iyang pagsusulat mo? Wala kang trabaho ngayon. Anong gusto mo? Magsulat na lang? Pa'no mo bubuhayin ang sarili mo? Hindi ka mapapakain at mabubuhay ng pagsusulat mo. Ng passion mo!"
There she goes again, I said silently, rolling my eyes. Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, mas pinili kong hindi sagutin ang nanay ko. Mula pa man noon, hindi na nila suportado ng tatay ko ang pagsusulat ko kaya hindi na bago sa 'kin ang mga sinasabi niya. Hinahayaan ko lang siyang maglitanya nang maglitanya because at the end of the day, hindi pa rin naman ako nagpapaapekto sa mga 'yon. Oo, nakaka-discourage minsan. But, I don't let her discouragement get into me. Her words became my motivation to continue. I want to prove that no one can stop me from dreaming and pursuing my writing career. Even my parents couldn't stop me.
"Itigil mo na 'yang pagsusulat mo, Iya." Hindi ako sumagot.
"Kung wala ka pang trabaho, umuwi ka na lang dito sa 'tin." Still, I didn't answer.
"Makipagbalikan ka sa boyfriend mo. Si Brent ang kailangan mo ngayon."
Okay. That's it.
"No," mariing tanggi ko. "I don't need someone like him. Mas pipiliin ko pang buhayin ang sarili ko sa pagsusulat kaysa makipagbalikan sa lalaking 'yon. I'm done with him."
"Pero, Iya-"
I cut her off. "Sige na, 'Nay. May importante pa 'kong gagawin. Bye." Then, I hang up.
Pabalabag kong ibinaba ang phone ko sa mesa bago kinuha ang frappe ko at sumimsim doon. Ilang beses din akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Bahagya akong umiling-iling bago ngumisi nang sarkastisko. Seriously, ano ang eksaktong pinagsasabi ng lalaking iyon sa mga magulang ko para makuha niya ang simpatya ng mga ito? Tsk.
After we broke up one month ago, hindi na ulit kami nag-usap pa. At taliwas sa sinasabi ng nanay ko, ang hudyo ang nakipag-break sa 'kin. Na mabilis ko namang sinang-ayunan dahil ayoko na rin naman talaga. Dahil bago pa man niya i-bring up ang hiwalayan, ilang buwan na rin na malamig ang relasyon namin. Kaya hindi ko alam kung anong drama niya sa mga magulang ko at parang pinalalabas niya na ako ang may problema sa 'ming dalawa kaya kami naghiwalay. Tsk.
Ilang sandali pa, tumunog ang phone ko sa isang notification. Isang email ang natanggap ko mula sa isang kompanyang in-apply-an ko last week. Napatuwid ako ng upo at biglang na-excite sa maaaring laman niyon. Pumikit muna ako at iwinaksi sa isipan ko ang inis ko kay Brent. Mariin akong nagdasal na sana ay magandang resulta ang natanggap ko.
Nang magmulat ako at buksan ang email, hindi ang inaasahang resulta ang nabasa ko.
Dear Ms. Genovia,
Thank you for taking the time to consider applying in our company. We wanted to let you know that we have chosen to move forward with a different candidate for the position.
We think you could be a good fit for other future openings and we will reach out again if we find a good match.
Again, thank you for your time.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Hays. Another rejection," sambit ko bago muling tumusok at sumubo ng cake.
Wala pa mang limang minuto, muling tumunog ang phone ko sa isang notification. Nang buksan ko ang bagong email na natanggap ko...
Dear Ms. Genovia,
We appreciate the time you took to come for an interview with us, unfortunately, the skills set presented during the interview did not meet our needs for this position.
Thank you for your interest in applying for the position. Please accept our best wishes as you pursue your career goals.
I groaned in frustration. Hindi ko rin napigilang mapapadyak. Ang kaninang inis ko ay dumoble pa dahil sa dalawang e-mails na natanggap ko. "What the hell?! Rejection day ba ngayon kaya puro rejections ang natatanggap ko? Argh!"
Hindi pa man nagtatagal, muling tumunog ang phone ko. Iritableng kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. It was only unregistered number. Hindi ko man kilala, sinagot ko na lang din. Baka isa rin ito sa mga kompanyang in-apply-an ko nitong mga nakalipas na linggo.
"Good aftenoon. May I speak to Ms. Guia Castrence Genovia?" tinig iyon ng isang lalaki.
"Then, what? Will you also reject me? Sabihin mo na agad para isang bagsakan na lang ang lahat ng rejections ko ngayong araw."
Iyon sana ang gusto kong sabihin, pero pinigilan ko na lang din ang sarili ko. Hindi tamang ibunton ko sa ibang tao ang inis na nararamdaman ko ngayon.
"Yes, speaking," sagot ko sa kabilang linya.
"On behalf of Sherloin Multi-group Company, I'm calling you about your job application with them. Sorry to inform you, but the company decided to look for another candidate for the position."
As expected. Another f*****g rejection, naibulong ko na lang sa sarili ko. "Okay. Thank you."
"However..."
Napahinto ako sa akmang pagputol ng tawag nang muling marinig ang boses mula sa kabilang linya.
"I have a job offer for you, Ms. Genovia. When is your best available time so I can discuss it with you?"