Chapter Twenty Nine Alyssandra’s Point of View Inaantok pa ako. Kahit nakaligo na ako at kumakain ng breakfast ngayon, inaantok pa din ako. Badtrip kasi na mga projects at assignments yan eh. Sumabay pa yung CaseStudy namin sa COBOL, amp. Two hours lang tulog ko kanina, hindi mo nga matawag na tulog yun eh. Beeep! Beeep! Ang lakas ng busina. Nagising naman ako dun?! "Oh Princess baka si Xander na yan." - sabi ni Nay Minda "Psh, Schoolbus ko. Andiyan na naman, kainis." - sabi ko "Kakaiba ka talagang bata ka, ikaw na nga sinusundo ng gwapong binata eh." - sabi ni Nay Minda "Psh. Kung sundo rin lang Nay, kaya ko naman pumasok sa ALU mag isa." - sabi ko naman Tumayo na ko para lumabas ng bahay. Paglabas ko ng bahay, nagulat ako sa nakita ko. Si Xander at Aaron, parehong