Chapter Thirty Two Kath’s Point of View Hahaha! Kalat na sa buong school ang pagtatapat ni Xander kay Sassy! Ang galing ko talaga! Habang naglalakad ako biglang may tumawag sakin. "Kath!" - sigaw ni Xander habang palapit sakin "Oh? Problema mo?" - tanong ko Mukhang stress na ewan eh. Akala mo tinakbo niya yung buong ALU sa paghingal, haha. "Si Witch? Nasaan si Witch?" - tanong niya Toinks? Sa akin daw ba hanapin ang mahal niya? "Diba sinusundo mo yun? Bakit sakin mo hinahanap? Ogags ka din eh." - sabi ko "Hahanapin ko ba sayo kung nasundo ko?" - sabi niya Imbyerna? Ang sungit ng lalaking to ah? Pero pag andiyan si Witch, ang cool cool niya. Sus. "Baka ayaw kang makita. Hahaha. Tignan mo na lang sa room." - sabi ko Tapos umalis na ko. Ayos din