Chapter Twenty Seven Xander’s Point of View Hindi ko namalayan, nawala na pala sa paningin ko si Witch. Hay, may kausap na naman siguro yun. Teka, si PD to ah? Palapit sakin. "Oy Pareng Xander, nakita mo ba si Sassy?" - tanong ni PD "Kanina nandiyan lang eh, bakit?" - tanong ko "Wala naman, kakausapin lang sana namin, hehehe. Nawala eh, baka nanlalake na?" - pang aasar ni PD "Adik..." - sabi ko na lang "Haha, sige Pre hanapin ko muna yun. Dami mo yata iniinom?" - sabi niya "Sayang alak eh." - sabi ko naman "Ah. sige, haha." – sabi niya at umalis na siya Tsh, makapaglakad lakad nga muna. Mukhang ako na makakaubos ng alak nila dito eh. I need some fresh air. Hay. Lumabas ako para pumunta sa garden nila Witch. Masyado kasing madaming tao sa loob, dun sila nagkumpul kumpu