Chapter 4

1848 Words
"Mabilis mapagod sa kama? Mabilis sumusuko si Manoy sa labanan. Hindi kayang sabayan si Misis sa romansahan?!. O kaya naman magaling naman pero kulang pa rin? Haaay... Nobody's perfect pagdating sa romansahan. Pero natututunan yan. If you wanted to solve your problems pagdating sa labing-labing. O kaya naman nais mag-level up para maadik si Misis, girl friend. O nais mong ipamukha sa ex mo na hindi ka lame sa kama. then ano pa ang hinihintay mo? Call Spice, your s*x expert. Ako ang bahala sa'yo." Ayan ang narinig niya sa isang ads sa radio. Agad na napakunot ang noo niya dahil sa hindi siya sanay na makarinig non sa radio, kundi dahil parang pamilyar ang sinabi nito. Hindi naman nagtagal ay agad na naalala ni Alexander ang calling card na napulot niya noon. Sumilay ang ngisi sa labi niya at napailing na lamang. Sa pagkakaalam niya ay naitapon na niya iyon. Umiling sya. Hindi naman sa iniisip niya na patulan ang sinasabi roon at pati na rin ang narinig sa ads. Pero sa ganitong klaseng problema meron sya ay lahat na lang ata ng paraan ay maiisip mong gawin para maghanap ng solusyon. Simula nang makipaghiwalay si Charity sa kaniya. Ay kung ano-anong research na ang ginawa niya upang maghanap ng paraan para mapigilan ang problema niya. Naghanap siya ng gamot na maaring makatulong sa kaniya upang hindi kaagad labasan. Naisip niya pa nga na magpagamot abroad para lang doon. Pero napailing din siya kalaunan. Na parang kalokohan lang ang mga naiisip niya. Na maaaring walang gamot at mga pakulo lang ng mga ito ang mga iyon para mapaniwala ang kagaya niya na may pag-asa pa pagdating sa mga taong kagaya niya. At marahil ang narinig niya sa Ads na ito sa radyo ay isang malaking scam lang din. Naalala niya si Arielle. Kanina niya pa iniisip ito. Ang mga sinabi nito kung may katotohanan nga ba ang mga iyon or sinabi lang nito iyon sa kanya para hindi sumama ang loob niya. Para hindi siya mapahiya o ano pa. O sadya lang na mabuting babae lang ito na hindi kaagad humuhusga. Ganon pa man. Hindi pa rin s'ya makapaniwala sa nalaman niyang side nito. Malayong-malayo sa tahimik na secretary na kilala niya. Pero ganon nga siguro. Na kung sino pa ang taong tahimik, ay sila pa ang may kulo sa loob. Hindi niya alam na may alam ito pagdating sa s*x. Hindi niya akalain na parang wala lang dito ang nangyari sa kanila. At isa pa, hindi niya akalain na papayag pa ito na makipag-s*x sa kaniya kung may susunod pa. "She's tight, but not a virgin anymore." Bulong niya nang maalala ang gabing iyon. The way na halikan siya nito at hanggang sa gawin nila iyon. Naramdaman niyang hindi na ito virgin. Sino kaya ang nakauna sa kaniya? Tila nagtangis ang kaniyang panga at agad na napasimangot nang isipin kung sino kaya ang nakauna sa secretarya niya. Ganoon pa man ay hindi niya maintindihan kung bakit ganito siya umasta. Casual s*x, one night stand at napaka-lame pa. So hindi dapat ganyan ang nararamdaman niya. O marahil ay talagang hindi lang siya makapaniwala na may karanasan na ang secretarya niya. "She have her own mind, decision, ginusto niya rin. She made the first move. And with her looks, siguro ay marami na rin siyang naging kasintahan." Kasintahan at baka maraming beses na rin may nangyari sa kanila. Humigpit ang hawak niya sa manubela at mas binilisan ang takbo ng sasakyan. Plano niyang puntahan ang mga magulang para bisitahin ang mga ito. Pero bago iyon ay pupunta muna siya sa isang cafe upang bumili ng paboritong cake ng kaniyang ina. Pagkapasok niya sa loob ay nagtungo siya sa counter at agad napangiti nang makita na mayroon pang pistachio cream cake na lagi niyang binibili. Pero naman walang tao sa counter. "Hello? I would like to buy some cakes?" Tawag niya pero walang tao na sumagot sa kaniya Hindi kalaunan ay narinig niya na tilanmay nagbubulungan. Nagmumula iyon sa silid na nasa likuran. Mukhang stockroom ng cafe. Kaya naman ay lumapit siya doon para tawagin sana ang pansin ng may-ari ngunit iba ang nasaksihan niya. "Isara mo na ang cafe, sige na.. umuwi na tayo.. baka makabuo na tayo this time." Ani ng lalaki sa asawa nito. Na kung hindi siya nagkakamali ay ang may-ari ng shop. "Honey.. sayang naman ang benta. . Nakarami ka naman kagabi eh. Pahingahin muna natin." "Honey.. sige na. Gigil na gigil na ako sa'yo. Mas lalo ka kasing gumaling eh. Yan ba ang natutunan mo kay Spice sa kakapunta mo sa kaniya?" Napakunot ang noo ni Alexander. Sa isip niya ay iyon ang nasa ads kanina. At ang pangalan din ng nasa calling card na nakita niya. "Talaga ba? Gumaling ako?" Tanong ng babae na ngayon ay humawak sa leeg ng asawa. "Sobra. Pwede din ba ako magpakunsulta doon? Para naman masabayan kita. Nakakahiya naman na ang galing ng asawa ko. Samantalang ako--" "Shh... You're enough for me." Pagkasabi non ay biglang nanahimik ang dalawa. Hindi kalaunan ay narinig niya ang munting ungol kaya naman ay umalis na siya. "Nevermind." Aniya at napatingin sa cafe. "Baka kung ano pa ang marinig ko." Bumalik siya sa sasakyan at nang dukutin niya ang susi sa kaniyang pantalon ay may naghawakan siyang papel. Agad na napakunot ang noo niya at hinugot niya iyon. Sa kaniyang pagkagulat. Iyon ay ang calling card na napulot niya. Sa pagkakaalam niya ay naitapon niya na iyon. Nasa loob pala ng bulsa niya. Bahagyang kupas na dahil nasama iyon sa labahan. Subalit ay kita pa naman ang nakasulat. Lalo na ang number at address na naroon. Saglit niya iyon pinakatitigan. Inalala ang mga sinumbat ni Charity sa kaniya. Ang mga sinabi ni Arielle matapos nilang magusap. Ang Ads.. tapos ang mga narinig niya pa sa cafe. Sa sandaling iyon ay may bagay na tumakbo sa isipan niya. Isang desisyon na para bang nakakatawa pero wala na siyang maisip na paraan pa kundi ito. "Hindi naman siguro masamang subukan." Aniya pagkatapos ay bumalik sa kaniyang sasakyan. He canceled his visit papunta sa bahay ng kaniyang mga magulang. And decided to go to the address na nakaimprenta sa calling card. --- Pagkarating niya sa building ay hindi niya akalain na mukhang clinic talaga. Akala niya ay parang office office lang pero hindi. Sa pagmamasid niya ay nalaman niyang isang hospital pala ito at puro therapist ang mga naroon. Iba-ibang therapist and medical consultant ang mga naroon depende sa ikukunsulta. Malinis ang lugar at makikita mo na pribado talaga. Ganoon pa man ay hindi masyadong marami ang tao na naroon, hindi katulad sa mga usual na hospital. Kanina ay nagpunta siya sa receptionist kinuha ang ilan sa mga personal details niya before siya pinapunta sa area kung saan naroon ang clinic ni Doc Spice. "Upo muna kayo, Sir. Pahintay po yung mag-assist sa inyo." Ani ng nurse bago umalis. Napatingin siya sa loob ng silid. Simple at comportable ang loob. May single couch ang naroon at isang long couch kung saan sya nakaupo ngayon. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Agad itong lumapit sa kaniya at nakipagkamay. "Hi, Sir. I'm going to assess you tonight." Tumango siya sa doctor, marahil ay ito na ang Doc Spice na sinasabi nila. "Good evening." "Good evening too, Sir. So before ka po mag-start for your session tonight. May I know what's wrong or what do you expect for this session? Are you experiencing any troubles when it comes to s*x?" Napaubo siya, hindi naman siguro nakakahiya na mag-share sa lalaking ito lalo pa at lalaki din siya. "Is there any erectile disfunction or--," "No." Aniya at napabuntong-hininga. "That's not the problem. It's just... I'm not knowledgeable enough with s*x because I don't have that experience. Well, not all men are experienced. Hindi ba?" "Yes, Sir. You are right." Tumango si Alexander. "Pero hindi lang iyon ang problema ko. What I want you guys to help me with is about.. um.. unable to control myself. I do orgasm really quick. I just can't help it." "Ah, Sir.. bali mabilis kayong labasan? And you wanted to fix it?" "Sana. .. kaya ako nandito. And how to do that?" "Masasagot po iyan mamaya ni Doc." Sagot ng lalaki na nagsulat sa file na hawak nito kaya mas lalo siyang nagtaka. "Teka? So hindi pa ba ikaw ang doctor?" Umiling ang lalaki. "Hindi po Sir. Sige na po, I will forward this to Doc. Pahintay na lang po siya." Hindi siya makapaniwalang pinagmasdan ito na lumabas ng silid. Buong akala niya kasi ay ito na ang doctor na titingin sa kaniya. Pero kung hindi ito ang doctor. Eh nasaan? --- "Why not? Why not? Gosh! Ang bobo ko naman sa part na 'yon!" Inis na sabi ni Arielle sa kaniyang sarili habang naalala ang sinabi niya sa kaniyang boss. "Ilang beses mong sinabi sa sarili mo, Arielle na hindi ka makikipag-eme sa katrabaho mo. Tapos ngayon naman papayag ka na magka-second time ang emean niyo ng boss mo? Gaga ka ba?" Sermon niya pa sa kaniyang sarili bago hindi mapigilan na mapasabunot sa kaniyang buhok. "Pero mukhang hindi naman siya seryoso?" Bulong niya pa pero hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita. "Eh paano naman kung seryoso?" Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. "Malaki naman siya, saka mahaba. Ako na lang kikilos. Painumin ko siya pampalakas para kahit nilabasan na siya, laban pa rin." Aniya pa pero hindi kalaunan ay pinagalitan niya ulit ang sarili. "Gagi ano ba itong iniisip ko? Erase.. erase.. tama na. Focus na okay?" Pinindot niya ang button sa gilid para sa intercom. "Teh? May client na ako? Available na ako teh." Sabi niya at agad naman na nagreply ang kanyang secretary. "Yes, doc. He's waiting for you in the assessment room." He? So lalaki ang client ko ngayon? Hmm.. aniya sa kaniyang isipan lalo pa at malimit may lalaki siyang client pero ayos lang naman. Tumayo siya at kinuha ang Digital notebook niya at pumunta na sa assessment room. "Saan si Arvin?" Tanong ni Arielle sa nurse na nasa labas. "Nasa loob doc, binigyan muna namin ng iced tea yung client." "Okay, thanks. Pasok na ako." Aniya at binuksan ang pinto. Una niyang nakita si Arvin na katapat ng client. "Hi!" "Good evening Doc. Doc nandito na po client. Sir, ito po si Doc Spice." Ani ni Arvin at tumalikod. Dahilan upang magharap si Arielle at ang client. Sa sandaling iyon ay halos malaglag ang panga ni Arielle nang makita kung sino lang naman ang kaniyang client. Gulat din itong nakatingin sa kaniya at hindi makapaniwala na makita siya. Ganoon din si Arielle. Dahil hindi niya inaasahan na ang client niya ngayon na nasa harapan niya ay walang iba kundi ang kaniyang boss na si Alexander. "Ikaw?!" "Ikaw?" Halos sabay nilang sabi hindi akalain na magkikita sila ngayong gabi. At doon din napagtanto ni Alexander ang isa pang katauhan ng kaniyang secretarya. Dahil hindi lang pala ito basta-basta secretarya na kakilala niya. "Isa kang s*x expert?" "At ikaw ang client ko?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD