03

2297 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Bakit hindi mo sinabi?" "Baka kasi magbago na isip mo," sagot ni Callisto matapos sabihin ni Callisto ang tunay na reason. "Kung patuloy mo i-endure iyan. Mapapatay mo talaga ako dahil mas nahihirapan kang kontrolin ang sarili mo kapag masyado mong nire-resist iyon," inis na sambit ni Agasse matapos itanong ng binata kung bakit nagpipigil si Callisto. "Masyadong fragile ang katawan ng mga tao kaya natatakot ako na baka mapatay ko si Master," sagot ni Callisto habang nakayuko. "As far as i know nagagawa mo naman. Nagagamot mo ang katawan ko," ani ni Agasse with hand gesture. "Isa pa kung pagpapatuloy mo iyan at ide-drained mo ako tuwing mating session natin mapapahamak ako," dagdag ng binata at bumuga ng hangin. "Mapapagaling mo ang katawan ko pero hindi mo maibabalik ang energy ko na kinukuha mo." Natawa si Agasse nang mahina matapos makita na parang tuta na nakayuko ang binata. Sa paningin ni Agasse parang nagkaroon na ng tenga ng aso at buntot ang butler dahil sa behavior nito. "Mabuti pa pumunta tayo mamaya sa mall. Ibibili kita ng mga bagong damit. Mukhang hindi kasya sa iyo ang mga damit ko, magkaiba ang body build natin," pag-iiba ni Agasse. Walang sense kung papagalitan niya pa ito. "Ikaw lang naman at ako ang nandito Master. Kahit pajama lang suot ko ayos lang," ani ni Callisto. Hindi naman lumalabas si Callisto kaya ayos lang siguro na ganoon ang suot niya. "Sayo ayos akin hindi. Hindi ako komportable na nakabalandra 'yang katawan mo sa harap ko. One of this days pasukan na din kaya babalik na tayo sa unit ko na malapit sa university. Mag-aaral ka na din kaya kailangan mo ng school uniforms at mga gamit," ani ni Agasse. Walang alam si Callisto sa labas at hindi iyon maganda. "Pero Master. Dagdag bayarin lang iyon at isa pa—." "Gagamitin ko iyong iniwan ni mom temporary para makapag-aral ka," putol ni Agasse kay Callisto. Hindi niya pa iyon nagagalaw at iyon na siguro ang tamang panahon lalo na at hindi na kakayanin ni Agasse ng isa pang part tine job dahil sa schedule niya. "Nagtatrabaho din ako master," ani ni Callisto na bahagyang bumagsak ang balikat. "Tiyaka na kapag nagagawa mo ng kontrolin ang kapangyarihan mo." Hinaplos ni Agasse ang buhok ng binata matapos tingnan ito. "Kung gusto mo makatulong kailangan mo kontrolin ang kapangyarihan mo. Pilitin mong mabuhay bilang tao." Tumango si Callisto na kinangiti ni Agasse. "Good." — Nang medyo na umayos ang pakiramdam ni Agasse. Pagdating hapon naghanda na sina Callisto at Agasse para pumunta sa capital. Binagsak ni Agasse ang buhok matapos kulayan ito ng temporary black color. Normal color kasi ng buhok niya ay mixed brown at red na nakuha niya sa side ng mommy niya. Nagsuot din ito ng makapal na salamin para itago ang dark green na mga mata na meron siya. Tanging ang blood line lang ng mga Cason ang merong eye color na 'ganon nagpapasalamat na lang siya dahil ang features niya karamihan nakuha niya sa ina at hindi sa side ng ama dahil kung hindi mahihirapan siya itago ang tunay na identity niya as a Cason. "Nasabi ko na ba sa iyo master na ang pangit ng diguise mo?" komento ni Callisto na nasa pintuan ng kwarto. Bahagya siyang nilingon ni Agasse. Nag-gesture ang binata na lumapit. Bigla na lang sumulpot si Callisto sa harap ni Agasse na kinatigil ng binata matapos hawakan ni Agasse ang likod ng ulo ng butler at siilin ito ng halik. Agad sumagot si Callisto at niyakap ang bewang ni Agasse. Nang naghiwalay ang labi nila napatigil si Callisto ng ngisian siya ni Agasse. "Sinong tinatawag mo na panget?" "Hinalikan lang kita parang gusto mo na ako dalhin sa kama." Natawa si Agasse matapos gumusot ang mukha ni Callisto at sumubsob sa gilid ng leeg niya. "Pwede ba bukas na tayo umalis," ani ni Callisto matapos umungol dahil sa inis. "No, ngayon na. Naglagay na ako ng hair color sayang naman," sagot ni Agasse. "Tara na." Humiwalay si Callisto. Ni head to toe siya ni Agasse. "Hindi ko na siguro kailangan ka bilhan ng contact lense. Hindi naman gaanong halata ang eye color na meron ka," ani ni Agasse matapos ayusin ang salamin na suot niya. Hinawakan ni Agasse ang baba niya at tinitigan ang mata ng binata. Bumuga ng hangin si Agasse matapos magpula muli iyon. "Kailangan natin ng contact lense. Nag-iiba ang kulay ng mata mo kapag tinititigan kita. Mas maganda ng makasigurado tayo." "Kung hindi kita nakikita master hindi ko kailangan ng contact lense," ani ni Agasse na nakakunot ang noo. "Nagiging pula ang mata mo kapag nae-excite ka kaya need natin." Hinawakan niya na si Callisto palabas ng kwarto. "Hindi ka naman nanununggab ng ibang tao diba? Like kapag biglaan may aksidente may kumalat na dugo," tanong ni Agasse. "Nope, as long as hindi iyon si Master." "What do you mean?" Huminto si Agasse at tiningnan si Callisto na nakataas ang kilay. "Kapag nasugatan ako susunggaban mo ako?" tanong ni Agasse. Napapanood niya kasi 'ganon ang mga bampira. Sensitive sila sa dugo. "Sinabi ko na master hindi ako ordinaryong bampira. Kung 100 years mo ako hindi paiinumin ng dugo posible iyon." "Imposible iyon kasi hindi umaabot ng 100 years ang lifes span ng mga tao. Hindi din naman kita ginugut— anong problema?" Napatigil si Agasse matapos mag-iba ang kulay ng mata ni Agasse. Naging deep black iyon. Hinawakan ni Agasse si Callisto— biglang nagtaraasan ang balahibo ni Agasse dahil doon. "Hindi naman kita gugutumi—." "Master, kung gagawin kitang katulad ko hindi ka ba magagalit sa akin?" "Ha?" "Sabi mo hindi aabot ng 100 years ang lifes span mo." "Kung gagawin kitang bampira na katulad ko hahaba ang buhay mo magkakasama tayong dalawa." Natawa ng mahina si Agasse na parang naging biro iyon para sa binata. "Ako ba ang unang tao na naging master mo Callisto? Kung lahat ng nilalang sa mundo o-offer-an mo ng ganyan ano sa tingin mo ang mangyayari?" "Mauubos ang human races dahil sa iyo," biro ni Agasse. "Seryoso ako Master." "Madami na akong naging master pero ikaw lang ang nakapagpalabas ng lahat ng tunay kong kapangyarihan. Nagawa mo akong ibalik sa dati." "Ikaw lang din ini-offer-an ko ng ganito," bulong ni Callisto bago yumuko. "Then may 80 or 70 years ka para kumbinsihin ako na makasama mo habang buhay." Napaangat ng tingin si Callisto matapos marinig iyon. Ngumiti si Agasse at tinalikuran si Callisto. "Master! Totoo ba 'yan?! Kapag nakumbinsi kita papayag ka," ani ni Callisto at hinabol ang binata. "Yes, pero dapat magtrabaho ka. Magpayaman dahil hindi ako papayag habang buhay na buhay ako tapos nagtatrabaho." "Gusto ko ng sariling mansyon, kotse, madaming pagkain tapos per—." Napatigil si Agasse sa paglalakad matapos siya hablutin ni Callisto at iharap sa kanya. "Gagawin ko lahat ng 'yon. Kapag nakatapos ako ibibigay ko lahat ng meron sa mundo ng mga tao para sa iyo." Natawa si Agasse matapos makita na desidido talaga si Callisto. Hinawakan ni Agasse ang pisngi ng binata at ngumiti. "Sabi mo 'yan ah. Kapag hindi mo nagawa iyon in 70 years hindi ako pakakagat sayo para maging katulad mo." Tumango-tango si Callisto at mas lumiwanag ang mata nito na kinangiti ng binata. — Pumunta nga ang dalawa sa capital at si Callisto na ang nag-drive ng sasakyan ni Agasse. Tahimik lang ang dalawa hanggang sa makarating sa harap ng isang mall. "Callisto, huwag kang lalayo sa akin. Huwag ka din gagamit ng kahit na anong kapangyarihan habang nasa labas tayo naiintindihan mo ba?" bilin ni Agasse sa binata matapos nila bumaba sa sasakyan. "Then call me Agasse. Huwag mo na ako tawagin na Master." Inayos ni Agasse ang sariling buhok bago tiningnan si Callisto na ginagala ang paningin sa paligid. Napakurap ng mata si Agasse matapos makita na mas gumawapo ang binata dahil sa natatamaan ito ng liwanag. Para itong kumikinang sa paningin niya. Napasapo sa noo si Agasse. Balak ng binata na pagsuutin din ng disguise ang lalaki pero mukhang magiging useless din iyon kung ang choice niya lang is itago ang binata. Malaki kasi ang katawan ni Callisto, matangkad din ito at talagang may mukha na kahit fetus maaring ma-inlove sa lalaki. "Ito ba 'yong tipo ng bampira na maitatapon mo basta?" bulong ni Agasse. "Ag-Agasse masyadong mainit dito." Napatigil si Agasse matapos makita na parang hindi mapakali ang binata. "Sorry, tara pasok na tayo sa loob." Hinila ni Agasse si Callisto papunta sa entrance ng mall. Binitawan ni Agasse ang lalaki matapos makaagaw agad sila ng pansin. Hinawakan ni Callisto ang laylayan ng suot na t-shirt ng binata at parang bata na ginala ang paningin sa buong mall. Hindi pinansin ng lalaki ang mga tingin ng mga tao na nandoon. Sa halip tiningnan niya ang mga karatula na nandoon kung saan nakikita niya ang pangalan at mukha ng mga Cason. Sikat ang mga ito sa entertaiment industry kaya hindi nagtataka si Callisto matapos makita ang mukha ng ilan sa mga kapatid ni Agasse. "Callisto, tara na." Inaya ni Agasse papasok ang binata sa unang shop na pinasukan nila. Madaming sales lady ang natulala kay Callisto matapos ito makita na kasunod ni Agasse. "Pakipilian na siya ng damit," ani ni Agasse sa lalaking unang lumapit sa kanila. Sumama si Callisto sa lalaki kahit parang bata itong tumingin kay Agasse na hihintayin ito doon. Umupo si Agasse sa sofa na nandoon at nagbukas ng magazine. Hindi niya na lang pinansin ang mga bulungan na nandoon. If sugar daddy siya ni Callisto, boyfriend at hindi bagay or what. Nagtingin-tingin ng magazine si Agasse hanggang sa may babaeng tumawag sa pangalan niya. "Agasse is that you?" Napaangat ng tingin si Agasse at doon nakita niya ang isa sa mga taong kinaiinisan niya 'nong highschool. "What now Jennie?" bored na sambit ni Agasse. "Ngayon na lang tayo ulit nagkita hindi ka 'man lang ba babati sa dati mong ka-schoolmate?" "Anong gusto mong gawin ko? Yumuko at halikan ko pa ang mga paa mo?" "Bastos ito ah!" Pinigilan ni Jennie ang kasama nitong lalaki matapos tangkain nito sugurin si Agasse. "Babe, easy lang. Kaya nga ako natutuwa kay Agasse dahil sa attitude nito." Ngumiti ng matamis si Jennie. Tumayo si Agasse at binaba ang hawak nitong magazine. Pinasadahan nito ng tingin ang mga kasamang lalaki ni Jennie. Mga artistahin din ang mga ito kaya naagaw ni Jennie ang atensyon ng mga costumer. Iyon ang gusto ni Jennie nasa kanya ang lahat ng atensyon. "May type ka ba sa mga kasama ko? Dahil dati kitang schoolmate pwede ko ipa-pick up sa iyo ang isa sa mga ito." Mukhang nakisakay naman ang ilan sa mga ito at agad siya inakbayan. "Kung gusto ni Ms.Jennie. Bakit hindi?" "Kung pipi-pick up na lang din ako ng lalaki bakit pa sa pinagsawaan na ng iba diba?" banat ni Agasse na naka-pokerface. Natawa ang mga lalaki at napailing si Jennie. "Haynaku, Agasse kaya gustong-gusto kita eh. Lagi mo akong pinatatawa." "Ohmy!" "Ahhh!!" Napatigil si Agasse matapos may taong yumakap sa bewang niya at bumali sa kamay ng lalaking nakaakbay sa binata. "Callisto." Binitawan ni Callisto ang kamay ng lalaki na napaluhod sa sahig. Nanlaki ang mata ng apat na lalaking kasama ni Jennie matapos makita na nag-violet ang kamay ng kasamahan. Natulala naman ang dalaga matapos makita si Callisto na kalmadong nakatingin kay Agasse na kasalukuyang kinakalkula ang mga nangyayari. "Umalis na tayo. Bayaran na natin ang mga pinili mong mga damit." "Okay." Hindi 'man lang tinapunan ng tingin ni Callisto ang mga taong nandoon. Nanatili itong nakatingin kay Agasse na napailing na lang sa ginawa ng binata. "Hindi mo naman binali ang kamay ng taong iyon diba?" "Nope, nakita mo naman nakakabit pa." Napasapo si Agasse sa noo. Nang makarating sila sa counter binayaran na ni Agasse lahat pati na din ang suot ni Callisto. Pinagmasdan ni Agasse si Callisto. Bumagay dito ang suot nitong longsleeve at fit na jeans. "Maganda din pala ang taste mo sa damit." "Actually hindi ganito ang type ko na damit pero dahil ayoko ma-dissapoint ang master ko pinili ko 'yong alam ko na mas bagay sa akin." Natawa si Agasse at sinalubong ang tingin ni Callisto. "Paano ako makakahanap ng mas gwapo sa iyo kung masyado ka ng nagpapagwapo," biro ni Agasse. "Don't you dare Mr.Agasse. Sisiguraduhin ko na bago mo pa makita ang taong mas gwapo sa akin buburahin ko na siya sa mundo," ani ni Callisto na kinatawa ng binata bago naiiling na kinuha ang mga paper bag. "Hindi pa naisisilang ang makakatalo 'sayo Mr.Apostol. Kung sakali 'man na isisilang ang ganon na tao siguradong magiging kasing hambog mo din iyon at hindi papatalo sa iyo." "What do you mean by that?" tanong ni Callisto na parang naguluhan sa sinabi ni Agasse. "Maghanap na tayo ng makakainan nagugutom na ako," pag-iiba ni Agasse. "Anyway, bibili pa tayo ng uniform at mga gamit mo," imporma ni Agasse kay Callisto. "Kung papasok ako siguradong hihingi sila ng register papers ko." "Nakahanda na lahat ng iyon. Nakaregister kana sa pamilya namin matagal na. Hindi lang talaga kita pinapapasok ng school dahil sa kondisyon mo." "Kung magagawa mong makapasa sa mga test maaring maging classmate pa kita kaya galingan mo para sabay tayo maka-graduate," ani ni Agasse habang naglalakad sila palabas ng shop. Ramdam niya ang tingin ng mga tao na nandoon. Hindi niya alam kung dahil ba sa gwapong kasama niya o dahil sa nangyaring gulo kanina. Bumali na naman ng buto si Callisto gamit ang isang kamay. Sana lang walang makapansin 'non dahil problema agad iyon. Hangga't maari ayaw ni Agasse ng atensyon na alam niya din imposible dahil sa lalaking kumikinang ang mata na nakahawak sa kamay niya. Masyado itong nagi-stand sa maraming tao.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD