Chapter 02
3rd Person's POV
Halos iuntog ni Agasse ang sarili sa lamesa sa idea na hindi niya na naman ginamit ang utak niya.
Hindi masakit ang katawan niya katulad ng mga nababasa niya sa libro, wala ding marka sa leeg niya matapos siya kagatin ni Callisto.
Kung hindi niya lang natagpuan ang sarili na hubad pagkagising niya hindi niya iisipin na may nangyari nga sa kanila ni Callisto at panaginip lang iyon.
Pero imposible talaga na panaginip lang iyon dahil may nakita din siyang napakagwapong binata sa tabi niya. Malayo iyon sa teenager na Callisto na kilala niya.
Mas mukha iyon nasa 21 at mas malaki ang katawan nito. Mas matangkad at talagang—.
"Damn it! This is insane!" ani ni Agasse at napasapo sa noo.
Parang 2 days ago lang stright pa siya, nasa matinong pag-iisip na may virgin na utak pero dahil sa bampira na iyon na kasama niya na mula pagkabata. Sa loob ng 2 days nag-sway na siya, nababaliw na siya at higit sa lahat—.
"Nawala ang virginity ko dahil sa kupal na iyon huhu!"
Ginulo-gulo ni Agasse ang buhok hanggang sa mapatayo siya nang may mabango siyang maamoy mula sa bintana.
Matamis ang amoy na iyon kaya hindi mapigilan ni Agasse ang sarili na lumapit sa bintana ng opisina.
Sumilip siya doon at nakita niya si Callisto na nakatayo sa gitna ng garden. Half naked at kasalukuyang nakatingin kung saan.
Mukhang aalis ito kaya tinawag siya ni Agasse.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Agasse matapos mapalingon sa pwesto niya si Callisto.
Biglang nawala si Callisto kaya napatigil si Agasse hanggang sa lumakas ang sweet scent na naamoy niya kanina lang.
"Sa iyo nanggaling ang amoy Master," ani ni Callisto na nasa likuran na ng binata.
Naitulak ni Agasse bahagya si Callisto pagharap niya matapos maramdaman ang mainit nitong hininga sa leeg niya. Halos umakyat lahat ng dugo sa mukha mi Agasse matapos makita ang nakakalokong ngiti ng binata.
"Masyado kang touchy Callisto. Hindi ba sayo uso ang social distancing?" namumula na sambit ni Agasse habang nakakunot ang noo.
Nagawa ni Agasse na makapagsalita at mag-pretend na parang walang nangyari. Sa isip ng binata hindi niya kailangan ipakita sa butler na affected siya presensya nito kahit pa ang totoo sa tingin pa lang nito nanghihina na ang mga tuhod niya.
Bumuga ng hangin si Agasse at kalmadong tiningnan ang binata.
"Ngayon malaki kana. Magagawa mo na ng tama ang trabaho mo bilang butler ko," panimula ni Agasse with hand gesture.
"Give and take tayo as long as kaya ko ibigay ang need mo kailangan mong sumunod sa mga patakaran ko. Ngayon alam ko na kung ano kang klaseng nilalang gusto ko malinaw na ang lahat."
"Callisto gusto ko mabuhay ka dito ng normal na tao."
"Katulad ng sinabi mo may needs ka at kailangan mo ng s*x, affection and blood para mabuhay diba?" ani ni Agasse na nakatingala at nakatingin kay Callisto.
"Na hindi ko pwede gawin sa ibang tao," dagdag ni Callisto. Mamatay siya kapag wala iyon at dahil sa marking si Agasse lang ang maaring magbigay 'non sa kaniya.
"About doon dahil mated na ako sa iyo. No used kung makakakuha ako 'nan sa ibang tao dahil iba ang energy na nakukuha ko sa iyo kaysa sa iba."
"Hindi mo na kailangan linawin iyon dahil maari akong mamatay kung makakainom ako ng ibang dugo bukod sa dugo mo," dagdag ni Callisto na may kalmadong boses.
Napatigil si Agasse matapos marinig iyon. Tumalikod si Callisto at naglakad palapit sa lamesa.
"Nanggaling ako sa mataas na uri ng bampira. Ngunit bilang na lang sa lahi namin ang natitira kahit pa may kakaiba kaming lakas na maikukumpara sa isang diyos at kahit pa kaya namin mabuhay ng ilang milyon na taon."
"Hindi kami agad mamatay maliban na lang kung papatayin kami ng mismong master namin," explain ni Callisto habang inio-organize nag mga librong ginamit ng master niya.
"Wa-wait patayin?" ulit ni Agasse na nanlalaki ang mata.
"Makasarili ang mga tao. Kailangan lang nila ang lakas namin," ani ni Callisto habang nakapako ang tingin sa isang libro.
"Hmm, makasarili din ako," ani ni Callisto na may casual na boses.
Nilingon ni Callisto si Agasse ngumisi ang binata at humarap kay Agasse.
Sumandal ito sa lamesa at nag-cross arm.
"Before ako dalhin sa iyo ni Mrs. Cason, hindi ko na ini-expect na tatagal ako ng 7 days. Hindi sa iyo sinasabi ni Mrs.Cason kung ano ako at anong kailangan mong gawin para tumagal ang buhay ko," ani ni Callisto at nagkibit balikat.
"Bago pa niya masabi iyon nawala na siya," dagdag ni Callisto at lumingon sa picture frame kung nasaan ang litrato ng nanay ni Agasse at ang batang si Agasse.
"Then paano ka tumagal," tanong ni Agasse. Wala itong iniinom na dugo at para lang itong robot na gumagalaw.
"Affection mo. Na-absorb ko ang affection mo dahil ang bagay na iyon ang para lang sa akin talaga."
"Sa tatlong needs ko. Natural na naiibigay mo sa akin iyon without realizing it. Iyon din ang magiging reason ng kamatayan ko once na ma-inlove ka sa iba kahit pa nasusuntentuhan mo ako ng dugo mo."
"Kaya 'nong una pa lang sinabi ko na huwag kang mag-aasawa kapag pumayag ka sa marking at kung gusto mo ako mabuhay," mahabang page-explain ni Callisto.
"Kung hindi nga mag-work at mawala affection ko sa iyo mamatay ka?" tanong ni Agasse na nakakunot ang noo.
"Yes," sagot ni Callisto.
Hawakan ni Agasse ang baba at tiningnan si Callisto. Ni-head to toe nito ang butler bago napa-pokerface.
"Totoo ba lahat ng sinasabi mo?" ani ni Agasse na nakataas ang kilay.
"Ha?" ani ni Callisto na parang nagtataka kung saan parte sa sinabi niya ang hindi kapani-paniwala.
"Doon pa lang sa affection. Sinong tao ang hindi hahanga sa iyo kapag may ganyan kang mukha at katawan?"
"Siguro swertehan na lang din kayo sa master," ani ni Agasse kalaunan.
Nilagay ni Agasse ang dalawang braso sa likod ng ulo at naglakad palabas ng library.
"Hindi din naman ako kasing greedy ng mga taong naiisip mo kasi bukod sa mabuhay at makasama ka wala na akong gusto pang mangyari in future. Hindi mo na kailangan mag-aalala."
Napatigil si Callisto matapos marinig iyon sa binata. Tinungo ni Agasse ang pinto.
"Ipaghanda mo na ako ng makakain hindi lang ikaw ang marunong magutom."
That's a cue. Gumamit ng kapangyarihan si Callisto at dahil hindi niya iyon kontrol bumangga siya sa pinto.
Napatigil si Agasse kalaunan natawa matapos himasin ni Callisto ang sariling noo.
"Mas mabuting sanayin mo ang sarili mo sa pagkontrol mo ng kapangyarihan. Pareho tayong magkakaproblema kapag hindi mo nakontrol iyan," ani ni Agasse na medyo nag-aalala.
Kahapon nagkasira-sira ang mga gamit sa room ni Agasse dahil sa kanila. Ngayon tuluyan ng nagkadurog-durog ang pinto dahil sa pagbangga ni Callisto.
Nag-crack kasi muna iyon bago tuluyan nagiba na kinailing na lang ng binata.
—
Simula nang mawala ang ina ni Agasse si Callisto na lang ang natira sa kanya. Kasalukuyang nagtatrabaho ang binata kahit pa may mga ipon ang ina na sapat para mabuhay sila ni Callisto ng hindi nagtatrabaho. Ngunit ayaw ni Agasse na umasa lang doon kaya habang nag-aaral siya nag-apply din siya ng part time job.
Si Callisto ang gumagawa ng gawaing bahay at pinanatiling maayos ang mansyon kung saan na silang lumaki na dalawa.
Simple lang naman ang gusto ni Agasse. Mabuhay, maging malaya at makasama si Callisto ng matagal na panahon.
"Master gusto mo na ubusin ko na ang buong angkan ng mga Cason."
Napatigil si Agasse matapos marinig iyon ng binata. Napatingin si Agasse na kasalukuyang napatigil sa pagtusok ng meat na halatang nagulat sa sinabi ng binata.
"Kung gugustuhin ni master pwede ko silang tapusin lahat. Kung may hawak din silang katulad ko magagawa ko pa din silang labanan since patuloy pa din ako lumalakas at—."
"Callisto," ani ni Agasse bago inabot ang pisngi ni Callisto.
"Hindi ko ginusto ibalik ang kapangyarihan mo para lang sa sariling kapakanan ko. Ginusto ko ibalik ang mga bagay na dating meron ka dahil gusto ko mabuhay ka," ani ni Agasse na may pagkadisgusto sa expression.
"Kung gagamitin ko ang kapangyarihan ko Master. Ibabalik din nila ang karapatan ng Master ko bilang Cason. Hindi mo na kailangan magtrabaho at magtago."
"Kikilalanin ka nila bilang isa sa mga tagapagmana," ani ni Callisto na walang kahit na anong expression.
Binaba ni Agasse ang kamay niya at pinagpatuloy ang paghiwa sa meat na nasa plato niya.
Kung gugustuhin ni Agasse maari nga iyon lalo na at nagising niya na ang kapangyarihan ni Callisto. Pwede niya gamitin si Callisto para kontrolin ang mga Cason na hindi nagawa ng namayapang ama.
Nanatiling bakante ang posisyon para sa mamumuno sa buong house hold ng mga Cason dahil sa patuloy na paglalaban ng buong pamilya dito.
Nagpapatayan sila para sa posisyon at kapangyarihan na hindi naman interesado si Agasse. Kahit isa siyang Cason wala siyang balak obligahin ang sarili para makigulo sa mga ito.
"Hindi ko kailangan ng pera at kapangyarihan. Kailangan ko lang si Callisto," ani ni Agasse bago tingnan si Callisto na bahagyang napatigil.
Ngumiti si Agasse at tumingin ulit sa kinakain. Kumain ulit si Agasse.
"Kapag gumawa ulit sila ng gulo. Ginulo nila ulit tayong dalawa o may balak silang kuhanin ka mula sa master mo. Huwag kang magdadalawang isip na patayin ang taong gagawa noon."
"Wala akong pakialam kung isa pa sila sa mga kapatid ko," kalmadong sambit ni Agasse.
Nilingon ulit ni Agasse si Callisto na mas nangibabaw ang kulay pula nitong mga mata
"Masusunod, Master."
Pinagpatuloy ni Agasse ang pagkain. Kumain siya ng madami dahil bukod sa sarili niya kailangan niyang sustentuhan ang pangangailangan ng butler niya.
Pinalakas niya din ang resistensya niya at lahat iyon para sa butler dahil iyon lang ang maibabahagi niya dito.
Lumipas ang dalawang araw nagtaka si Agasse dahil hindi 'man lang siya nilalapitan ng butler.
Hindi ito umiinom ng dugo niya o kumukuha ng energy mula sa kanya— nagtataka ang binata.
"Callisto," tawag ng binata sa butler na kasalukuyang nakaupo sa sahig at may binubuklat na libro.
"Master, may kailangan ka ba?"
Tumayo si Callisto at tiningnan ang binata. Kumunot ang noo ni Agasse at inabot ang pisngi ni Callisto.
Napatigil si Callisto at napaatras dahil doon bumangga siya sa bookshelves na nasa likuran niya na muntikan ng matumba kung hindi niya naibalik sa dati at hindi napalutang gamit ang kapangyarihan niya.
"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Agasse na hindi tinapunan ng tingin ang mg librong bumagsak sa gilid niya.
"Nangyayari sa akin?"
"It's almost 3 days na after 'nong huli mong pagkain. Hindi ka ba nanghihina or what?" tanong ni Agasse na may pag-aalala.
Hindi alam ni Callisto ang ire-react dahil parang wala lang iyon sa binata. Once na kumain siya siguradong sa kama na naman sila babagsak.
Hindi sa ayaw ni Callisto ng idea na iyon pero ayaw niya magbago ang tingin sa kanya ni Agasse. Hindi siya gutom. Kahit isang buwan siya hindi uminom ng dugo mula sa master niya kaya niya pero hindi ang needs nito sa master niya.
Hindi niya kaya i-endure ang nararamdaman nitong init kapag nasa paligid niya ang master niya
Nanuyo ang lalamunan ni Callisto. Napansin ni Agasse ang bahagyang pag-stiff ng katawan ni Callisto. Aalis ito nang hawakan siya ni Agasse sa braso.
"What is it?" ani ni Agasse na ngayon ay nakakunot ang noo.
"Hi-hindi ako nagugutom Master. Kaya kong hindi uminom ng dugo sa loob ng isa o dalawang buwan."
"Hindi din ako gumagamit ng kapangyarihan ka-kaya hindi na kailangan," ani ni Callisto habang nakatakip ang likod ng palad sa bibig.
Umiwas ng tingin si Callisto na kinakunot noo ni Agasse. Hindi alam ni Agasse kung nagsasabi ng totoo ang binata since iba ang pinakikita nito na expression.
Pero imposibleng magsinungaling ang lalaki dahil mararamdaman niya iyon kung nagsisinungaling ito o hindi.
Binitawan ni Agasse ang binata. Bahagyang kinusot ni Agasse ang ilong matapos maamoy ang kakaibang matamis na amoy na nanggaling sa butler.
Pamilyar sa kanya ang 'ganon na amoy kaya bumuga ng hangin si Agasse.
"Callisto, mated na tayong dalawa. Hindi na lang ako basta master mo. Kailangan mo ako diba?"
"Hanggang kailan mo ie-endure iyan?" tanong ng binata na kinatigil ni Callisto. Bahagyang yumuko ang binata.
"Hindi ko kailangan ng dugo or energy para gamitin ko pa ang katawan mo."
"Kung ipagpapatuloy mo 'yan one of this days magko-collapsed ako dahil sa amoy na nanggaling sa iyo. Masyadong malakas ang sweet scent na nanggaling sa iyo."
Napaangat ng tingin si Callisto matapos umisang hakbang ang binata. Ito na ang humalik sa butler na kinasinghap ng bahagya ni Callisto.
Maya-maya nag-iba na muli ang mata ni Callisto at sa isang iglap nasa loob na muli sila ng kwarto ni Agasse.
Wala nang saplot si Agasse at kasalukuyan na siyang nasa ibabaw ng kama. Naitakip ni Agasse ang likod ng palad sa mga labi matapos makita sa ibabaw niya si Callisto.
Madilim ang mukha nito at kitang-kita niya ang bahagyang pagtingkad ng kulay pula nitong mga mata.
"Ca-Callisto," bulong ni Agasse. Napatigil ang binata matapos nito marinig ang boses ni Agasse nang kakagatin nito ang leeg ng binata.
"I-Im sorry," bulong ni Callisto. Hinalikan nito ang leeg ng binata bago kinagat iyon.
Nahabol ni Agasse ang hininga matapos maramdaman ang mahaba at mainit na sandata ni Callisto sa pagitan ng mga hita niya.
Pinasok iyon ni Callisto sa pang-upo niya kaya nahila ni Agasse ang hininga niya. Hinalikan muli ni Callisto ang labi ni Agasse.
Tao si Agasse kaya todo ingat ang binata habang ginagawa nila iyon. Isa sa reason kung bakit nagdadalawang isip palagi si Callisto dahil tao si Agasse.
Hindi kakayanin ng katawan ni Agasse na i-endure ang effect ng pag-supply niya ng needs ng butler.
Naibibigay ni Agasse lahat ng kailangan niya at sobra pa iyon pero hindi ng katawan ni Agasse. Habang ginagawa nila ang mating dapat kaya din kontrolin ni Callisto ang sarili niya dahil kung hindi baka siya pa makapatay sa mate niya.