Chapter 30

1516 Words
Naroon na si Ace sa isa sa mga study room ng mansion at naghihintay kay King. Habang naghihintay siya ay pinagmamasdan nito at sinuri ang mga palamuti, plorera at kung anong bagay na naroon na mamahalin talaga. "Hmm.. good choice.." bulong ni Ace sa sarili. "Magaling talaga siyang pumili." Narinig ni King ang mga sinabi ni Ace nang papasok na siya sa silid kaya sumagot ito sa binata. "Alam ko namang magaling ako. Sa lahat ng bagay, magaling talaga ako!"pagmamayabang ni King na humahakbang palapit kay Ace. Natawa naman si Ace at humarap ito sa binata. "Habang tumatagal lumalakas ang hangin rito." sarkastikong sabi ni Ace. Naging seryoso si King at taas noong napatanong ito kay Ace. "Anong kailangan mo? Hindi pa naman natatapos ang kasunduan, mukhang excited ka na!" "Mukha ba?" Napapangiwi man si Ace pero nagpipigil na pala ito kaya kalmado lang siya sa harap ni King. "By the way King, narito ako hindi lang tungkol sa kasunduan. Narito ako para kay Madam O, na isa sa aking mga tauhan." Mas naging seryoso si King at ang mga kilay ay nagkakasalubong na. Hindi niya nagustuhan ang pagbanggit sa pangalan ni Madam O na isa sa mga nagpahirap kay Licca. "Nabalitaan mo na pala kung anong ginawa nila!" "Syempre naman." "Gusto kong parusahan siya! Matinding parusa ang dapat sa kanya!" "Kalma lang King. Kalma lang!" Mas nainis si King kaya lumapit ito kay Ace. Hinarap niya ang binata na nanggigigil sa galit. "Bakit mo naman paparusahan ang isang matandang gaya ni Madam O? Nakakaawa naman siya kung ganoon." "Hindi mo alam ang ginawa nila!" galit na sabi ni King. "Dapat lang sila parusahan gaya ng pagpaparusa ko sa aking mga tauhan!" "Ang sabi nagtangkang tumakas sila kaya pinarusahan nila ang mga bihag!" giit ni Ace. "Sinabi sana nila ang mga nangyari sa atin bago sila gumawa ng hakbang. Pero ano ang ginawa nila, nagdesisyon lang sila ng sila lang!" Gigil na gigil na sa galit si King. Alam niya na pinoprotektahan ni Ace ang mga tauhan niya kahit may mali ng ginagawa. Binigyan na ni King ng nararapat na parusa si Tori na isa sa mga may kasalanan. Hindi niya kokonsentihin ang mga ginagawa ng mga tauhang nagtratraydor. "May point ka King. Mukhang tama ka. Kaya naman naisipan kong bigyan ka ng isang kasunduan kapalit sa paglimot sa mga ginawa ng mga tauhan ko lalo na si Madam O," determinadong ani ni Ace. "What do you mean?" Napangiti si Ace. "Bibigyan kita ng isang linggong extension na makakasama mo ang babae mo kapalit ng paglimot sa mga ginawa nila. Hindi na sila paparusahan at hindi mo na tayo maglalaro!" "Ano?" "So ano ang desisyon mo King?" Natahimik si King habang nag - iisip. "Hindi mo ba gusto iyon? Isang linggong extension ng ating kasunduan. Makakasama mo ang babae mo!" Hindi na nagdalawang - isip pa si King at pumayag ito. "Sige payag ako!" "Good!" Nagkasundo na ang dalawa na ma-eextend ang kasunduan nila. Mananatili ang mga bihag sa kamay ni King lalo na si Licca. "By the way King, magkakaroon ako ng salu - salo bukas sa mansyon ko. Gaya ng dating gawi ang gagawin natin. Kailangang pumunta ka." "Sige, pupunta ako!" sagot ni King sabay talikod. Sinundan naman ng tingin ni Ace ang binatang lumabas na sa silid. Napakaseryoso nito na tila may binabalak. "Magpakasaya ka na ngayon King dahil maaangkin ko rin ang lahat ng pinakaiingatan mo! Humanda ka dahil hindi ako magpapatalo sa iyo. Matatapos din ang mga maliligayang araw mo." bulong ng isip ni Ace. ------ Pagbalik ni King sa kwarto ay gising na pala si Licca. Nakaupong nakatulala ang dalaga sa harap ng mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain. Naroon din si Rita na nakatayo sa may likuran ng dalaga na bakas ang pag - alala dahil hindi ito kumakain. "Anong nangyari? May problema ba?" usisa ni King kay Rita. "Boss, ayaw pong kumain ni Miss Licca." Lumapit agad si King sa dalaga habang umalis naman si Rita sa silid. "Kumain ka na," mahinahong utos ni King sa dalaga. "Ayoko.." mahinang sagot ni Licca na nakatulala pa rin. "Sige na. Nakakasama sa iyo at sa baby kapag nalilipasan ka ng gutom. Kumain ka na." "Wala akong gana.. ayokong kumain." "Kailangan mong kumain." "Ayoko sabi!" Lumuhod si King sa may gilid kung saan nakaupo si Licca. Napatingin ang dalaga sa binata na nagmamakaawang kumain na ito. "Ano ba ang gusto mong pagkain? Ibibigay ko sa iyo. Sabihin mo lang. Ipapaluto ko o di kaya ioorder. Bibilhin ko kung ano iyon. Basta kumain ka lang." "Ayoko nga! Bakit mo ba ako pinipilit?" naiinis na reaksyon ni Licca. "Gusto kong kumain ka!" "Ayoko nga! Masmabuting magutom ako!" Pagmamatigas ni Licca. "Sige kung ayaw mo, sasabayan kita. Hindi rin ako kakain!" "Huh?" Gulat si Licca sa desisyon ni King. Napakaseryoso naman ni King na tumayo mula sa pagkakaluhod. Nagtaka ang dalaga sa naging desisyon ni King. "Seryoso ka ba?" "Bakit, ikaw lang ba ang pwedeng magdiet?" pilosopong sagot ni King. "Baliw ka talaga!" Palihim na napangiti si King na nagtungo sa couch. Humiga agad ito roon habang ang dalaga ay sinundan ng tingin ang binata. "Hmp! Bahala ka!" Napakrus ng braso si Licca at umiwas ng tingin sa binata na nasa couch. Nanatili lamang ito sa upuan sa harap ng mesa. Nagmatigas siya pati si King na relax na relax lamang sa couch na ang mga kamay ay nasa ulo. Lumipas ang labing limang minuto na di man lang sila umalis sa kanilang hinihigaan at inuupuan. Hanggang bigla na lang pumulupot si King na nakahiga. "Aray! Ang sakit!" sigaw ni King na pumupulupot sa sakit ng tiyan. Napalingon si Licca sa binata. "Aray ang sakit ng tiyan ko!" "Eh?" "Aray!"sigaw nito pero napapasulyap siya sa dalaga. Papikit - pikit na nagkukunwaring masakit ang tiyan. Tumayo si Licca pero senermunan niya si King. "Alam kong nagbabalat- kayo ka lang. Hindi mo ako maloloko!" "Okey fine!" ani ni King. Tumigil si King sa kanyang acting at tumayo na rin siya. Lumapit ito sa dalagang nakatayo na napakaseryoso. Medyo napaatras ang dalaga pero naroon ang silyang nakaharang kaya di umusad. Pagkalapit ni King ay agad niyang niyakap si Licca. Kunot noong tinitigan ng dalaga ang lalaking nasa harapan niya na napakalapit ng mukha. "Tama ako at acting lang ang lahat!" "Tama ka nga, acting lang." "Bakit mo ba ito ginagawa? Hayaan mo nalang ako." Mas hinigpitan pa ni King ang yakap nito. "Kung hahayaan kita. masaya ka na? Kasi kung ako, hindi ako magiging masaya!" Mas nagkatitigan ang dalawa. Hindi nila inalis ang mga tingin sa bawat isa. Unti - unting lumalakas at bumibilis ang t***k ng puso ng dalaga. "Kung mamamatay ka at ang bata, parang namatay na rin ako." "Eh?" Mas bumilis pa ang t***k ng puso ni Licca. Namumula na rin ang kanyang pisngi na parang kamatis. Di niya maintindihan pero ramdam niya ang kakaibang pakiramdam. "Ayokong nasasaktan ka dahil nasasaktan din ako.." hirit ni King na lumalapit ang mukha sa mukha ni Licca. Napapasulyap siya sa mga labi ng kasama. Ilang hirit pa yata ay sasabog na ang puso ni Licca. Nagpigil nalang ito at di nakipagtalo. Hinihintay nalang niyang dumampi ang labi ni King na dahan - dahang lumalapit. Dadampi na sana ang dalawang labi pero dumating sa eksensa si Mr. Franco. "Boss!" Sa gulat ng dalawa ay napatayo ng tuwid si King at napalayo sa labing gustong halikan. Di naman bago ang ganito pero sa mga oras na iyon ay tila nagkakailangan ang dalawa. Nahiya naman si Mr. Franco sa pagiging distorbo. "Sorry boss..." "Ano ba ang kailangan mo Mr. Franco?" galit na tanong ni King. "Uhm, dumating na kasi iyong mga stakeholders." "Sige." Naunang umalis si Mr. Franco sa kwarto. Bago naman umalis si King ay nagpaalam muna siya kay Licca. "Kumain ka! Uutusan ko si Rita na ipaghanda ka ng mga gusto mong pagkain. Sabihin mo lang, ipapahanda ko." "Ayoko!" pagmamatigas na naman ni Licca. "Kumain ka!" "Ayoko nga!" "Huwag ng matigas ang ulo!" sermon ni King. "Sinabi ko na, ayoko!" "Ulitin mo pa at hahalikan talaga kita." seryosong babala ni King na hindi naman pinaniwalaan ni Licca. Hinamon naman ng dalaga at nagmatigas pa ito. "A - yo - ko!" Hindi nagdalawang isip si King at hinalikan niya ang labi ni Licca. Hinawakan niya ang batok ng dalaga para mas madiin pa ang halik niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Licca at nanigas na parang yelo. Bigla rin niyang naalala ang unang beses na nagkatagpo ang kanilang mga landas sa isang boutique. "If you shout, I will kiss you!" Ito ang araw din na kinuha ni King ang kanyang red bra. Itinaas niya ang hawak niyang bra. "Nice bra!" tukso ni King. "What the! Ibalik mo iyang bra ko!" utos ko sa kanya. "Dahil pinahiya mo ako kanina, this is mine already!" "Ano!? eh, g*go ka pala! Ibalik mo iyan!" Umatras pa sya at ako naman ay susulungin sana siya pero may sinabi pa siya na nagpatigil sa akin. "Sige, lumapit ka pa at hindi lang bra ang kukunin ko pati panty mo na!" Sh*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD