CHAPTER 5

1332 Words
SAMANTHA'S POV: Nahatid na niya sa school si Cassy at ngayon naman ay patungo na siya University na pinapasukan. Sumakay siya ng taxi dahil malayo-layo ang pagitan ng paaralan ng alaga sa kanyang pinapasukan, at isa pa ay binigyan siya ni Beth ng allowance para sa kanyang pagbyahe. Hindi na niya iisipin ang pagsundo kay Cassy dahil ang mag-asawa na raw ang bahala ro'n. Alam niyang magiging komplikado ang sitwasyon dahil ang among lalaki ay walang iba kun'di ang kaisa-isang lalaki na kanyang minahal. Hindi nga ba't pinangako pa niya sa kanyang sarili na ito na ang huling lalaking pag-a-alayan niya ng kanyang pag-ibig? She's a graduating student and she really needs this job. Matagal siyang napahinto sa pag-a aral dahil siya ang nag-alaga sa inay niyang may sakit noon. Hindi niya pwedeng ayawan ang trabahong ibinigay sa kanya ni Beth. Kailangang kailangan niya ng pera upang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho, para sa kanyang inay at bunsong kapatid. Kung hindi nga lang talaga siya pinagtangkaan halayin ng dati niyang boss ay wala sanang problema. She took a deep breath. Ang kailangan lang niyang gawin ay iwasang ang lalaki. 'Iwasan?' Napapikit siya ng maalala ang tagpo sa kusina. Naramdaman niya ang pagyakap ng lalaki sa kanyang likuran, paghalik nito sa kanyang leeg at mahinang pagkagat sa dulo ng kanyang balikat. "Narito na po tayo, ma'am." Mabilis na napamulat si Samantha sa boses ng driver. Tinignan niya ang labas at narito mismo sila sa labas ng malaking gate ng university. Kumuha sya ng pera sa bag at binigay ang bayad. "Salamat po, kuya." At agad siyang lumabas ng sasakyan. Tinignan niya ang orasan at mukhang napaaga siya ngayon. Napagdesisyunan niyang dumiretso sa library at saglit na magbabasa habang hinihintay ang oras ng kanyang unang subject. Habang naghahanap ng babasahin ay nakita niya ang isang libro na may nakasulat na BAGUIO. Kinuha niya ito at naupo sya sa isang sulok. Imbes na buksan ang aklat ay hinaplos lamang niya ang bawat letra ng BAGUIO. Unti-unting bumalik ang nakalipas. "Can you stay here with me for a month?" Natigil siya sa pag-inom ng Milktea sa tanong ng kausap. "Stay with you?" ulit niya sa tanong ng kausap. "Yeah. Stay with me. I was just here in Baguio for vacation. Dapat isang linggo lang, but I want to stay longer and be with you." At inimom ang hawak na kape. Ihahatid na sana siya ng binata sa hotel na tinutuluyan nila ni Jane nang mag-aya itong huminto sa isang kapihan. Tinignan ni Samantha ang lalaking kaharap. Benedict has thick and bushy eyebrows. Halos maglapat na ang mata nito sa kilay, gano'n ka lalim ang mga mata nito lalo na kapag ito'y tumitig. Halata mo rin na hindi ito purong pinoy dahil sa hugis ng ilong. Siya rin naman ay hindi purong pinoy, dahil ang kanyang ama ay isang Amerikano. Pinanagutan naman ang kanyang inay, kaya nga Miller ang kanyang apelyido. She was 10 years old when her father went back to U.S.A and never came back. "Are you falling inlove with me, baby?" Napakurap naman si Samantha sa tanong ng lalaki. "Huh--?" "Well, grabe ka kasi makatitinig. Just tell me if nabitin ka kagabi, pagbibigyan naman kita." At kumindat pa ito sa kanya. She just smiled. "Okay," she said. She saw his eyebrow frown. He must be confused. "Okay na pagbibigyan kita?" naguguluhan nitong tanong. Humagikgik sya ng mahina. "I mean. Okay, sasamahan kita ng isang buwan." Kita ni Samantha ang pag-aliwalas ng mukha ni Benedict. "Really? Walang bawian, huh!" Tumango siya nang mabilis. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa gusto ng lalaki. Hindi niya pa ito kilala ng lubusan. Isang gabi pa lamang silang nagkakasama. Ngunit kung ibigay niya ang tiwala ay gano'n- gano'n na lang. "Titigasan na 'yang libro, girl. Grabe ang paghimas mo." Umahon si Samantha sa malalim na pag-iisip ng marinig ang boses ng kaibigang si Lana. Nakita rin niya ang kasunod nito na isa rin niyang kaibigan na si Justine. They sat down beside her. Kinuha ni Lana ang librong kanyang hawak. "Tourist spot in Baguio," basa nito. "Oh. Plano mo ba ulit bumalik ng Baguio para hanapin ang 'The One That Got Away' mo?" tumatawa nitong dugtong. "Umayos ka nga. Hindi na niya hahanapin ang walang hiyang lalaki na 'yun 'no. Nasira buhay niya dahil do'n. 'Tsaka... What? 6 or 7 years na rin ang nakakalipas," sagot ni Justin kay Lana at nag-asaran pa ang dalawa na parang aso't pusa. Lana and Justin were also in Baguio the night she met Benedict. Lana was not able to go with them in the club because she got sick that night. But Justin was there. He witnessed how Benedict stole her to them. Kumukuha ng masteral ang dalawa kaya naman nakakasama niya pa rin ito kahit nga nahinto siya. "I saw him," maikli niyang sabi. Nahinto ang dalawa sa kulitan sa kanyang sinabi. "Who? That bastard?" Umahon na ang galit sa boses ni Justin. "Asawa siya ni Beth." Kinuhang muli ang aklat sa kamay ni Lana at siya'y tumayo. "No f*cking way!" si Lana ang nagsalita at halatang hindi makapaniwala. Tinungo niya ang pwesto kung saan niya nakuha ang aklat at ito ay binalik. "Hindi ba't ikaw ang mag-a-alaga ng anak nila?" Kung kanina ay dinig ni Samantha ang galit sa boses ni Justin, ngayon naman ay mas dama niya ang pag-a-alala nito. Tumango lamang siya at naglakad patungo sa labas ng library. Nakasunod lamang ang dalawa. "Huminto ka na. Huwag ka ng bumalik doon. Ako ng bahala sa pambayad mo sa exam. Basta huwag ka ng bumalik doon." Napahinto si Samantha sa paglalakad at hinarap si Justin. Napansin niya ang paglungkot ng mga mata nito. "No Justin. Kahit ganito ako ay hindi ko masisikmurang tanggapin ang alok mo. Napakabuti niyo sa akin at ang dami-dami ko ng utang sa inyo, sa mga hospital bills pa lang ni nanay." Lumapit si Justin sa kanya at kinuha ang kanyang isang kamay. "Wala akong pakialam. Bayaran mo ako kapag nakapag trabaho ka nang maayos." "Hay naku, Justin. Hayaan mo nga si Sam. Malay mo, heto na ang karugtong ng love story nila," sabat ni Lana na ngayon ay nass gilid nila. "Tumahimik ka nga diyan. Alam mo ba ang sinasabi mo? May asawa't anak na ang gagong 'yun," halos pasigaw na sabi ni Justin kay Lana. Justin is soft towards her and always mad towards Lana. "Stop. Two of you. I'm fine. Kagaya nga ng sinabi mo, Justin, may ASAWA AT ANAK na siya..." sinadyang diinan ni Samantha ang dalawang salita upang maparating sa dalawang kaibigan na batid niyang hindi na pwede. "...naroon lang ako para magtrabaho. Kaunti na lang at makakapag tapos na ako. Isa pa, matagal ko na siyang nalimutan." Muli siyang tumalikod at nagsimulang maglakad patungo sa unang klase. Nakasunod pa rin ang kanyang dalawang kaibigan. "Nalimutan? Kaya pala grabe ang paghimas mo sa BAGUIO kanina na nasa libro." Umuna ng lakad si Lana at tumatawang naglakad. "See you around guys! Mauna na ako," pahabol pa nito na hindi na nagawang humarap sa kanila at dire-diretsong naglakad. Napahinto naman si Samantha ng muling kunin ni Justin ang kanyang isang kamay at marahan hinaplos ang kanyang palad. "Please, consider my offer. Please, Sam." Kitang kita ni Samantha ang pagsusumamo ni Justin. She smiled. "I'll think of it." Buo na ang isip niya na ituloy ang pag-tatrabaho as nanny. Sinabi niya lang ito, upang hindi na humaba pa ang usapan nila, dahil kilala na niya si Justin, hindi ito titigil hangga't hindi siya napapa oo. Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong yakapin. "Thank you, Sam. Pangako, magpapayaman ako, para matulungan kita sa mga pangarap mo." Alam naman ni Samantha na matagal na siyang gusto ni Justin. Ngunit hindi niya magawang suklian ito. Bakit nga ba? She closed her eyes. Dinama ang yakap ni Justin. Ngunit wala talaga. Bakit sa nakalipas na pitong taon. Bakit si Benedict pa rin ang nasa isip niya?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD