Naramdaman niya ang biglang pagpintig ng sakit sa kaniyang ulo. Alam ni Alexander na napainom siya at tiyak ay naparami na naman. Hindi naman siya sanay na umiinom. Pero dahil na rin sa sakit at sama ng loob na kaniyang nararamdaman ay hindi na nga niya na-control ang sarili.
Ngunit tila napansin niya na parang may iba ngayong umaga. Ramdam niya ang hubad niyang katawan sa ilalim ng comforter na nakatakip sa kaniya. Sa kaniyang gilid ay nakikita niya ang silhouette ng isang babae na tila hubad at nagbibihis.
Napapikit siya dahil parang pinaglalaruan siya ng kaniyang imahinasyon. Kaya ng muli siyang dumilat ay tuluyan na naglinaw ang kaniyang paningin. Totoo nga, may isang babae na nagbibihis sa kaniyang harapan. At sa hubog ng katawan nito ay agad niyang nakilala kung sino ito.
"Arielle?" Bigkas niya sa pangalan ng kanyang secretarya. Napalingon ito at napangiti.
"Oh, you're awake now. Good morning, Boss!" Casual na sabi nito bago kinagat ang ponytail na hawak at itinaas ang buhok upang itali. Pansin niya ang suot na nighties nito na nakikita sa coat na suot. "Boss, hinintay lang kitang magising, kasi baka mamaya bigla kang mag-panic kung paano ka nakauwi." Anito bago kinuha ang sling bag na nasa gilid. "Yung car ko ang gamit natin kagabi. But don't worry, napakuha ko na yung car mo at nasa parking na rin. I need to go now, kasi I have some plans for today."
Gulong-gulo pa rin siya. Pero dahil sa hubad siya at nakita nga ang secretarya na hubad at nagbibihis nang magising siya ay hindi niya maiwasan na isipin na may nangyari nga sa kanila. "Wait? Did something happen between us last night?" Tanong ni Alex.
Kumunot ang noo ni Arielle. "No, way.. nalimutan mo na?"
"Arielle.." bigkas pa nito na tila naalala lahat ng nangyari kagabi.
"Don't worry about it, Boss. It's nothing." Ngiti na sabi nito na parang hindi talaga apektado. "Sige na, Boss. I need to go. See you on, Monday!"
"Teka-" tumayo siya upang pigilan ito na makaalis dahil kailangan nilang mag-usap pero nagmamadali ito na umalis. "f**k!" Napamura na lamang siya sa inis dahil inisip ang itsura niya. Hindi naman niya ito mahahabol ng ganito ang itsura. Kaya naman ay agad siyang nagsuot ng jogging pants at t-shirt bago nagmadali na sinundan ito sa may parking.
Naabutan niya pa ito na pasakay sa sasakyan kaya naman ay dali-dali niya itong hinabol at tinawag. "Arielle!" Ngunit parang hindi siya nito naririnig. Hanggang sa tuluyan na ngang makalabas ang sasakyan nito.
Muli siyang napamura. Hiyang-hiya siya sa kaniyang secretary dahil sa nangyari. Hindi niya alam kung paano sila nauwi sa ganon. Inisip na pinagsamantalahan niya ang kahinaan ng kaniyang secretarya na walang ginawa kundi puro kabutihan sa kaniya. He felt guilty for what happened. Also he was ashamed of what he did.
Naalala niya na kapwa naman nila gusto ang nangyari. Hindi niya ito pinilit at ginusto rin naman ni Arielle ang nangyari. Pero nahihiya siya. Maaring kagaya rin ng kaniyang ex ay ganoon din ang naramdaman nito.
She regretted it. He came after his 3rd thrust, sino ba ang hindi mabibitin. Malamang ay iyon din ang iniisip nito. He's lame in bed. At wala ni isang babae ang tatagal sa kaniya.
"Maybe, I'll just talk to her later in the office-- f**k! Oo nga pala sabado ngayon." napahinto siya at napamura lalo pa at napagtanto na walang opisina ngayon. Kapag nga naman talaga minamalas. Nagkasabay-sabay pa talaga.
Napatingin siya sa ibaba. Napansin ang isang card na nasa sahig. Pumukaw sa pansin niya ang nakasulat doon kaya naman ay agad niya itong dinampot.
"How to spice up your s*x life?" Napakunot ang kaniyang noo, sunod na binasa ang kasunod. "s*x and Performance Therapy. Let's talk about s*x, romance, and relationships. Call your s*x expert now." Nakita niya na may number sa likod non.
Napailing na lamang siya at nais matawa sa kaniyang nabasa. Sa kaniyang isipan ay may mga ganito palang trabaho. Hindi niya akalain na sa sandaling ganito na hiyang-hiya siya dahil sa nangyari ay parang nananadya pa talaga ang tadhana.
Akmang itatapon niya na iyon pero hindi niya alam ang pumasok sa isipan niya kung bakit ba ibinulsa niya iyon.
----
Tumakbo siya papasok sa loob ng kaniyang cr pagkadating na pagkadating niya. Agad niyang binuksan ang medicine cabinet at hinanap ang isang gamot na matagal na niyang itinatago roon. Agad niyang hinanap iyon at nagdadasal na sana ay hindi pa iyon expired.
Agad naman siyang napangiti nang makita ang tableta ng plan B. Kinuha niya iyon at binasa ang likuran kung pwede pa nga ba. Ilang buwan pa naman bago ito mag-expired kaya buti na lang talaga. Mabilis niya iyon ininom at sunod ay naghubad na upang mag-shower.
They didn't use protection last night. At napaka-tanga niya sa bagay na iyon. Kahit naman na mukhang responsable ang kanyang, Boss ay ayaw niya mauwi sila sa puntong may mabuo dahil sa nangyari kagabi. Lalo pa at marami pa siyang nais gawin sa buhay. At hindi pa roon kasama ang pagiging isang ina.
Matapos niyang maligo ay agad siyang nagtungo sa labas. Narinig niya ang pagriring ng kaniyang cellphone at nakita niya na tawag iyon mula sa isang kakilala. "Hello? Yes, I'll be there after Lunch. Yes, see you!"
Pagkababa niya ng tawag ay ilang saglit lang ay muli iyon nag-ring at ang tawag ay mula sa kaniyang boss. Hindi niya iyon tinanggap dahil alam naman nito na hindi siya tumatanggap ng calls kapag weekends. Iyon din ang sabi sa kaniya ni Alexander kaya naman ay natawa siya dahil tumatawag ito ngayon. Alam niya ang pakay nito at mukhang dahil din talaga sa nangyari kanina ang paguusapan nila
"Then he should wait until monday." Aniya pa nang makita ang ilang missed calls at messages mula sa kaniyang boss.
---
Nakasimangot si Alexander habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Maaga siyang dumating sa kumpanya at kanina pa hinihintay ang kaniyang secretary na dumating. Saglit pa siyang napatingin sa kaniyang relo pambisig. At napatapik sa mesa habang naghihintay.
She didn't answer any of his calls or messages. Dahilan kaya mas lalo siyang nainis. He wanted to talk to her and apologize, pero ngayon parang iba na ang gusto niyang gawin sa kaniyang secretary.
Bumukas ang pinto at nagulat siya at mabilis na napaayos ng upo. Napatingin siya at nakitang si Arielle na iyon at may dalang dalawang kape.
"Good morning, Boss? Ang aga mo today. I heard from outside na nandito ka na kaya naman pinagtimpahan na kita ng kape."
"Bring that here and let's talk." Utok nito kaya napatigil siya.
"Oh, okay." Aniya at inilapag ang kaniyang gamit sa kaniyang table at lumapit kay Alexander at ibinaba ang kape nila.
"Sit down."
Umupo siya at hinawakan ang kaniyang kape. Tila patay malisya na pinakatitigan si Alexander.
"You are not answering any of my calls and messages. Why?"
"Boss, it's weekend. I don't usually use my phone during weekends. Dahil pahinga ko po iyon." Dahilan ni Arielle kaya bapabuntong-hininga si Alexander.
Nakaramdam siya ng guilt dahil nagalit siya. Samantalang wala rin naman siyang karapatan na magalit.
"Okay.. sorry.. it's just, I wanted to talk about what happened between us."
"You don't have to say sorry, Boss. Hindi mo ako pinilit. We're both adults who decided to do it. Nothing more. Just.. um.. think na one night stand lang 'yon. Nothing more."
"Talaga? ayos lang?" Tanong ni Alexander.
"Unless you are regretting it?"
Umiling si Alexander. "I'm sorry, I just feel bad about it. And umm.. you learned my biggest secret. I hope... Hindi malaman ng iba."
Tumaas ang kilay ni Arielle. "Secret? What secret?"
Napatigil si Alexander na tila nahiya. "Huwag ka ng magalinlangan pa, Arielle. I know you feel bad about it."
"Feel bad about?" Tanong niya at muling napasimsim.
"You know I'm lame in bed."
"God!" Ani ni Arielle at natawa kaya mas lalong napayuko si Alexander.
Tumigil naman si Arielle at napabuntong-hininga. "Boss, sumimsim ka nga muna ng kape. Kumalma ka." Aniya at inusog ang kape nito. Kinuha iyon ni Alex at nainom.
"Boss, there's nothing to be ashamed of. Not all people are perfect. And kung nagkakaganyan ka because of that, please don't be. You are not lame in bed. Maybe, you're not knowledgeable about s*x, pero yung mga ganyan napag-aaralan 'yan. What happened is completely normal for men. Men are 80% like that. It happened that, after a lot of experience, they tend to control it to extend pleasure. And of course for the pleasure din ng kanilang partner. So there's--" napahinto siya dahil nakakunot ang noo ni Alexander na para bang nagtataka kung saan galing ang mga impormasyon na iyon. Tila nawalan din sya ng control sa pagsasalita. "Ah basta, don't be upset. Dahil hindi ko naman iniisip na lame ka."
Hindi makapaniwala si Alex sa sinabi nito. Binabasa niya ang facial expressions nito. At napatunayan niya na talagang hindi ito apektado at tila nga hindi siya pinagiisipan ng kung ano.
"Really?"
"Yes, Boss."
Napangiti si Alex. "Then, if I wanted to sleep with you again. Payag ka?" Tanong nito kaya napahinto si Arielle.
Gumanti ng ngiti si Arielle at ibinaba ang tasa. "Sure, why not. Pero boss, hindi na one night stand ang tawag kapag ganon."